KABANATA 46

8.5K 473 64
                                    

Kabanata 46.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Ilang araw ng iritable ang mood ni Kasid dahil nawala na ang nagpapakalma sa kaniya.

Kahit ilang taon niyang hindi kasama si Alette ay nagagawa pa rin niyang maging kalmado dahil tuwing gabi, sa panaginip niya ay nakakasama pa rin niya si Alette.

Sobrang vivid ng panaginip niya gabi-gabi na tipong gusto na lang magstay ni Kasid sa loob ng panaginip niya habang buhay kasama si Alette.

Noong una niyang napanaginipan ng sobrang vivid si Alette ay ang araw na hindi niya matanggap na iniwan siya ni Alette. Iyon ang araw pagkatapos ng birthday ni Alette.

Halos nakatulala si Kasid magdamag. Hindi niya magawang makatulog. Sobrang empty ng pakiramdam niya na tipong hindi niya alam kung buhay pa ba siya.

Nakatulog bigla si Kasid dahil sa matinding kalungkutan. Sa panaginip niya, umiiyak siya. Hindi niya mapigilan na hindi umiyak.

Sobrang nasasaktan siya na wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak. Para bang may maraming matitilos na bagay ang nakatarak sa puso niya.

Hindi niya pinigilan ang sarili niya sa pag-iyak. Sobrang dilim ng paligid niya.

Hindi niya akalain na babalik talaga sa dati ang mundo niya. Mukhang kailangan niya ulit mabuhay sa madilim at malamig na mundo kung saan mag-isa lamang siya.

Naisip niyang mukhang tama ang sinabi ng grandpa ni Trein Merion sa kaniya. Mukhang mamamatay siyang mag-isa. Wala si Alette at wala rin ang mga anak nila.

Tahimik lang na umiiyak si Kasid ng may pansin siyang liwanag na biglang lumapit sa kinauupuan niya.

Nag-angat ng tingin si Kasid. Natulala siya bago niya binanggit ang pangalan ng babaeng hinihintay niya.

"Alette."

Sa harap niya ay nakatayo ang magandang babae. Sobrang nag-glow ng paligid ni Alette. Sigurado si Kasid na si Alette ang taong nasa harapan niya.

Hindi mapigilan ni Kasid na hindi mapatitig kay Alette dahil mukha talagang fairy si Alette. Napansin din ni Kasid ang maganda at kulay light pink na pakpak sa likod ni Alette.

She's really his fairy girlfriend.

"I miss you so much, Siyann."

Nang marinig ni Kasid ang boses ni Alette ay halos kumabog ng malakas ang puso niya.

Agad niyang niyakap ng mahigpit si Alette.

"Alette," wala sa sariling usal ni Kasid.

Mukhang nasa panaginip talaga siya dahil alam ni Kasid na iniwan na siya ng girlfriend niya.

Iyon ang unang beses na naginip si Kasid ng sobrang linaw na para bang kasama niya talaga si Alette.

Simula non ay nagpatuloy na ang kaniyang panaginip. Sa bawat panaginip niya ay kasama niya si Alette. Sobrang linaw ng panaginip niya na kahit magising siya ay naalala niya pa rin.

Isang araw, nagdesisyon si Kasid na mag-stay nalang sa loob ng panaginip para araw-araw niyang nakikita at nakakasama si Alette. Para sa tuwing gusto niyang makita si Alette ay pwede niya itong makita. Walang pake si Kasid kung nasa loob sila ng isang panaginip niya.

Mas masayang mabuhay sa panaginip niya kaysa sa reality kung saan hindi niya kasama si Alette.

Pero mukhang hindi gusto ni Alette ang idea na mag-stay siya sa loob ng panaginip. Muling nakaramdam ng sakit si Kasid dahil pakiramdam niya ay tinataboy siya ng girlfriend niya.

The Destiny Of Her BelovedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz