KABANATA 10

9.7K 444 117
                                    

Kabanata 10.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Kinabukasan late akong nagising kahit maaga akong natulog. Balak kong puntahan si Kasid sa apartment niya pero nakita kong may puting envelope na nasa sahig sa tapat ng pinto.

Pinulot ko iyon at binuksan. Nang makita ko ang familiar na penmanship ay agad akong napangiti. Pero napasimangot din agad ako ng mabasa ko ang nakasulat.

I'm going to work. You don't have to accompany me today. I will bring you dinner later. Don't go out and stay at home. Don't open the door to anyone.

-Siyann

Siguro alam niyang hahanapin ko siya agad pagkagising ko kaya nag-iwan siya ng letter. Tinabi ko ang letter sa cabinet sa bedside table ko. Nandon din yung una niyang letter na binigay sa akin at ang maliit na paper bag.

Magrereview nalang ako ngayon araw at magwawasahing ng aking mga damit para maging busy ako.

Nang matapos ako sa paglalaba ng damit ay ala-una na ng hapon. Nagluto lang ako ng hotdog at instant noodles. Matapos kong maglunch ay nagsimula na akong magreview.

Hindi ko alam kung anong oras uuwi si Kasid. Siguro ay mamaya pang gabi dahil sabi niya ay dadalhan niya ako ng dinner. Ibig sabihin ay hindi ko na kailangan magluto.

Paubos na din ang pera ko at balak ko ulit ibigay ang natitira kong pera kay Kasid para kapag naggamble siya ay lalaki din ang pera ko.

Kaso hindi ko alam kung kailan pupunta ng casino si Kasid. Tatanungin ko nalang siya mamaya.

Sa kalagitnaan ng pagrereview ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nalaman ko lang nang magising ako at masakit ang leeg ko.

Tiningnan ko ang oras sa may orasan na nakapatong sa study table ko. Mabilis akong napatayo ng makita kong 6 PM na.

Lumabas ako ng aking kwarto at ng apartment. Naglakad lang ako ng konti at nakarating na ako sa tapat ng pinto ng unit ni Kasid.

Kumatok ako ng ilang beses. Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin nagbubukas ng pinto.

Mukhang wala pa rin si Kasid.

"Did you miss me so much?"

Napalingon agad ako ng marinig ko ang boses ni Kasid. Malawak akong napangiti. Masayang lumapit ako kay Kasid at mahigpit ko siyang niyakap.

"Yes, how can I not miss you?"

Pinisil ni Kasid ang pisnge ko. "You really have a sweet mouth."

"Let's go inside. I brought you food. There's a cake for dessert."

Pumasok na kami ni Kasid sa apartment ko. Hinanda ni Kasid ang pagkain sa lamesa sa tapat ng sofa bago kami parehas naupo sa carpeted floor.

Maraming biniling pagkain si Kasid, may mga kanin at maraming ulam. May bilog na cake din.

Tiningnan ko si Kasid. "Do you have a lot of money? Can we finish all this food? It's bad to waste food."

Pinagtaasan ako ng kilay ni Kasid. "I'm poor but I have enough money to feed you. Of course, you need to pay me. Kiss and hug per night is enough for now."

"Okay, you are so good. I like you so much."

Lumapit saglit sa akin si Kasid at hinalikan ang labi ko bago siya umayos ng upo at nagsimulang kumain.

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now