Chapter 59

296 23 0
                                    


°°°°Chapter 59°°°°

Halos malayo layo na din ang kanilang natatakbo ng makadinig sila ng mga yabag na pasunod sa kanilang tatlo

Kinabahan naman sina Jane at Nica para sa kaligtasan ni Cj kaya mas binilisan pa nila ang kanilang pagtakbo

Inalalayan naman siya ni Nica dahil alam nitong nabibigatan at nangangalay na siya sa anak niyang karga ng mga sandaling iyon, habang ang katabi ay nakahanda ng lumaban kung sakali na maabutan sila ng mga nakasunod sa kanila

Panay naman ang lingon ni Jane sa paligid habang tumatakbo, habang si Nica ay diretao lang ang tingin sa harapan at hindi na lumilingon pa sa paligid dahil alam nitong babagal lang sila kapag ginawa niya iyon, pero dahil sa ginagawang paglingon lingon ni Jane ay hindi na nito namalayan ang nakausling malaking ugat ng puno na nasa kanyang harapan, natalisod ito doon at naihagis sa di kalayuan ang natutulog na anak

Dahil sa pagkakatalisod nito ay nasamang nadapa din si Nica dahil nakahawak iyon sa kanyang braso, pareho silang nadapa habang si Cj ay nagising at biglang pumalahaw ng iyak dahil sa nakaramdam ito ng sakit

Akma na sanang babangon si Jane para lapitan ang anak niya pero napaupo, kahit si Nica ay hirap din makatayo dahil sa sugat na natamo nito sa tuhod, napapaiyal na lamang si Jane lalo na ng madinig na nila ang mabilis na mga yabag na papalapit sa kanila, pero mabilis na nakatayo si Nica at paika ikang lumapit kay Cj at kaagad iyong kinarga bago lumapit kay Jane

Nagyakapan nalang silang tatlo dahil hindi na nila kaya ang lumaban, nag iyakan nalang sila habang taimtim na nagdarasal, ipinikit na din nila ang kanilang mga mata para hindi na makita ang itsura ng mga nilalang na nakasunod sa kanila

Napapitlag pa si Jane ng maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa kanyang braso, inimulat niya ang kanyang mga mata para tignan ang nilalang na anumang oras ay lalapain na silang tatlo

Pero ganoon nalamg ang gulat niya ng mapagsino ang taong humawak sa kanyang braso, pinaglipat lipat pa muna niya ang kanyang mga mata sa dalawang nilalang na nasa kanilang harapan ni Nica

"Nica! Nica,"kulbit niya sa dalaga na mahigpit pa ding nakayakap sa kanila ni Cj

"Ano po iyon, Ate Jane?,"tanong nito pero hindi pa din idinidilat ang mga mata

Hindi tumugon si Jane na hanggang ngayon ay nakatitig sa mga kaharap, na tila ba nabunutan na sila ng tinik sa lalamunan bago sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha







Samantala

Nagawa na ding makapasok ng tatlong tiktik sa loob ng bahay, hinarap nilang dalawa ang mga kalaban, magtalikuran silang dalawa ni Joorie habang nakaumang s amga iyon ang kanilang gulok at buntot ng pagi

"Kakayanin ba natin sila?,"tanong ni Joorie sa kanya habang hindi inaalis ang kanilang paningin sa apat na tiktik na nakapasok sa kanilang bahay,"Parang hindi tumatalab ang mga pangontra sa kanila eh,"

"Malayo tayo sa mga pangontra,"tugon niya dito

"Paanong malayo? Eh halos punuin na natin ang loob ng bahay noong nakaraang araw ah",angal nito

"Naglinis si Jane at inalis ang mga alin sa mga iyon,"napabuga nalang ng hangin si Joorie dahil sa inis sa kasintahan ng kanyang pinsang si Calvin

Nang sinugod na sila ng mga tiktik ay tumakbo si Joorie papunta sa isang sulok ng bahay kung saan nakatambak ang mga pangontra

Pero naabutan siya ng isa at kaagadna bumaon ang matutuliss nitong mga kuko sa likuran ng dalaga, hinwakan sa leeg si Joorie bago inihagis sa bintana,  tumama ang kanyang likuran sa babasaging bintana ng bahay, kaya nasira at nabasag iyon, nabitawan niya ang kanyang gulok dahil humagis siya sa labas, hindi na niya makita kung saan humagis ang kanuang gulok, tanging buntot na lang ng pagi ang kanyang hawak,

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now