KABANATA 17

8.8K 460 52
                                    

Kabanata 17.

Nang matapos ang klase sa araw na 'to ay hindi agad ako dumiretso sa apartment. Dumaan ako sa isang hindi masyadong mamahalin na restaurant at nagtake-out ako.

Matapos kong makabili ng pagkain ay nagtungo na ako sa company ni Kasid. Kahit two-storey building lang ang company niya ay maayos at malinis ang labas ng loob non. Presentable din lagi ang mga suot ng kaniyang employees na puro malalaking lalaki.

Base sa nabasa ko noon sa book na tungkol sa destiny niya ay karamihan sa mga na-hire ni Kasid ay mga taong nangangailangan ng urgent money. Kahit yung mga thugs at tambay na nakilala ni Kasid noong bata siya. May kontrata sila kaya hindi namomroblema si Kasid.

Kaso ngayon ay nabalitaan ko kay Uncle Reo noong last na nagpunta ako sa office ay may ilan sa mga employees nila na hindi nagtatrabaho at hindi nirerespeto si Kasid dahil minor palang si Kasid. Ang temporary owner din ng small company ni Kasid ay nakapangalan kay Uncle Reo. May agreement sila na kapag nag 18 na si Kasid ay malilipat automatically sa kaniya ang small company.

Sa country na 'to ay hindi na minor ang 18 years old, mapababae o lalaki. Pero isang teenager pa rin ang 18 years old.

Mabuti nalang na ang mga thugs na hindi gustong sundin si Kasid ay ang mga taong adamant sa hindi pagpirma ng kontrata kaya madali silang napaalis ni Kasid sa company at syempre binigyan rin sila ng lesson ni Uncle Reo.

Kinuhanan pa nga ni Uncle Reo ng pictures ang mga taong iyon na binugbog niya. Syempre, patago niya lang iyon ginawa para makatakas sa batas. Isa pa, walang lakas ng loob ang mga 'yon na magpabugbog ulit kay Uncle Reo kaya siguradong hindi sila magsusumbong.

Nang makarating ako sa company ni Kasid ay binati ako ng mga lalaking may mga burly na katawan. Pamilyar na rin ako sa mukha ng mga taong madalas kong makita.

Minsan tinatawag nila akong 'little lady boss' dahil ang palihim na tawag nila kay Kasid ay 'little boss'.

Umakyat ako sa second floor at kumatok sa office ni Kasid. Wala na sa loob ang office ni Uncle Reo dahil noong isang araw ay pinalipat iyon ni Kasid sa dating storage room sa tabi ng office niya.

Nalinis na daw kasi ang storage room at mukha ng pang-office talaga kaya ginamit na iyon ni Uncle Reo dahil sayang kung hindi gagamitin ang room na 'yon. Wala 'rin mahalagang nakalagay don kahit storage room ang tawag.

Wala rin masamang nangyayari kay Uncle Reo siguro dahil nakinig siya sa bagay na pinasabi ko kay Kasid. Alam kong sasabihin iyon ni Kasid kay Uncle Reo.

"Come in," rinig kong saad ni Kasid mula sa loob.

Binuksan ko ang pinto at nang makapasok ako ay naabutan ko si Kasid na abala sa kaniyang ginagawa. Dahil lahat ng business transaction ng small company niya ay siya lahat ang kailangan mag-asikaso at mag-approve. Lalo na dahil buhay rin ng mga employees niya ang nakasalalay sa bawat business deals na pumapasok.

Kapag pumayag si Kasid sa isang transaction at nagpadala ng mga bodyguards sa taong susugod sa madugong gyera ay siguradong malulugi siya at manganganib din ang buhay ng mga employees niya dahil kakailanganin nilang protektahan ang taong may deal sa company nila.

Kaya kailangan niyang pag-isipan mabuti at alamin lahat ng detalye bago niya aprubahan ang mga business transaction. Sobrang meticulous ni Kasid pagdating sa business at iyon ang isa sa mga traits kung bakit siya naging successful. Hindi niya kasi hinahayaan na magkaroon ng kahit anong anomalya o problema sa company niya. Kapag kahit may maliit na anomalya ay gumagawa agad siya ng paraan para alisin iyon.

Nag-angat sa akin ng tingin si Kasid ng makaupo ako  sa sofa. Nang makita niya ako ay agad niyang tinigil ang kaniyang ginagawa.

Hindi na siya napasok sa school, siguro ay balak niya nalang na pumasok sa tuwing may exam. Bukod don ay nagquit na rin siya sa mga part-time jobs niya. Wala na rin siyang balak magcasino noong tinanong ko siya. Sinabi niya sa akin na nakafocus nalang siya sa company at may investment kasi siya sa financial company.

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now