Chapret 51 Goodbye

2.7K 34 1
                                    

''Shh. Tahan na! Rianna!'' sabi sakin ni Queenie.

''Rianna! Wag ka nang umiyak! Please! Nahihirapan na din kami eh.'' sabi ni Ella. Habang nakatakip ang mukha ko sa unan iyak lang ako nang iyak. Wala na talaga akong pake kung mugto na ang mga mata ko.

''Rianna, Wag ka nang umiyak. Buti nalang at wala dito ang mama mo. Kundi, baka pagalitan ka din nun dahil iyak ka nang iyak.'' sabi ni Queenie habang hinahaplos haplos ang balikat ko.

''Ayaw ko na talaga! Mahirap masaktan! Ang hirap <sniff> lagi niya nalang ako sinasaktan! Lagi niya nalang ako pinapaiyak! Ayaw ko na!'' sabi ko. Tinanggal ko ang unan na na sa mukha ko at humarap sa kanila.

''Tingnan mo Rianna, ang panget mo na! Mugto na ang mukha mo!'' sabi ni Ella.

''Ella, ayaw ko na! Lagi nalang ako umiiyak!'' sabi ko.

''Rianna, nandito lang kami para sayo!'' sabi ni Ella.

''Atsaka, wag mo munang isipin si Kenneth.'' sabi ni Queenie.

''Hindi eh. Hindi ko magawang kalimutan siya! Bakit kasi siya pa!? Nakakainis! Nagaway lang kami nung isang araw, may Girlfriend na siya? Grabe <sniff> hindi niya talaga ako mahal! Umaasa pa naman ako, na sana kahit papano, mahal niya din ako.'' sabi ko.

''Naiintindihan ka namin Rianna, pero sana, kumain kana. Kahapon kapa hindi kumakain. Pati kagabi hindi ka kumain. Kaninag umaga kunti lang ang kinain mo. Sige na Rianna.'' sabi ni Ella.

Tinitigan ko lang sila at pinipilit lang nila akong kumain. Medyo nagugutom na din ako, kaya sumama na ako sa kanila.

Nang nasa baba kami. Nagulat nalang ako sa biglang pagkatok nung nasa labas nang pintuan. Anong oras na ba? 8:30Pm na! And gosh! Si Kenneth nandyan. Lagi kasi siyang ganyan. Minsan pa nga, halos sirain niya na itong bahaynamin makapasok lang.

''RIANNA! OPEN THE DOOR!'' sabi niya.

At katok lang siya nang katok na malakas.

''Rianna, andyan na naman siya! Ano? Pagbubuksan ba natin siya?'' sabi ni Ella.

''Hindi'' at umiiling ako. ''Mapapagod lang din siya. Kaya hayaan nalang natin siya, okay?'' sabi ko.

''Pero Rianna, hindi mo ba pwedeng kausapin siya?'' sabi ni Queenie.

''Ayaw ko! May Girlfriend na daw siya and I guess, mas kailangan niya yun.'' sabi ko.

At kumain nalang ako kahit ang ingay ingay nang katok. Pero habang kumakain ako napapaiyak nalang ako sa bawat subo ko. Napapansin nila yun. Kaya lagi nalang nila akong ginagabayan sa bawat pagsubo ko.

''RIANNA! PLEASE! MAGUSAP TAYO!'' sabi pa niya. ''SHE'S NOT MY GIRLFRIEND!'' sabi niya pa. Hindi na ako masyadong naniniwala sa kanya. Nasasaktan na talaga ako. Ayaw ko na! Ayaw ko nang magmahal.

Kenneth's POV

Grabe! Hindi na ako kinakausap ni Rianna. Lagi niya nalang ako tinataboy. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagpaliwanag sa kanya kung lagi nalang ganito. Masyado na akong nahihirapan sa ganitong sitwasyon.

Sana naman makinig ka saakin Rianna. Pero, nagtataka ako? Nagseselos ba siya? Dahil, sinabi ni Andrea na girlfriend ko siya? Oh! Wala muna akong panahon para magisip nang ganun. Asawa ko siya and alam kong may karapatan pa rin siya sakin.

Rianna, Pls talk to me naman.

''RIANNA! PLEASE TALK TO ME! I NEED TO TALK TO YOU!'' sabi ko nalang.

***

KINABUKASAN...

