Chapter 58

298 26 0
                                    


°°°°Chapter 58°°°°

Hindi na nila namalayang nakatulog na sila mula sa pagbabantay, tangan pa din nilang dalawa ang buntot ng pagi at gulok sa bawat kamay nila

"Gumising na po kayong dalawa,"ani ni Nica na niyugyog ang balikat ni Angela

"Umaga na pala,"ani ni Angela ng mahimasmasan,"Salamat naman at naging ligtas tayo buong magdamag,"

"Kaya nga po eh,"ani naman ni Nica

"Nasaan pala si Janeat Cj?,"tanong ni Joorie ng pumasok sa silid para kumuha ng damit

"Bumili ng pagkain kina Aling Denia, para daw almusal natin,"tugon nito kaya napatango nalang silang dalawa, bago inayos ang kanilang mga sarili

Ilang sandali pa ang nakalipas ay bumalik na ang mag ina dala ang mga almusal na pinamili ng mga ito para sa kanilang lahat

"May balita ako sa inyo,"bungad nito habang iniaabot kay Nica ang pagkain at kay Joorie ang anak nito

"Ano iyon?,"kuro nilang tatlo na nakatingin kay Jane na napaupo nalang

"Iyong kapitbahay nila Aling Denia,"panimula nito,"Buntis iyong babae, nakita nalang noong asawa na wala ng buhay kaninang umaga, wakwak ang tiyan at nawawala ang sanggol sa sinapupunan nito,"

Nagkatinginan lang silang tatlo at naghihintay ng kasunod na sasabihin niya

"Nakita ng asawa na naliligo sa sariling dugo ang babae, iyon nga wala na ang sanggol pati ang mga lamang loob nito,"napapailing nalang sila dahil sa nabalitaan nila

"Iyong yabag ng mga paa kagabi,"naalalang saad ni Angela kaya naalala din nila iyon kagabi,"Hindi kaya aswang iyon?,"

"Baka tapos na iyong mambiktima, napadaan nalang sa bubungan natin,"kuro naman ni Joorie,"Kaya hindi tayo ginalaw at sinugod,"

"Baka nga po,"pagsang ayon naman ni Nica

"Sabi ng Kapitan, simupa mamayang gabi ay mas lalo nilang pagbubutihan ang pagroronda,"dagdag ni Jane na inaayos na ang kanilang pagkain sa lamesa

"Sana nandito sila Lucas at Vleane,"wala sa sariling sambit ni Angela na ikinatigil ng tatlo sa mga ginagawa nila, nakita niya na umusbong ang lungkot sa mga mukha ng mga ito kaya napabuga nalang siya ng hangin at niyaya ng kumain ang mga iyon

"Sana nga po nandito sila,"ani ni Nica makalipas ang ilang sandali ng katahimikan,"Sila lamang po ang makakapigil sa mga kampon ng kadiliman, kahit na kaya din naman po natin ang lumaban,"tumango na lamang ang mga kaharap ni Nica dahil sang ayon ang lahat sa sinabi niya







Isang Gabi

Maalinsangan ang panahon, halos hindi sila makatulog lalo na ang anak ni Jane na si Cj, alumpihit ito sa higaan at tila iritable sa sarili na hindi malaman kung anong pwesto ang gagawin para lang makatulog dahil antok na antok na ito, iyak din ito ng iyak kapag naaalimpungatan dahil sa init na nararamdaman

"Sobra naman ang init,"angal ni Jane,"Hindi naman naman pwedeng buksan ang bintana sa kwarto, mahirap na at baka masalisihan ng mga aswang,"

"Grabe nga ang init eh,"ani naman ni Joorie, may hawak na iyong pamaypay at panay paypay sa natutulog na bata,"Halos walang kahangin hangin sa paligid at kahit may electricfan ay ganoon pa din, para ngang mas lalong uminit eh,"

"Tulog na si Cj,"puna naman ni Angela,"Sasala nalang tayo matulog lahat, medyo malamig kaunti doon,"mungkahi niya na sinang ayunan naman ng lahat, inilipat nipa ang higaan sa sala at doon inihiga ang tulog ng bata

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now