Chapter 33 He's not my Partner :(

3K 50 2
                                    

Edrianna's POV

Pumasok na kami sa school. Nasabi ko na din sa mga loka loka kong kaibigan na pansamantalang tumira doon si Kenneth. Alam na din ni Joey na kasal kami. Pero sabi ko, maaannull din yun sa January. Bigla namang nagliwanag ang pagmumukha niya. Alam kong gusto niya ako, di naman ako ganun ka manhid no? Pero hanggang gusto lang, kasi pag minahal niya ako, masasaktan lang siya.

Nakakainis nga nitong mga nakaraang araw eh. Hay lecheng Kenneth na yun, Minsan pag tulog na ako, bigla bigla siyang pumapasok nang walang katok katok! Hmm.. tapos uutusan ako, kahit na ang lapit lapit niya. Sinunod ko na kasi ang dahilan niya hindi niya daw alam, or BAKA MAPILITAN NIYA AKONG YAKAPIN. pag naaalala ko yun, ewan ko? pero minsan pag naaalala ko yun, napapangiti ako. pero totoo nga, napapangiti talaga ako, pero nanaig talaga ang inis ko sa kanya. Yakapin daw ba naman ako nang kay higpit higpit. Ewan ko kung buhay pa ako kung mangyayari pa yun pag naulit.

Back to school tayo. Eto nga papasok na kami sa room namin. Himala at ang aga aga namin. Haha kasi pagpapasok yung teacher namin, 5 minutes pa kami papasok bago siya dumating. O diba? Ganun kami kasipag dumating sa school. 

Bahagyang naglalakad kami papuntang 4th floor. Nagtatawanan pa nga kami eh. Hahaha paano kasi, si Ella, masyadong nagpapatawa kaya kahit parang may pagkacorny haha.

''Tapos yung pag--'' napahinto si Ella sa pagsasalita nang biglang may nagsalita.

''Look, there's a 3 bitch'' sabi ni Althea.

''haha yeah not just a bitch. But a screaming bitch hahaha'' sabi din ni Myka.

''hahah'' malakas na tawa ni angelika.

''halika na nga, pumasok na tayo'' sabi ni Queenie. pero bigla namang sinunggaban ni Althea ang braso ko.

''Ang bastos niyo din eh noh? Kinakausap namin kayo, then aalis kayo agad!'' sabi niya.

''As if naman kinakausap niyo kami. Now, if we're bitch! bitch din kayo'' sabi ni Ella.

Nagpumiglas ako sa hawak niya. Masakit kasi eh haha XDD

''Althea, ayaw namin nang gulo. Nanahimik na kami. At wala naman kaming ginagawang masama huh'' sabi ko.

''Meron, dahil ipinakasalan mo si Kenneth! <sigh> ang landi mo din eh no?'' Ouch! masyadong nasaktan ako dun ha!

''Ako? Ako pa ang malande? Sino ba dito yung ikakasal na, naghahanap pa! And now, you're telling me I am flirt. Like I care'' sabi ko na parang nangaasar pa. Umalis na kami

Tapos bigla niyang hinablot ang buhok ko. Grabe ang sakit talaga. Abot anit talaga! Kung alam ko lang na hahablutin niya ako di sana nakapag baby oil ako.

Hinablot ko na din ang buhok niya. Sila Queenie din at Ella sinubukan akong awatin pero hinablot din sila ni Myka at ni Angelika the sisters. Grabe! Sabunutan kaming anim dito!

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now