Chapter 63 Investigation

2.3K 36 3
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang malaman nila ang totoo. Charot! Hahahaha mala MMK lang ang peg? XDD. Saturday nga pala ngayon at walang pasok. Pero guess what? Bukas na uuwi si mama. Nagrequest kasi ako na wag na siyang umalis, because I really really missed her. Pumayag naman siya, and... pag aaralan ko na daw ang business ko. Hihi :''>

Bumangon na ako. Tss. Medyo inaantok pa ako eh. Pero, nagugutom na ako. Dumiretso ako agad sa banyo ko para maligo at magsipilyo and...gotcha! maayus na ako.

Kung iniisip niyo na hinihintay ko si Kenneth. Pwes! Nagkakamali kayo! Nagpaalam kasi siya na pupunta siyang palawan. 1 or 2 days lang daw siya dun. Baka bukas bumalik na din siya.

Naghanda ako nang breakfast para sa sarili ko. natotomjones na ako eh.

Nang matapos akong kumain, naghugas ako nang pinggan.

Nung nasa kalagitnaan ako nang paghuhugas nang pinggan bigla nalang may...

*DINGDONG...*

Ha? Sino naman kaya ang pwedeng dumalaw sakin? Hmp. Parang wala naman akong pwedeng maging bisita.

*DINGDONG*

patuloy pa din ang pagbell. Tss.

''Sandali lang.'' sabi ko at lumabas na. Nung binuksan ko yung gate namin nagulat ako dahil hindi ko sila kilala. And guess what kung ano sila?

Hmp.

Police.

Oo mga pulis sila. Ano naman kaya ang ginagawa nila dito? Atsaka, wag nilang sabihin na...

OMG! May pinatay ako? Or... Si Mama? Or... Hindi kaya pinagh--

Potek! Ano ba 'tong pinagiisip ko? Tss.

''Ah... A-ano pong ginagawa niyo dito?'' sabi ko. 

Dalawa kasi silang pulis. Kaya medyo kinakabahan ako.

''Ah, dito ba nakatira si Dhayanna Tamayo Flores?'' sabi nung policeman 1. Hala? Hinahanap nila ang mama ko.

''Ah...Eh...wala po dito eh.'' sabi ko.

''Ikaw ba ang anak nila?'' sabi naman nung babaeng pulis. Nanlaki ang mga mata ko. Hala? Alam nila na anak ako ni mama.

''O-o-o-Opo.'' hay! Ano ba yan!? Nauutal ako! kasi kinakabahan ako eh.

Tapos, bigla nalang sila nagpakita nang parang simbolo nang pagiging pulis. Okay! Alam ko naman na pulis kayo. kaso, hindi niyo ba alam na ngayun lang ako nakausap nang hindi lang isa, Ay nang dalawang pulis. Baka kasi... Alam niyo na!

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now