37: Goodbye Dati naming Buhay

Start from the beginning
                                    

Pero sabagay, mahal ko naman 'tong kumag na 'to kaya ok narin hahahahaha

Sport naman si Dave, marami na kasi at halos buong barangay na yung bumati samin at nanglibre pa siya ng miryenda sa mga tambay sa isang tindahan. Mga kakilala ko naman yung mga naka libre at parang ok na ok lang kay Dave. Kaya nakilibre din ako ng softdrinks at chips. Hahaha

"Beh halika na, baka maubos pera mo niyan" natatawang sabi ko. Umabot kasi ng 1500 yung pinamiryenda ni Dave.

"Don't worry may pang-hotel pa tayo" natatawang sabi niya. Ha? Hindi kami uuwi?

"Hindi tayo uuwi? Walang kasama si Avie sa bahay" I asked him. Hindi pwedeng maiwan si Avie sa bahay. Siguradong ite-terrorize niya ang mga staff na maiiwan. Kawawa naman sila. Hahaha 

"Beh what about our honeymoon?" gulat na sabi ni Dave.

"Honeymoon ka jan? Hoy may dalawa ka nang anak, kaya tumigil ka jan" nakangiting sabi ko at saka naunang maglakad sa kanya papunta sa car.

"Beh wait! Wala ba talaga? Baka naman pwede pa?" habol niya sakin.

I ran papunta sa car. At wala na siyang nagawang pangungulit. We found a cute restaurant kaya dun kami kumain.

We went home after naming kumain. We stopped lang saglit to buy magoes for Avie.

Ilalabas ko palang yung wallet ko nung binayaran na agad ni Dave.

Wow ha? Ngayon ko lang naisip na wala pala akong ma-cocontribute sa conjugal property namin kung sakali.

Hindi na nga pala ako pinag-trabaho ni Dave. Haay...

"Baby" I called his attention habang nag-ddrive siya. Feeling ko alam ko na yung sagot sa itatanong ko. At masasaktan lang ako, pero gusto rin namang at least tinanong ko.

"Yes beh?" He glanced at me saka niya binalik yung mata niya sa kalsada.

"Beh tungkol sa work ko" sabi ko.

"Anong meron sa work mo beh?" he asked habang hindi tumitingin sakin. Hindi ko tuloy mawari kung anong reaction niya.

Kinabahan naman ako.

"Beh do I have to stop working?" I looked at him.

Dapat tama ang sagot niya kung hindi magkaka-pirmahan kami ng annulment.

Hindi siya sumagot.

"Beh" I called him again.

"No, magwowork ka parin naman eh, basta wag lang habang buntis ka dahil dapat maalagaan ka ng mabuti" sabi niya.

Ayun! Yes! Hahahaha  

"Pwede ba akong bumisita parin sa office ko?" Miss ko na kasi ang feeling don.

"Beh you work in a hospital, maraming hazards dun baka mapahamak kayo ni Deedee" worried na sabi ni Dave.

"Beh sa office lang naman ako eh, bibisitahin ko lang. Baka mabigyan na ako ng memo niyan kung hindi ako magpapakita dun, I don't want to get fired." Worried naman ako sa status ko noh, I don't want to get fired from the best job ever.

"Beh how can they fire a board member's wife?" Ha? Siya?

"Stock holder ka ng hospital?" Nagulat naman ako dun.

"Yeah, nalaman ko kasing doon ka nagwowork kaya bumili ako ng shares. And now that we're married, you can pretty much do whatever you want" Nashock parin ako sa binalita niya. Ewan ko kung matutuwa ako o magagalit.

Matutuwa ako dahil one of the bosses ang asawa ko ng mga atrimitidang doctors na hindi ko feel sa hospital. Bwahahaha!

Maiinis ako dahil hindi siya nagsasabi.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now