Rianna's POV

Naghanda muna ako nang gamit ko. Pupunta kasi ako kina Ella at Queenie para magyayan magmall. Ayaw ko nang magkulong sa kwarto. Gusto ko munang makalimot kahit saglit lang.

Nang makalabas ako sa bahay. May nakita akong kotse? Mukhang famili--

Kotse ni Kenneth.

Gusto ko kaagad magtago kaso, huli na. Nakita niya na ako. Teka? Parang kakagising niya lang?

''Do You have any Idea kung ilang oras akong naghintay sa harap nang bahay niyo?'' sabi niya.

''Ang yabang mo din noh? Bakit? Hinihiling ko bang matulog ka magdamag sa harap nang bahay ko?'' sabi ko.

''Rianna, alam kong galit ka! Pero magusap naman tayo oh?'' sabi pa niya.

''I am Sorry Kenneth. Pero siguro, dapat layuan mo muna ako?'' sabi ko. Ang gulo ko din no? Pero, sana naman maintindihan niyo ako readers. Nahihirapan na din kasi ako kung patuloy pa akong makikipagbati sa kanya. Maraming beses niya na ata akong binigyan nang sakit simula nung minahal ko siya.

''Ba-bakit?'' sabi niya.

''Kenneth, Kailangan ko kasi nang space. Kailangan ko pang malinawagan yung sarili ko. Gusto ko din nang time para makapag isa. Siguro, ikaw din.'' sabi ko.

''Pero, Rianna, Andrea and I are just friends. Hindi ko siya girlfriend. Ikaw ang asawa ko kaya sayo ako may Loyal.'' sabi niya at mukhang namumuo na ang luha ko. Please, wag muna ngayun please!

''Kahit mag asawa tayo. Hindi pa din natin kayang maging perpekto. Kenneth, please, gusto ko nang space. Kailangan natin nang oras para sa sarili natin.'' sabi ko nalang at nung humigit na ako sa kanya. Doon na ako napaluha.

Shit! Shit! Shit! Bakit kasi hindi ko pa sinabi na mahal ko siya? Bwiset! Ayaw ko na! Suko na ako! Ms. Author, palitan mo na nga lang ako bilang Rianna.

[M/N: Ha? Ayaw ko nga! Magagalit sakin yung mga Readers mo!]

Kasi naman eh, pumapangit na ako sa kakaiyak! Eh wala naman akong chance sa kanya.

[M/N: Eh bakit kasi hindi mo siya kausain nang matino nang hindi ka nagkakaganyan]

Ano naman ang sasabihin ko? Na mahal ko siya? Ano? Ako yung mag pofirst move?

[M/N: Sinabi ko bang ikaw ang unang mag move?]

Eh ano ba ibig mong sabihin?

[M/N: What I mean, kausapin mo lang siya. Nang sa ganun, doon niyo malabas ang nararamdaman niyo. Pero, alam mo ba, ang pagsasabi nang I Love You ay hindi pinagpaplanuhan?]

Ano naman po iyon Ms. Otor?

[M/N: Nasa Timing yan teh. Destiny ang makakapagpasya kung kailan niyo malalaman ang damdamin niyo para sa isat isa.]

Ay Ang OA lang ni Ms. Otor! May Pinanghuhugutan kaba niyan?

[M/N: Hahahah wala lang.. Masama bang magadvice?]

Pero, tama bang kalimutan ko na si Kenneth?

[M/N: Rianna, Follow your heart]

Follow my heart?

[M/N: Yeah! Dahil ang Heart mo at ang pagtitiwala mo rito ay ang best way for you]

Ah

[M/N: Oh sige na, bahala ka na dyan bye]

Bye...Thanks

Follow My heart? Posible ba yun? Sundan at paniwalaan ang sinasabi nang puso ko? Pero, paano kung masaktan nanaman ako? Pero, ano ba talaga ang sinasabi nang puso ko?

Oo napatawad ko na si Kenneth sa lahat nang mga nagawa niyang kasalanan para saktan ako. Pero, handa ba akong magmahal ulit?

Mahal ko si Kenneth at yun ang alam ko ngayun.

Tama! Hindi na ako matatakot masaktan! Ipaglalaban na kita! At promise! Hindi na ako iiyak!

Mas paniniwalaan na kita Kenneth Alvin Villanueva! And Promise ko sayo~

Aaminin ko na... Mahal Kita!

--

Ansabe ni Rianna?

Hmp... Magbabasa muna ako nang story ha!!!

Mamaya UD ako. Promise!

XDD

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now