KABANATA 47

9.2K 429 61
                                    

Kabanata 47.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Matapos akong halikan ni Kasid ay kinalong niya ako.

Nakaupo siya ngayon sa swivel chair habang nakakalong ako sa kaniya.

"Siyann, how have you been?" Nakangiti kong tanong.

Hinalikan ni Siyann ang pisnge ko bago siya nagsalita.

"Not good. I miss you so much. Why do you look so young?" Nagtataka akong tiningnan ni Kasid.

Nalungkot na ako sa unang sinabi ni Kasid pero natawa ako sa huli niyang sinabi.

Na-stuck ang itsura ko. Ngayon ay mukha lang akong nasa 18 or 19 years old. Siguro dahil nasa coma ako kaya wala masyadong pinagbago sa itsura ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"I miss you too, Siyann."

Hinalikan ko rin ang kaniyang pisnge. Miss na miss ko talaga siya. Kung pwede lang akong dumikit sa kaniya buong araw ay ginawa ko na.

Nakayakap si Siyann sa aking bewang. Nakatitig siya sa akin kaya tinitigan ko siya pabalik.

Biglang ngumisi si Siyann na para bang may naalala siya.

Yumuko siya at nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"You broke your promise. You left me for 7 years. You deserve a punishment, what do you think?"

Nakiliti ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Hindi lumayo sa akin si Kasid.

Kinagat niya ang earlobe ko. Pagkatapos niyang kagatin iyon ay tsaka lang siya umayos ng upo.

"Before that, tell me everything. Where have you been? Why did you ghost me?"

"Aren't you going to ask how did I manage to get in here first?"

"How did you get in here?" tanong sa akin ni Kasid. Pinisil niya ang pisnge ko. "Did you teleport here?"

Muli akong natawa dahil sa biro ni Kasid.

"Leana helped me. She's my friend from high school."

Hindi pa nakakapagsalita si Kasid ng may biglang malakas na nagring.

Napatingin ako sa shoulder bag kong dala.

Kinuha ko ang cellphone ko mula don.

"You have a phone, why didn't you contact me?" tanong bigla ni Kasid.

Ramdam kong nagtatampo siya.

"Because I wanted to give you a surprise. Are you not surprised to see me here?"

Tumaas ang kilay ni Kasid at ngumiti siya.

"I am very surprised. It's been a long time, Alette."

Nakangiting tumango ako. "I'm also here to apply for the position of president's secretary."

Tumigil na ang pagriring ng phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumawag. Si Kuya Ausren ang tumawag. Siguro ay gusto niya akong kamustahin. Tatawagin ko na lang siya pabalik mamaya.

Tiningnan rin ni Kasid ang cellphone ko.

"Is that your cousin?" tanong sa akin ni Kasid pero ramdam ko ang kaba sa boses niya.

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now