Chapter 70

1.6K 47 90
                                    

A/N:

So hanggang dito po muna ulit ang update ko😅😅✌✌

Again Merry Christmas and Happy New Year po

Kita kits sa next update po

°°°°Chapter 70°°°°

Lumipas ang mga Araw

Palaging ganoong senaryo ang kanilang nabubungaran sa kinabukasan, kaya halos manlumo na ang mga Kababaryo nila at maging sila ng makita ang mga patay nilang alagang hayop na nagkalat sa buong paligid

Wala na silang magawa kundi ang ilibing nalang ang mga iyon sa iisang hukay dahil hindi na din naman nila iyon mapapakinabangan

Hanggang sa dumating ang gabing kinatatakutan nilang mag iina isang gabi na kabilugan ng buwan, napakatahimik at malamig ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon, lamig ng hangin na nagdadala ng takot at nakakapanindig ng kanilang mga balahibo

"Tara Nay sa ibaba,"yaya ni Lucinda ka kanilang Nanay,"Masama po ang pakiramdam ko at naninindig po ang mga balahibo ko sa katawan,"

"Kahit nga ako anak eh,"ani ng kanilang Nanay,"Parang may mangyayari na hindi maganda,"

"Dalhij na po natin doon ang ating pagkain,"ani naman ni Leah sa kanila, na kanila namang sinang ayunang lahat

"Tara na po,"yaya ni Junior sa kanila na binuksan na ang pintuan patungo sa ilalim o basement kung saan sila magtatago ng kanilang mga kapatid at Nanay, kaagad naman sila sumunod sa bunsong kapatid na nauna ng nakapasok sa loob

"Nay, ninindig po talaga ang mga balahibo ko sa katawan,"angal ni Lucinda na lumapit sa kanilang Ina

"Huwag kang maingay,"saway ng kanilang nanay na gamit ang mahinang boses nito

Naupo nalang siya sa tabi ng kanyang mga kapatid at nakiramdam sa paligid nila habang panaka nakang kumakain ng hapunan

Tanging ingay lang ng mga tuyong dahon na tinatangay ng hangin at huni ng mga panggabing insekto ang kanilang nadidinig sa tahimikna gabi at malamig kapaligiran

Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla nalang silang nakadinig ng mga ingay sa paligid

"Huwag kayong maingay,"bulong na sabi ng kanilang ina sa kanila,"Mayroong aswang sa paligid,"senyas nito sa kanilang tatlo

Ilang sandali pa ay N
nakadinig na nga sila ng sunod sunod na paghuni ng tiktik habang tahimik silang nagtatago doon, may kalakasan ang nadidinig nilang paghuni ng tiktik, pero habang lumilipas ang sandali ay pahina iyon ng pahina na hanggang sa tila ibinubulong nalang iyon sa kanilang mga tainga, na alam nila na nasa paligid o malapit lang iyon sa kanilang bahay

"Malapit lang sila,"bulong ng kanilang Nanay, kinilabutan silang lahat dahil sa nadinig kaya hindi sila nakagalaw mula sa kanilang pagkakaupo

Lumipas pa ang ilang sandali na nasa ganoon silang kalagayan ng makadinig sila ng isang malakas na sigaw na tila humihingi ng tulong, sa una ay mahina lang iyon pero ng papalapit na iyon sa bahay nila ay palakas na ng palakas ang pagsigaw nito na humihingi ng tulong

Kaya hindi naman nagpaawat si Aling Jacinta na silipin mula sa kanilang pinagtataguan ang taong sumisigaw at humihingi ng tulong sa labas

"Hindi,"bulalas ni Aling Jacinta matapos makita ang nasa labas

Dahil sa naibulalas ng kanilang Nanay ay sumilip na din si Lucinda para makita ang kung anong mayroon sa labas,

Na ng mga sandaling iyon ay nakikita nila ang isa nilang kababaryo na tumatakbo at sumisigaw ng tulong, kaya hindi naman na nag alinlangan pa ang kanilang ina na buksan ang pintuan at tulungan ang kababaryo nila kahit na pinipigilan iyon ni Lucinda

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aswang Killer: Season 2 of 2Where stories live. Discover now