Chapter 20

71 6 0
                                    

Dear Diary,

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Dear Diary,

         After that conversation last night ay hindi ako masyadong nakatulog. Iniisip ko kasi kung sino ang nasa loob ng kwartong iyon. Curious ako kung bakit siya nandoon. 

         Agad akong umalis ng third floor. Sobrang lakas na ng ulan pero mabuti na lang at tulog na ang mga tao dito sa mansion kaya may oras ako na linisin ang putik na dinala ko sa loob ng mansion.

         I am furious. Like everyday lalong lumalaki ang pagtataka ko kay Auntie Ravina at sa mga tao dito.

         I woke up early para mag jogging dahil sumisilip na si Amang araw kahit na bad idea iyon dahil sa putik ng daan pero kapag gusto may paraan. Gusto ko rin kasi ang simoy ng hangin. 

         But then I saw the ladder torn into pieces. Yes, it was purposely broken by someone. I asked Mang Martin about the ladder but he just shrugged his shoulders. Sinubukan kong hanapin si Lola Abi para magtanong pero hindi ko siya nakita ng buong araw including Auntie Ravina.

        Wala rin sa dinner si Auntie kanina kaya I asked the maids na sabayan ako but they refused to accompany me. Kung nandito lang best friends ko edi sana may nakakausap ako. Hindi ako nakapag breakfast at lunch dahil sa pagka dismaya.

        Speaking about my best friends. I left my phone at the Tailor Shop. Kukunin ko iyon bukas. For now, magi isip na naman ako ng ibang paraan kung paano ako makaka akyat sa third floor.

*
*

"VIVIANNE!"

Napatayo ako sa gulat nang buksan ni Auntie Ravina ang pinto ng kwarto ko.

"Anong sinabi ko sayo na huwag kang pumunta sa third floor?! Umpisa pa lang sinabihan na kita!" Galit na aniya.

Nakita kong napadaan si Tessa sa labas ng kwarto. Napansin iyon ni Auntie kaya padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto ko.

"Vivianne. Gaano ba kahirap sumunod?" Sa ngayon ay mahinahon na ang tono ng boses niya pero ramdam ko pa rin na galit siya. "Akala ko ba matanda ka na, na marunong kang umintindi?"

Namintig ang tainga ko sa mga sinabi niya. 

"Sino po ba ang nasa third floor? Bakit hindi niyo po sinabi sakin na may tao pala don? Bakit siya nandon? At bakit walang hagdan paakyat ng third floor? Ang sabi mo po ay wala pang umaakyat doon pero bakit last night nakita kita doon. And…A-And the furniture, everything na nasa itaas malinis!" 

"Vivianne, darling-" sinalo ako ni Auntie Ravina gamit ang pares ng kamay niya at inalalayang umupo sa kama. "TESSA! TESSA! TUBIG!" 

"Okay lang ako Auntie-"

"Hindi ka okay. Kailan ka pa huling kumain? Kinakain mo ba ang mga dinadala dito ni Marie?" Sunod-sunod na tanong ni Auntie.

Halata sa boses niya na nagaalala siya kaya umayos ako ng upo. Pagdating ni Tessa ay agad niyang binigay ang isang baso ng tubig na agad ko namang ininom.

"Gusto mo pa?" Nag-aalala na tanong sakin ni Tessa.

Ibinalik ko sa kanya ang baso. "Hindi na, salamat." 

Huminga ng malalim si Auntie Ravina na umagaw ng atensyon ko. Hinimas-himas niya ang likod ko at ngumiti ng napakatamis. 

"Matulog ka na, Vivianne."

Bumigat ang talukap ng mga mata ko. Her voice, it's so…calm.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang