Chapter 42

329 28 1
                                    


°°°°Chapter 42°°°°

Pagkalipas ng 1 Buwan

Simula noon ay naging abala na ang grupo nila Lucas sa pag sasaayos ng kanilang Baryo, tila ba dinaanan iyon ng dalawnag magkasunod at malalakas na bagyo dahil sa mga pinsalang nangyari

Dahil halos lahat ng bahay ay nasira ng dahil sa ilang gabing pagsalakay at pananalasa ng mga aswang, may ilang pamilya din ang nawalan ng mahal sa buhay, kaanak at kaibigan, kagaya nalang ni Lolo Rene

Hindi lang pinansiyal ang kanilang kailangan kundi maging ang suportang moral para sa mga naulila

Sa tulong nila nakikita kung paano nila bigyan ng solusyon ang mga problemang kinahaharap ng kanilang Baryo, pinapakita lang nila na iisang pamilya sila at sama samang haharap pra sa bagong umaga

Halos isang buwan na din ang nakakaraan simula ng salakayin ng mga aswang ang Baryo San Gabriel, kaya ngayon ay unti unti ng nakakabangon ang kanilang Baryo dahil sa kanilang pagtutulungan

Sa loob ng buwang iyon ay tulong tulong silang mag abot ng pagkain, tulong pinansyal at sa pagbuo ng mga bahay ng mga iyon, katulong din ang Simbahan sa mga pangangailangan ng mga namatayan at nawalan ng mga magulang

At sa loob din ng buwang iyon ay halos hindi pa din kinikibo ni Lucas si Vleane, maliban sa nga magulang nito at ng dalawang dalaga, kaya hindi alam ni Vleane kung galit pa ba ito sa kanya o ayaw na nito sa kanya dahil sa malamig nitong pakikitungo

Pero inunawa at hinayaan nalang niya iyon dahil mas marami pa siyang dapat asyusin at isipin lalo na si Ronelio na bigla nalang nawala sa tribu ng mga iyon sa kagubatan ng minsang puntahan niya doon, kahit bakas ay wala siyang nakita kung saan ba nagpunta ito kasama ang mag ina at ang mga alagad

Kaya palaisipan sa kanya kung patay na din ba ito nung namatay si Emir, pero malakas ang pakiramdam niya na nag iipon lang ito ng mga alagad at nagpapalakas pang lalo para sa muli nilang paghaharap







Parehas na natigilan ang lahat ng nasa bakuran na sila ng bahay nila Lucas, napakunot noo sila at napatitig sa isat isa

Kaagad na lumapit si Vleane para kuhaain ang sulat na nakasuksok sa piankabakod ng nasabing bahay nila Lucas

Binasa niya iyon at nakita niya na may kanya kanyang pangalan na nakalagay, iniabot niya iyon kina Jude, Brent, Calvin at Lucas,

"Para sa inyong apat ang mga sulat,"ani niya ng makita ang pagtataka ng tatlo

Hindi nakakibo ang tatlo habang hawak ang sulat na may mga pangalan nila habang siya ay nagpalinga linga sa paligid para hanapin kung sinuman ang naglagay doon ng mga sulat, pero wala siyang namataan na kahit sinong tao sa paligid

Pumasok sila sa loob ng tahimik para doon basahin ang mga sulat na para sa kanila,

"Anong mayroon?,"takang tanong ni Nanay Niña sa kanila ng makita silang pumasok ng tahimik

"Wala po,"tugon naman ni Lucas, matapos nilang makapagmano ay naupo na sila at kanya kanyang basa ng sulat na para sa kanila

Ganoon din si Vleane kaya napakunot ang kanyang noo, dahil sa nalaman niya at kung ano ang misyon niya, tinignan niya ang bawat sulat na hawak ng apat, kakaiba kasi ang mga papel na ginamit at tinta sa sulat, itinupi niya iyon at ibinulsa, nakita niyang nakatingin sa kanya ang apat na tila ba inaalam kung ano ang plano niya

"Sino kaya ang nagpadala ng sulat na ito?,"tanong ni Calvin sa kanila,"Biro lang ba ito sa atin?,"

"Hindi ko din alam eh,"tugon niya,"Pero kung sinuman ang nagpadala ng sulat na ito, baka matagal na niya tayong sinusubaybayan o kakilala natin siya,"sagot niya sa mga kausap

Aswang Killer: Season 2 of 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz