KABANATA 21

8.4K 473 120
                                    

Kabanata 21.

ALETTE'S POINT OF VIEW

Habang nagsasalita ang head teacher sa stage ay naramdaman kong may humawak at naglalaro ng laylayan ng buhok ko. Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino iyon.

Si Kasid ang nakaupo sa likuran ko kaya sigurado akong siya ang naglalaro at may hawak sa buhok ko. Hinayaan ko lang siya.

Hawak ko ang cellphone ko ngayon at ganon din sina Gien, Desari at Leana.


Nakabukas sa groupchat ang screen ng cellphone namin.

Desari: Aaahhhh!! Kita ko sa gilid ng mata ko si Kasid na inisod ang upuan pauna.

Leana: Kita ko rin na yumuko si Kasid at inamoy ang buhok ni Alette!!!!

Gien: Hindi ako makalingon.

Desari: @Alette, mukhang head over heels si Kasid sa'yo. Anong sikreto ang ginawa mo para maakit ang isang Kasid Ayann Luevzon?

Desari: O pinilit ka talaga niyang maging girlfriend? Sa tingin niya sa'yo ay halatang in love na in love siya.

Leana: Hindi ko akalain. Dati ay nakikita ko si Kasid na laging walang ekspresyon at sobrang gloomy. Ngayon kahit walang ekspresyon ang mukha niya ay hindi na siya gloomy.

Gien: Proud kami sa'yo, Alette. Nafall sa'yo si Kasid ng sobra. Kapag naghiwalay kayo, siguro si Kasid ang iiyak.

Me: Hindi kami maghihiwalay.

Me: Ako ang naghabol kay Kasid. Lagi ko siyang binibigyan ng breakfast dati kaya siguro siya nagkagusto sa akin.

Desari: ???

Leana: ???

Gien: ???

Leana: Marunong ka maghabol?

Me: Tinuruan ako ni Gien.

Gien: Ngayon ko lang naalala. Si Kasid pala ang tinutukoy mo non na gusto mo maging ka-close at kaibigan.

Desari: Ikaw pala ang salarin. @Gien. Nacorrupt ang utak ni Alette dahil pala sa tinuro mo sa kaniya.

Gien: It's really my fault.

Leana: Binigyan mo lang siya ng breakfast? Madaming mga schoolmates natin ang nagbibigay ng breakfast kay Kasid pero never niya tinanggap. Lahat din ng mga iniiwan na pagkain sa desk niya ay hindi niya kinakain at tinatapon niya lang.

Me: Homemade kasi ang breakfast na binibigay ko kay Kasid noon lagi. Nagustuhan niya siguro yung binigay ko.

Leana: Thumbs up sa'yo, Alette.

Desari: Mabait ba sa'yo si Kasid? Hindi naman siya aggressive?

Me: Mabait si Kasid. Minsan para siyang asong gustong magpa-pet lagi.

Gien: Hindi halata na may ganon side si Kasid.

Leana: Mas nakakagulat siguro kung halata.

Desari: The best ka, Alette. Pero mas the best si Kasid kasi nakuha ka niya.

Leana: Ano palang nagustuhan mo kay Kasid? Bakit naisipan mong habulin siya?

Me: Kasi sa tingin ko, ako lang ang bagay sa kaniya.

Desari: Wow.

Leana: Wow.

Gien: Wow.

Leana: Pero sabagay, sa tingin ko rin. Ikaw lang ang bagay kay Kasid. Kung itatabi siya sa iba baka maging kawawa lang ang babae.

The Destiny Of Her BelovedWhere stories live. Discover now