KABANATA 34

6.4K 353 47
                                    

Kabanata 34.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nagbabayad palang si Cyler sa counter ng may marinig siyang malakas na pagsabog na nanggaling sa labas. Agad siyang napalingon.

Nanlamig ang buong katawan niya ng makita niyang nakataob na ang kaniyang sports car at nakayupi ang unahan nito. Ang pagsabog ay halatang galing sa malaking van na sumagasa sa kaniyang sasakyan.

Walang pake si Cyler sa bago niyang sports car. Ang laman lang ng isip niya ang taong nasa loob ng sasakyan niya.

Nagmamadaling lumabas si Cyler. Halos pagpawisan siya ng malamig at sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya sa pinaghalo-halong takot, kaba at nerbyos.

Sobrang putla ng mukha ni Cyler at sobrang lamig ng kamay niya. Dahil sa adrenaline rush nalang kaya siya nakakagalaw.

Tumatakbong lumapit siya sa nakataob na sasakyan niya. Nakayupi ang unahan ng sports car niya at siguradong hindi makakahinga ng maayos ang nasa loob ng sasakyan.

Wala ng pake si Cyler sa ibang bagay. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat ngunit hindi niya iyon magawang buksan.

Sobrang pula ng mata ni Cyler at namumuo na rin ang luha sa mata niya. He's so scared and frustrated. Ngayon niya lang naramdaman na sobrang hina niya.

Sa kabilang banda ay hindi rin maayos ang sitwasyon ni Aiden. Nasaksihan niya kung paano sinagasaan ng malaking van ang sports car ni Cyler ngunit huli na ang lahat.

Tumakbo si Aiden patungo sa sports car ngunit natigilan siya dahil biglang sumabog ang engine ng van na katabi lang din ng nakataob na sports car.

Katulad ni Cyler ay binalot din ng matinding lamig ang buo niyang katawan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Naisip niya na baka walang tao sa loob ng sports car. Baka lumabas si Cyler at Alette.

Pero halos manlumo siya ng makita niya ang tumatakbong si Cyler patungo sa sasakyan niya. Wala si Alette sa likod niya.

Sa mga oras na 'yon ay narealize niyang isang tao lang ang nasa loob ng sasakyan ni Cyler.

Mas lalong nanlambot ang tuhod ni Aiden pero pinilit niya pa rin lapitan kung nasaan si Cyler.

Pinilit ng dalawang buksan ang pinto ng sports car na nakataob. Sa tabi ng sports car ay nagliliyab ang sumabog na van. Nakataob rin iyon.

Parehas ang nasa isip ni Cyler at Aiden. Kailangan nilang ilabas si Alette sa loob ng sasakyan bago pa mahuli ang lahat.

Habang abala ang dalawa ay tumawag na ng rescue team at ambulance ang nagtatrababo sa gasolinahan dahil nakita niya rin ang nangyari. Napansin niya rin na mukhang wala sa sarili ang dalawang lalaking pinipilit buksan ang pinto ng sportscar.

Nabasag na ni Aiden ang bintana ng kotse pero hindi pa rin duon kasya si Alette, may mga sirang stuffed toys din na nakaharang. Maliban pa don, mukhang nakastuck ang lock ng pinto ng kotse kaya kahit buksan nila iyon mula sa loob ay hindi pa rin nagbubukas ang pinto.

Nablanko na ang isip ni Cyler at Aiden. Ang gusto lang nila ay mailabas sa sasakyan si Alette.

Tsaka lang natauhan ang dalawa ng marinig nila ang sirena ng ambulansya at may kasunod din itong rescue team.

The Destiny Of Her BelovedМесто, где живут истории. Откройте их для себя