Chapter 23

343 27 2
                                    

°°°°Chapter 23°°°°

Hating Gabi

Dalawang sasakyan ang mabilis na huminto sa tapat ng bahay nila Lolo Rene, kaya naalimpungatan naman ang mga taong natutulog sa sala, nagkatinginan ang mga iyon at nag aalala

Pero bago pa sila makapagtanong at makakilos ay sunod sunod na katok ang nagpakaba sa kanila kaya naman dahan dahan silang bumangon at nakiramdam sa loob

"Nay! Tay, si Lucas po ito!,"katok nito,"Buksan niyo po ang pintuan!,"

"Lolo Rene!,"sigaw ni Vleane,"Bubuksan niyo po ito o wawasakin ko?!,"tanong nito sabay tawa, kaya napailing nalang na napatayo si Lolo Rene para pagbuksan ang magkakaibigan

Napaupo naman ang mga kasama nito bago iniligpit ang mga hinigaan

"Lolo,"ani ni Lucas sabay mano, ganoon din ang ginawa ng mga kasama ng binata bago sila pumasok sa loob ng bahay

"Ate Vleane!,"biglang yakap ni Veronica sa kanya, nabigla siya kaya hindi laagad nakapagsalita maging ang mga kasama niya,"Ate ko,"iyak nito

Kaya napayakap nalang siya sa kapatid, hindi siya umimik niyakap lang niya ito ng mahigpit

Nagmano naman ang mga kasama niya sa mag asawa na sina Mang Rommel at Aling Alicia

"Kailan po kayo dumating?,"tanong ni Lucas sa mag asawa

"Kanina lang hapon,"ani naman ni Aling Alicia

"May nangyari po ba?,"takang tanong ni Vleane sa mag asawa,"Asan po si Cris at sina ate Amanda at Mayah?,"

Nakita niyang napayuko nalang ang mga iyon, tapos umiyal naman si Veronica sabay yakap sa kanya

"Nabulag si Cris, iha,"ani ni Aling Alicia

"Po? Paano?,"tanong niya, hindi umimik ang mag asawa dahil hindi nila alam kung papaano sasabihin ang nangyari sa kanila sa kamay ng mga aswang

"Ako na po ang magsasabi kay Ate Vleane,"ani ni Brent, hindi nila alam na nagising ito at bumaba,

Sabay sabay silang napalingon sa binata kaya napatango na lamang siya

"Kape tayo mga apo,"yaya ni Lolo Rene,"Mukhang mahaba habang kwentuhan ang magaganap,"

"Salamat po,"ani nila

"Ganito po kasi iyon,"umpisa ni Brent ng makaupo na silang lahat







••••Flashedback••••

"Tay, hindi po kaya dito naman sa Baryo natin sumugod ang mga aswang?,"nahintakutang saad ni Cris sa ama habang tahimik lang si Brent

"Lalaban tayo para sa ating pamilya at para sa mga taong hindi kayang lumaban,"saad ni Mang Rommel kahit na kinakabahan iyon

Tumango tango naman si Cris habang nakatingin sa kanyang tatlong pamangkin at sa ipinagbubuntis ng kanyang ate Mayah

"Kung naririto lang sana sina Ate Vleane, hindi tayo makakaramdam ng ganitong takot at pag aalala,"ani ni Veronica kaya napabuga nalang ng hangin si Brent dahil tama naman iyon

"Alam namin iyon, anak,"ani ni Nanay Alicia,"Pero amy misyon ang ate mo, kaya wala na tayong magagawa kundi ang lumaban sa oras na itong Baryo naman natin ang salakayin ng mga aswang,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now