Chapter 39

300 27 5
                                    


°°°°Chapter 39°°°°

•••Third Person's POV•••

Matapos niyang iniwanan ang babae sa kanyang pinagkukublihan ay muli siyang lumabas sa kalsada para harapin ang mga sigbin na kanina lang ay humahabol sa babae

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, doon ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nag uumpisa ng lumaban ang kanyang mga kasama, nakita niya na din na andoon sina Lucas at Jude kasama ang dalawang dalaga, habang abala din si Eugene na labanan ang mga sigbin na sumusugod

Napangiti nalang siya dahil hindi natiis ng apat na lumaban kahit na galit ang mga iyon sa kanya, wala naman siyang magagawa pa doon kahit sa kasintahan ni Calvin, dahil inaanak ng matanda sa kasala ang mga magulang ni Jane at ito na ang tumatayong Lolo ng dalaga

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid para hanapin si Emir, pero hindi niya nakita ito doon, akmang tatakbo na soya para hanapin si Emir ng makadinig siya ng isang sigaw mula sa pinanggalingan niya

"Aaahhhh, tulong!!,"sigaw nito, nakilala niya iyon ng bumalik siya, ito ang babaing kanyang iniligtas kanina lang

Pinagpapatay niya ang apat na aswang na humihila dito papunta sa kasukalan, matapos niyang mapatay ang mga iyon ay inakay niya ito papunta sa bahay nila Lucas

"Ikaw muna ang bahala sa kanya at sa iba pa,"bilin niya sa kapatid,"Kailangan kong mahanap si Emir ngayong gabi,"

"Ate delikado,"awat ni Nica sa kanya pero umiling na lamang siya

Akma na siyang tatalikod para lumabas ng bahay ng pigilan siya ng babae

"Sandali,"awat nito,"Alam ko kung nasaan si Emir,"

"Paano mo alam?,"takang tanong niya dito

"Binihag nila ako at handang gawing alay, nakatakas lamang ako sa kanila kaya nila ako hinahabol kanina,"ani nito

"Nasaan si Emir?,"tanong niyang muli dito

"Nasa loob siya ng kagubatan,"tugon nito,"Doon sa may kweba kung saan maraming puno ng kawayan ang nakapaikot,"dagdag pa nito

"Salamat,"ani niya sa dalaga, bago mabilis na tumalikod, hinabol pa siya ni Nica pero pinigilan lang ito ni Tatay Rommel at Tatay Lino, kaya wala na iyong nagawa kundi ang magdasal para sa kaligtasan ng kanyang ate

Matapos maisaradong maigi nina Tatay Rommel at Tatay Lino ang pintuan ay saka sila bumalik sa kanilang kinapupwestuhan at naghanda sa maaaring mangyari,

Hindi na sila bumalik sa simbahan dahil masyado ng marami ang nagtatago doon, kaya nagpasya na silang bumalik sa kanilang bahay kasama ang pamilya ni Tatay Rommel







Mabilis na tumakbo papunta sa kagubatan si Vleane para harapin na si Emir, pero bago pa siya makapunta doon ay maraming aswang ang humaharang sa kanya, bawat aswang na sumasalubong sa kanya ay sinasalubong niya ng pagtaga at paghampas ng buntot ng pagi

Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang paliko at pataas na daan papunta sa kagubatan ng biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang mabangis na gabunan

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now