Chapter 20

1.1K 66 72
                                    

°°°°Chapter 20°°°°

•••Third Person's POV•••

Ilang minuto pa lamang sila na nakakalayo sa bahay ng mag asawa ng biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong paligid

Bigla ding tumigil ang makina ng kanilang sinasakyan, maging ang sasakyan nila Lucas, sa daanan kung saan napapaligiran sila ng matataas na damo at mga talahib

"Humanda kayo, may panganib,"ani niya na biglang bumaba at pinuntahan sina Lucas

"Anong nangyari?,"takang tanong ni Lucas

"Humanda kayo,"ani niya,"Mapapalaban tayo,"

Ilang sandali pa ay nakaramdam sila ng pagyanig ng lupa, kaya napilitang bumaba ang apat sa Van maging ang tatlong dalaga at lumapit sa kanila

Ilang sandali lang ang lumipas, mula sa makakapal na talahib ay palundag na lumabas mula doon ang mga nakakatakot na nilalang, pinaikutan silang walo ng mga iyon, halos triple ang bilang ng mga ito kumpara sa kanila

"Humanda kayo at mag iingat,"babala niya sa kanyang mga kasama na inihanda na ang kanilang mga sandata

"Oo,"kuro ng mga iyon

Maya maya pa ay madidinig sa katahimikan ng gabi ang malalakas na pag ungol at angil ng mga kalaban nila

Kaya inihanda na nila ang kanilang mga sarili ng sumugod ang mga iyon, naghiwa hiwalay sila dahil kapag magkakasama sila ay matatalo sila

Madidinig sa buong paligod ang mga ungol at talas ng sandata nila na humihiwa sa laman ng mga aswang

Bawat isa sa kanila ay halos tatlo ang kinakalabang aswang, may magkakasama naman at talikuran habang pinupro tektahan ang bawat isa

Halos hingalin na sila sa pakikipaglaban sa mga aswang na kanilang kaharap, halos humanga naman sa mga kasama si Eugene dahil kung titignan niya ang mga kilos ng anim maliban kay Vleane ay mapaghahalata ang mga iyon na professional aswang killer

Kaya mas ginalingan pa ni Eugene ang pakikipaglaban para hindi naman nakakahiya sa mga kasama niya na bigay todo kung lumaban, ngumisi ito bago tinagpas ang ulo ng huling kalaban nito

Lumipas pa ang ilang sandali ay natalo na din nila ang mga aswang, iisa nalang ang natira na nakatayo sa di kalayuan na alam nila na ito ang pinuno ng grupong tumambang sa kanila

Bigla iyong nagpalit ng anyo bilang isang malaking ibon at lumipas papatakas sa kanila

"Hayaan niyo nalang siya,"ani niya,"Malamang pupunta iyon sa nag utos sa kanipa at mag uulat, hayaan niyo silang magalit,"sabay punas ng kanyang sandata sa damuhan para maalis ang mga dugo mula sa mga aswang na napatay niya

Sinundan lang nila ng tingin ang papalayong ibon, habang nagsasalita si Vleane kasabay ng paglilinis ng sandata nito

Ilang sandali panay bigla nalang nagbukasan ang mga ilaw sa poste kaya napapailing nalang sila

"Tara na,"yaya niya sa lahat, kaya kanya kanya na silang pasok sa kanilang sinasakyan bago nilisan ang lugar na iyon

Habang nasa daan ay tila malalim na nag iisip si Vleane, habang si Angela na ang nagmaneho ng sinasakyan nila

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon