Chapter 61 Spent Time

2.5K 47 6
                                    

Ang ganda talaga dito! Tanaw na tanaw ko yung karagatan at yung araw. At ang presko pa! Saan ba kami? Parang kaming dalawa lang ang nandito. Eh? Kinikilig ako na... naiilang. Ano ba yan Rianna! Asawa mo, nahihiya ka?

Pero syempre, HS pa kayo! At hindi pa nga ako gana--

Ano ba 'tong pinagiisip ko? Puro kabalbalan. Ah basta! Maganda dito at yun lang ang naiisip ko.

''Halika, may papakita ako sayo.'' sabi niya.

Sumunod nalang ako sa kanya at hawak hawak niya ang kamay ko.

Tapos, umupo kami sa isang... tabing dagat. Ah, I just want to tell you that, nakabihis na kami. Nakadress lang ako na pula pula at may bukaklak at sya naman nakapolo na puti.

Umupo kami dun. Tapos inakbayan niya ako. Take note, kaharap namin ang araw. Hahahaha!

''Happy Birthday bebe ko.'' sabi niya.

''Hmp? New Endearment nanaman?'' sabi ko.

Parang ngayun ko lang kasi narinig eh?

''Hehe! Syempre baby kita noh?'' at mas lalo niya pa akong yinakap nang mahigpit. Kung kanina akbay lang, ngayun yakap na. Nagrespond naman ako nang yakap sa kanya.

''Rianna, mahal kita. Mahal na mahal. Wag mo kong iiwan huh? Gusto kita makasama... HABANGBUHAY?'' sabi niya. Medyo seryoso sinabi niya pero kinikilig ako. Kaso, parang...iba?

''Mahal din naman kita Kenneth Alvin Villanueva eh. Atsaka, wag ka nga magsalita nang ganyan, para ka namang mawawala eh.'' sabi ko at tumingin sa kanya. Tumingin din naman siya sakin.

''Hmp. Hindi huh! Tss. Bakit naman ako mamatay, eh nandito nga ako para mabuhay para sayo.'' sabi niya. Napangiti nalang ako. Hahaha bumabanat!

''Hay! So, tititigan lang natin ang araw?'' sabi ko.

''Rianna, swimming tayo?'' sabi niya.

''Huh? Yoko nga! Wala akong damit noh?'' sabi ko.

''Hmp. Edi magdate nalang tayo?'' sabi niya at bigla siyang tumayo. Tumayo na din ako. Ang OA kasi eh.

''Teka--'' bigla nalang ako napahinto dahil isinuot niya nanaman sa mata ko yung blindfold. Hay! Kenneth! ''Saan ba tayo pupunta?'' sabi ko.

''Maghintay ka lang muna huh? Just follow me.'' sabi ko.

''Okay.'' sabi ko.

Inaalalayan niya lang ako dahan dahan. Hmp. Tapos hawak hawak niya ang isa kong kamay.

Tapos huminto kami at bigla niya nalang ako binitawan. Basta hindi ko siya nahawakan nung huminto kami.

Naghintay lang ako nang ilang minuto. Tapos biglang lumamig yung kamay niya. Pero alam kong kamay niya yun, lumamig nga lang.

''Kenneth bat ang lamig nang kamay mo?'' sabi ko.

''Hehe teka lang...'' sabi niya. At pumunta siya sa likod ko para tanggaling yung blindfold. At unti unti akong napadilat.

o_o

O_O

K-Kenneth!

A-Ano to?

B-bakit May...

Unt unting pumatak yung mga luha ko. Ang ganda nang...

Yate!

Oo yate siya! At dahil sa padilim na nga, ang gaganda nang mga lanterns na nakalagay sa mga gilid gilid.

Kenneth! Bakit mo ba ako pinapaiyak? Lagi na lang! Kasi... Ngayon lang ako makakasakay sa yate. At mismong birthday ko pa.

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now