KABANATA 19

8K 466 66
                                    

Kabanata 19.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Tahimik na nakikinig ang mga kaklase ko sa discussion ng teacher. Kahit School Foundation Day bukas ay abala pa rin ang mga teacher sa pagtuturo. Kanina bago magsimula ang klase ay nagrereklamo din ang mga kaklase ko dahil gusto nila ng free time.

Masyado daw seryoso ang mga teacher sa pagtuturo at hindi binibigyan ng free time ang estudyante na damahin ang bisperas ng School Foundatiom Day.

Nang lumabas ang teacher ay muling umingay sa loob ng classroom namin.

"Kaya pala sinabihan ako ni Threicy last last week tungkol kay Viña at Kasid at sabihin ko daw sayo. Alam niyang boyfriend mo si Kasid?" tanong ng katabi kong si Viña.

Umiling ako. "Hindi niya alam. Naabutan lang niya si Kasid dito sa classroom na kausap ako. Gusto niyang hingin ang number sa akin ni Kasid pero hindi ko binigay. Iyon din ang dahilan kung bakit ako pinatawag ni Viña."

"Kaya pala. Hindi dahil sa ikaw ang bagong campus beauty. May gusto si Viña kay Kasid. Iyon din ang dahilan kung bakit lagi siyang pinagdidiskitahan ng grupo ni Axcel dahil may gusto si Axcel kay Viña."

Natigilan ako. Hindi ko alam ang bagay na iyon dahil hindi iyon nakasulat sa libro na nabasa ko. Sigurado din akong walang kaalam-alam si Kasid sa bagay na 'yon.

"Nakakapagtaka lang na hindi ka ulit ginulo ni Viña. Normally, hindi titigil si Viña sa pambubully hangga't hindi nagtatransfer sa ibang school ang biktima niya."

Hindi na ako ginulo ni Viña dahil siguro natakot siya kay Kasid. Naisip niya sigurong kapag binully niya ako ay gagawin ulit ni Kasid ang ginagawa niya noon sa kaniya sa rooftop. Matatakot talaga ang isang tao kapag buhay na ang nakataya.

Tumahimik muli ang buong klase dahil dumating na ang teacher sa next subject namin.

Nang matapos ang lahat ng klase sa hapon ay pinanood ko lang na lumabas ang mga kaklase ko.

"Alette, hindi ka pa uuwi?"

Umiling ako kay Leana, "Pupunta akong music room at magpapractice lang saglit."

"Gusto mo palang magpractice, Alette. Dapat sinabi mo samin kanina. Sasamahan ka namin," saad ni Desari.

"Hindi ko gustong magpractice kanina. Pati saglit lang ako. Sasanayin ko lang ang kamay ko ng mga ilang beses."

Nasabi din sa akin ni Kasid kahapon na kakaunin niya ako ngayon kaya habang wala pa siya ay magpapractice muna ako.

"Gusto man kitang samahan, nagmessage na sa akin si kuya. Minamadali ako na lumabas na ng school."

"Okay lang, Gien. Mauna na kayo." Nakangiti akong kumaway sa kanila. "Bukas niyo nalang ako panoorin."

"Sayang, yayayain ka pa naman sana namin na magmall para bumili ng isusuot mo kaso kapag nagpractice ka, aabutin na tayo ng gabi masyado." Sumimangot si Leana. "Galingan mo bukas. Vivideohan kita."

"See you tomorrow."

Nang umalis na sina Gien ay tsaka lang ako lumabas ng classroom. Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Viña. Pumasok pala siya ngayon.

Tumingin rin sa akin si Viña at inirapan ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng harangan niya ang daan ko. "Anong kailangan mo?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Inismidan niya ako ng binalik niya ang tingin sa mukha ko.

"Sa tingin mo magtatagal sa'yo si Kasid? Kapag nakakilala siya ng mayaman at mas maganda sa'yo ay iiwan ka niya. Lalo na dahil mahirap lang si Kasid. Walang pamilya at laki sa orphanage. Hindi na ako magtataka kung namumulot siya ng basura o kumakain ng basura noong ba—"

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now