Chapter 65 The Last Chapter

3.4K 53 1
                                    

Rianna's POV

Basang basa ako. Pero nakuha ko pa ding kumuha nang taxi. Wala akong pakialam sa lagnat ko basta gusto ko munang magpakalayo.

Uuwi muna ako sa bahay. Parang gusto kong magsorry kay Mama. Kahit nagtago sya sakin, hindi ko pa din magawang magalit sa kanya. Mas kailangan ko siya, ngayong wala na si Kenneth sa tabi ko.

''Manong, sa *** po tayo.'' sabi ko.

At nagmaneho na lang si manong.

Kenneth's POV

Nakakainis! Bakit ganun? bakit ganun si Rianna? Hindi naman ata tama na, sa tatay ko sisihin niya ang pagkamatay nang tatay niya. Tumingin ako sa puntod nang tatay niya.

At nakita ko...

Adrin John S. Flores

Born: May 15 ****

Died: September 5 ****

Pareho sila nang pagkamatay ni papa. Kaya niya ngayon sinisisi ang papa ko sa pagkamatay nang papa niya. Rianna, nagkakamali ka. Hindi pinatay nang papa ko ang papa mo. Namatay si papa nang may iniligtas siya, kaya paanong mapapatay ang papa ko ang papa mo kung pareho sila nang pagkamatay.

At nakita ko pa nun kung paano iniligtas ni Papa ang isang tao. Kaya nagkakamali ka Rianna.

Rianna's POV

''manong, dito nalang po.'' sabi ko at inabot ang bayad ko.

Nasa harapan na ako nang bahay namin. At medyo, naiiyak ako.

*DINGDONG*

I am sorry mama kung nagalit ako sayo. Hindi ko po sinasadya!

*BUKAS PINTO*

At sumalubong sakin si mama. Nagulat siya nun pero niyakap niya ako kaagad. Nagrespond ako sa yakap niya at umiyak.

''I am sorry Ma. I shouldn't --''

''Anak, Its okay. In fact, ako dapat ang magsorry eh. Kasi, tinago ko sayo ang totoo. But you know what... I am happy na nakabalik ka.'' sabi ni Mama.

''Mama, yung tatay ni Kenneth ang pumatay sa papa ko.'' sabi ko na paiyak iyak pa.

''Anak, shh.'' sabi ni Mama.

''Mama, may heart attack si Papa. At ang sabi, pwedeng mamana ko yun. Totoo po ba?'' sabi ko.

''Anak...

Oo'' 

Third Person's POV

Ang mga pulis ay abalang abala sa pag aasikaso sa pagiimbestiga. Pumunta kasi ang nanay ni Kenneth para icheck kung ano ang nangyari sa imbestigasyon. Hindi sumama ang kaibigang si Yanna dahil nagrequest si Rianna na magstay muna ang anak sa kanya. kaya pagkagaling na pagkagaling ni Kelly sa states ay pumunta siya sa police station para manghingi nang ilang naimbestigahan na.

''Good Afternoon, Sir.'' sabi ni Kelly.

''Good Afternoon Ma'am.'' sabi nung police.

''So, may balita na?'' sabi ni Kelly.

''Yup. We're sorry to tell you na, ang asawa niyo ang gustong magpapapatay sa yumaong Mr. Adrin John Flores. Ayun sa state--'' 

''What the hell are you talking about? Hindi kriminal ang asawa ko. And I can prove that! Ayusin niyo ang trabaho niyo, dahil baka kayo ang ipademanda ko.'' sabi ni Kelly na halatang halata na galit na galit sa mga pulis.

''Pero--'' 

''Ang kapal nang mukha niyo. Namatay ang asawa ko dahil may tinulungan siyang tao. And he's not a crminal. So if I were you, ayusin niyo ang trabaho niyo!'' sabi ni Kelly at umalis na.

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now