Chapter 34 Hindi naman kayo magpapatayan niyan?

2.8K 57 1
                                    

Naglalakad na ako pauwi. Nawala na din ang sakit nang ulo ko galing sa gurang na Althea na yun. Pero, bakit parang nadidismaya ako? Bakit parang kumirot yung puso ko. Nung una, mabilis lang ang pagtibok nang puso ko tapos ngayun parang libo libong karayum ang tumutusok! Hay. diba dapat okay lang? Diba dapat hindi ako dismayado? Hay bwiset!

Paguwi ko sa bahay, wala si Kenneth. Andyan lang si Joey.

''Oh Joey! Asan si Kenneth? Hindi pa ba siya...Umuuwi?'' Tanong ko sa kanya.

''Ah hindi pa umuuwi... Nga pala, ang mama mo nasa itaas'' Sabi ni Joey. Bigla naman ako nakaramdam nang saya! Si Mama andito na!

''Talaga?'' Agad agad akong umakyat pataas. WAH!! namiss ko si Mama!!!

''MAMA!!'' sigaw ko.

''ANAK!!'' sabi ni Mama. Kaya nadinig ko ang boses niya galing sa kwarto ko.

''Ma, namiss kita!!!'' sabi ko sabay yakap sa kanya. Grabe namiss ko talaga si Mama.

''Namiss din kita anak. Sumaglit lang ako kasi mamaya babalik ulit ako sa Europe naman! Kamusta kana?'' sabi ni Mama. 

''Okay lang po. Grabe naman po mama kakarating niyo lang aalis kayo agad?'' sabi ko na sad face pa ako.

''Dont worry anak, babalik naman si Mommy eh. Inaasikaso ko lang ang company nang papa mo. At sabi sa statement, pagnag 18 kana mamanahin mo na ang company naten'' Sabi ni Mama. Bigla naman nagliwanag ang pagmumukha ko.

''Talaga mama? pero bata pa ako eh. 16 palang ako, may se17 palang ako this coming january'' sabi ko.

''Anak, 1 year nalang naman eh. Teka, kamusta na nga pala ang camping week niyo? I heard that inannounce na ang partner niyo ha? Who's your partner?'' Bigla ko naman naalala yung pagkadisappoint ko. Eh? Yun talaga nararamdaman ko eh! yung disappoint?

''Ah okay naman po! Ah... Kapartner ko po yung kaklase kong si Ryan. Kaklase po niya sila Kenneth'' Sabi ko kay Mama.

''Teka, hindi mo kapartner si Kenneth?'' Sabi ni Mama.

umiling ako at sabay sabing ''Hindi po''

''Ah ganun ba?! Ah teka anak, bababa lang ako ha'' Tumango nalang ako.

Yanna's POV

Nang malaman kong hindi kapartner nang anak ko si kenneth parang nadisappoint ako. Gusto kong magkapalit silang dalawa. At mangyayari lang yun kung magkakalapit sila. Alam kong agree naman ang papa nila sa langit kung mangyayari yun. Mabigat ang kasalanan namin ni Kelly dahil hindi namin iyun sinabi tungkol sa aksidente. Kaya kahit dito man lang, mabawi namen ang kasalanan namin sa kanila.

Ring Ring Ri--

''Hello, this is Mrs. Villamor'' Hay nako si Dianne kahit asawa na parang dalaga ang boses.

''Diane Luna Villamor, dont you remember me? I am your classmate Yanna Castillo.'' sabi ko.

''YANNA!! Kamusta na? Namiss kita hahaha paano mo nalaman ang no. ko?'' sabi niya.

''Okay lang. My daughter study there of course pagkaenroll ko sa kanya nalaman ko ang main number mo'' sabi ko sa kanya.

''Oh I see. bakit ka napatawag?'' tanong niya.

''Ah nalaman ko kasing announcement nang Partner sa Camping week. Nasabi nang anak ko na si Ryan ang partner niya.'' sabi ko. nadinig kong nililipat niya ang papel.

''yeah! Ryan Santiago. So anak mo si Edrianna Flores?'' Sabi niya.

''Ya anak ko si Edrianna. Gusto ko sanang, ipartner mo si Edrianna at si Kenneth Villanueva'' Sabi ko.

''Teka? Bakit naman? Any Valid Reason?'' sabi niya.

''Oo, kasal ang anak ko kay Kenneth. Anak ni Kelly Villanueva. Dont you remember Kelly'' sabi ko.

