KABANATA 52

8.5K 425 80
                                    

Kabanata 52.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Nang matapos makipag-usap ni Kasid kina Grandpa at sa dalawa kong uncle ay lunch na. Gutom na rin ako dahil hindi kami nagbreakfast na dalawa ni Kasid.

Masaya ako dahil hindi galit o tampo sa akin si Grandpa. Tama talaga ang desisyon na kasama ko si Kasid pumunta sa bahay. Natuwa din si Grandpa sa mga health supplements na binigay sa kaniya ni Kasid.

Masayang kumain kami ng lunch ni Kasid kasama ang buo kong pamilya sa isang expensive restaurant. Kakilala ni Kuya Carjon ang may-ari ng restaurant na kinainan namin.

Matapos ang masayang lunch namin ay kinailangan ng bumalik nina Grandpa sa Capital City. Hindi pwedeng magtagal si Grandpa sa Capital City dahil siya pa rin ang kailangan sa company, maliban pa don nasa Capital City din ang mga gamot ni Grandpa. Hindi niya nadala.

Si Uncle Lowen at Uncle Luwel ay parehas din busy sa company nila. Alam kong importante ako sa kanila kaya pinuntahan nila ako ngayon dito kahit sobrang busy nila. Masaya din nagpaalam sa akin si Auntie Chartia at Auntie Mereli. Sinabi nila sa akin na sobrang gwapo ng napili kong asawa at masaya sila para sa akin.

Ang lima kong pinsan ay mukhang wala pang balak umuwi.

Bumalik sila sa bahay ko at nasa loob pa rin sila ngayon ng bahay ko at prenteng nakaupo sa sofa. Nakabukas ang TV pero alam kong hindi sila nakafocus sa panonood.

"Loran, aren't you busy?" Si Loran ang unang balak kong itaboy dahil mas matanda ako sa kaniya.


Ngumuso sa akin si Loran na parang bata. Sinipa ko ang binti ni Loran. Nakita kong ginagawa iyon madalas nina Kuya Carjon sa tuwing pinapaalis nila si Loran sa tabi ko. Ginaya ko lang ang ginawa nila.

Nanlaki ang mata ni Loran sa akin. "Why did you kick me?" hindi makapaniwalang tanong ni Loran.

"You are busy. You need to work so I'm kicking you out."

"What about them?" tanong ni Loran at tinuro sina Kuya Carjon na seryosong nakatingin sa TV.

Bumuntong-hininga ako.

Hindi ko sinagot si Loran kaya tiningnan niya ang katabi kong si Kasid. Nakatayo ako kaya nakatayo din si Kasid.

"I trusted you as a friend, but you have other thoughts about my sister." Disappointed na umiling si Loran na para bang may ginawa talagang hindi maganda si Kasid.

22 years old na si Loran pero ngayon ay parang bumalik siya sa pagkabata. Matagal ko ng alam na may tinatagong childishness si Loran kahit gaano pa siya umaktong matured sa harapan ko.

Tiningnan lang ni Kasid si Loran kaya natawa ako.

Pero napatigil ako sa pagtawa ng maramdaman ko ang mga mata ng apat kong pinsan na nakatingin ng mariin sa pwesto namin ni Kasid. Tiningnan ko sina Kuya Carjon. Nginitian ko sila.

"Can you protect my dear little sister?" tanong bigla ni Kuya Aiden kay Kasid.

Mas matanda si Kuya Aiden at Kuya Cyler kay Kasid ng ilang buwan.

"I can," mabilis na sagot ni Kasid.

"How did you met my little sister?" tanong ni Kuya Ausren.

Hindi na iyon tinanong ni Grandpa kanina. Siguro dahil wala na siyang balak na alamin. Ang importante kay Grandpa ay masaya ako.

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now