Chapter 11

75 8 2
                                    

It's getting into my nerves now

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's getting into my nerves now. I-I can't stay here. 

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang mawala na sa pandinig ko ang tapping sound na iyon.

Magpapahangin muna ako sa labas dahil pakiramdam ko ay ang init ng mansion ngayon o baka dahil lang sa tensiyon na nararamdaman ko. 

Diretso kong tinungo ang pinto ng mansion, pagbukas ko pa lang ay sinalubong na ako ng malamig na simoy ng hangin. I smiled, this is what I wanted.

Iniwan kong nakabukas ang pinto para if ever na may magpakita dito ay makatakbo agad ako papasok. Mahirap na, woods.

"Viv?"

"Oh my- why?!" Inis na tanong ko dito na ikinatawa niya. Hinawakan ko ang dibdib ko, ang bilis ng tibok nito dahil sa gulat. Tinarayan ko lang siya bago maglakad papunta sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy. 

Gumawa ito ng creaking sound habang pa-upo ako. I'm not that heavy.

"May I?" Tinignan ko siya bago tumango.

Napakapit ako sa gilid ko nang umupo siya dahil sa ingay na ginagawa ng upuan, baka kasi biglang bumigay ito.

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Tanong niya sabay harap sakin. Hindi ko siya tinitignan pero may peripheral vision ako kaya alam ko at alam ko rin na nakangiti siya. 

"How about you? Dito ako nakatira kaya okay lang na tumambay ako sa tapat ng bahay namin," saad ko.

Mahina siyang tumawa na umagaw ng atensyon ko. Bakit ganon? Hindi siya nakakainis pakinggan.

"Napadaan lang ako dito at saktong nakita kita," sagot niya bago umupo ng diretso.

"Huwag ka ngang malikot! Baka bumigay itong upuan." Hindi ko sinasadyang ilabas ang inis ko dahil kinakabahan talaga ako. "Sorry I-"

"No, no! It's fine." Tumayo siya. Literal na nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He just sat on the ground, the dirt!

"Hoy marumi diyan!" Hinawakan ko ang braso niya para pabalikin siya sa upuan pero nagpupumiglas siya. Kaya ngayon ay magkaharap na kami pero nakaupo siya sa lupa.

"Lupa lang ito. Hindi naman ako lalamunin nito," saad niya at mahina ulit na tumawa.

Napa-iling ako hindi dahil naiinis ako kundi dahil sa nakikita ko. "Artista ka ba? Iyong totoo. Huwag mo akong jino-joke time," seryosong saad.  Kumunot ang noo niya kaya natawa ako. 

But then he smiled. "Ako nga dapat ang nagtatanong niyan dahil anong ginagawa ng ganito kagandang babae sa lugar na ito?"

Did he just…nevermind.

"How can you assume na babae ako?" Mataray na tanong ko dito. Halata sa mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko. "Ahh! I'm just kidding!" No, I'm not. 

"You're gorgeous."

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bakit kapag siya ang nag-compliment sakin may effect? Or maybe dahil diretso siyang nakatingin sakin habang sinasabi iyon. 

"Ahmm, thank…I guess," tanging sagot ko. Should I compliment him too? Huwag na. Change topic! "So, palagi kang napapadaan dito?"

Tumango siya. "Yes. Diyan lang ako nakatira sa maliit na cabin. Short-cut kasi dito."

"Saan diyan? Para minsan mabisita kita," saad ko. Saglit siyang tumahimik habang nakatingin sakin.

"Hindi na. Palagi naman akong wala sa bahay tsaka kung kailangan mo ng kausap we can meet here," aniya. Ang amo ng boses niya kahit mukha siyang bad guy. Wait-what? "Alam kong wala kang ibang makausap."

Natigilan ako sa huling sinabi niya. Kahit madilim ay kita ko ang pagtingin ng mata niya sa likod ko, kahit hindi niya igalaw ang ulo niya ay alam kong may tinignan siya mula dito. Saglit lang iyon bago muling tumingin sakin.

He smiled again. Actually, he's always smiling. "I really love talking to you, Viv." Tumayo siya. Hindi niya man lang pinagpagan ang damit niya. "Late na. It's better kung pumasok ka na sa loob. See you at 8."

Hindi na siya naghintay ng sagot ko at naglakad na lang palayo. I watched as he fades into the darkness. 

"Vivianne!"

Tinignan ko ang babaeng tumawag sakin. 

"Get inside. Now!"

Halata sa boses ni Auntie Ravina ang galit. Sermon nanaman ako nito.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Where stories live. Discover now