''Kelly Villanueva? Oh I remember! Talaga? Ikinasal si Edrianna at Kenneth? Pero hindi halata! I mean, ang alam ko ay nasa Teen Relationship lang sila. Atsaka bakit sila ikinasal?'' sabi niya.

''Its a long story! Basta sana do this as a favor.'' Sabi ko nalang.

''Sige, aayusin ko ngayun. Bye na din may gagawin pa ako eh'' sabi niya at ibinaba na ang cellphone.

''MAMA!!!'' sigaw ni Edrianna sa taas.

''ANAK!'' sigaw ko din.

''Halika po'' at umakyat na ako sa itaas.

Kenneth's POV

Shit! Bakit parang nagseselos ako? Si Ryan? At si Rianna? For the second chance, nagselos ako? Alam kong selos ito dahil naramdaman ko ito kay Althea before. And the WORST kapares ko pa si Althea for that stupid camping week event.

Hay! Naiinis talaga ako! Akalain mo yun yung feeling na parang naagawan ka nang importanteng bagay sa mundo. Pero ewan ko kung bakit ako nakakaramdam nang Inis, galit, dismaya sa isip ko. napapansin ko din ang weird ko pag kaharap ko si Rianna. Tapos, kay Althea, parang wala na.

Pauwi na ako. Well, andito na nga ako sa gate nila Rianna eh. LOL. Pero nung pumasok ako, nadatnan ko ang maangas na Joey na to.

''Buti naisipan mong umuwi?'' Tadyakan ko kaya ito? siya na nga tong nakikitira sa bahay nang ASAWA KO siya pa tong maangas!

''Malamang, ASAWA KO ang nakatira dito eh'' inemphesize ko pa ang word na asawa ko, para naman matauhan siya.

''Tss.'' yan ang narinig ko mula sa kanya.

Narinig kong may tao na pababa.

''Anak, aalis na ako ha! I love you take care of youself'' sabi niya.

''Opo mama'' sabi ni Rianna.

Nang bumaba yun. Nginitian niya ako.

''Tita yanna! Kamusta po?'' si Tita yanna pala.

''Oh Kenneth, okay lang. Ah aalis na ako ha! Bye. Ingat kayo dito!'' Sabi ni tita yanna.

''Bye po.'' sagot ko.

***

''KAKAIN NA TAYO!!!'' sigaw ni Rianna mula sa kusina. Nandito kasi kami nang mokong to sa sala nanunood nang Tv. Pero ang weird nang mga pinapanood niya ha! Mga pang probinsyano. Kaya inilipat ko ang channel sa action. At inililipat niya pa.  inilipat ko din. inilipat niya din at inilipat ko.

''huy, kakain n--ANO BA?!'' napahinto kamisa pagsigaw ni Rianna. ''kanina pa ako sigaw nang sigaw nang kakain na tayo andyan lang pala kayo, pinagaagawan nang channel'' sabi ni Rianna. kaya sumunod na kami sa kanya sa Dinning Room.

***

Kumain na kami sa Dinning Room. At sa bawat lagay nang pagkain ni Rianna, lagi kaming naguunahan sa serving spoon para kumuha nang sabaw. Nang dumating yung espesyal na niluto ni Rianna kinuha ko yun papalapit saakin. Pero kinuha niya din yung isang side nun kaya nagaagawan kami. Nagtinginan kami sa isa't isa nang masama. Leche to ha! Nakipagkumpitensya pa sakin.

Nag agawan lang kami. At oo, sa araw araw ganito ang lagi naming ginagawa.

''ANO BA!!!'' sigaw ni Rianna. Napatingin naman kami sa kanya. ''Araw araw nalang ganyan ang ginagawa niyo! Hindi ba kayo titigil? Paghindi kayo tumigil. sige! doon kayo sa laba s kumain!!!'' At umupo na siya. Hindi pa din kami makagalaw! Sigawan ka ba naman na parang nanay?

''Hindi pa ba kayo kakain? O hinihintay niyong ako ang maghain sa inyo at subuan!'' sabi pa niya ulit.

Kumuha na din ako nang pagkain pati na din si Joey. Grabe pag nagtitinginan kami daig pa namin ang magpatayan hahhaha joke. pero bawat subo at nguya lagi kaming nagtitinginan.

Napapansin naman yun ni Rianna..

''Hindi naman kayo magpapatayan niyan noh?''

--

HAHHAHAH NATATAWA DIN AKO EH

BTW

TNX A LOT SA MGA NAGVOVOTE !

Also Read my new story!

Teen Romance! 

Babu!

Marrying My Fake Boyfriend!!! (Completed)Where stories live. Discover now