Chapter 42

60 5 0
                                    

He's been telling me his name the whole time

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

He's been telling me his name the whole time. 

Bumalik na ang paningin ko maging ang pandinig ko. Narinig ko ang pagputok ng mga bumbilya sa paligid maging ang pagbigat ng aura.

Isa-isa ko silang tinignan, napapalibutan pa rin nila ako habang nakapikit. Si Auntie ay patuloy sa pagbulong ng hindi ko maintindihang lengguwahe. 

The tapping sound stopped. My chest began to feel heavy, it's cold. I can see the fog everytime na humihinga ako.

I can't feel my fingers no matter how I try to move them ay hindi ko maramdaman. "No!" Sigaw ko. I-It's not me. "Stop!"

What is happening? H-Hindi ako ito. "His name! Say his name!" 

"KERES! KERES! KERES! KERES!" I can't stop my own mouth from shouting the same name again and again. 

But then I stopped. Kita ko ang takot sa mga mata ni Auntie Ravina habang nakatitig sakin. Mukha siyang hindi makapaniwala.

"Ravina?" Tawag ni Mang Martin kay Auntie. Nagkatinginan silang dalawa. Pareho silang tulala at hindi makapaniwala.

Napapikit ako ng marinig ang sunod-sunod na pagkabasag ng mga salamin sa paligid. May dalawa dito sa kusina pero iniharang ni Auntie ang katawan niya saakin para hindi ako tamaan ng mga bubog.

"Paparating na ba siya?" Natatakot na tanong ni Ate Sarah. I know she's scared dahil natatakot din ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Napako ang paningin ko sa isang salamin. Nang mabasag ito ay nakita ko kung anong itinatago nito. It's not just a mirror.

Na-estatwa ako nang may makitang pares ng kamay na humawak sa magkabilang gilid ng frame ng salamin. Nagtama ang mga mata namin. Inilagay niya ang hintuturo niyang daliri sa labi niya bago bumalik sa loob ng salamin. 

Mariin akong napalunok bago tumingin sa kisame. Ramdam ko ang sunod-sunod na pag agos ng mga luha mula sa mata ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pares ng kamay na unti-unting lumalabas mula sa likod ni Mang Martin. Madilim dito kaya hindi ko siya ma-aninag. 

"Martin!" Sigaw ni Auntie.

Pares ng kamay ang pumalupot sa leeg ni Mang Martin. Kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya maka-alis mula dito.

"Patawad, Viv." Isa-isang inalis ni Tessa ang nakapulupot na lubid sa kamay ko habang si Ate Marie naman sa dalawang paa ko. 

"Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ni Auntie. Nilapitan niya si Ate Marie at inilayo saakin pero agad akong tumayo. Nang akmang lalapitan ako ni Auntie ay hinawakan siya ni Ate Marie sa braso para pigilan na makalapit sakin. "Bitawan mo ako!" Sigaw ni Auntie Ravina habang sinusubukan alisin ang pagkaka hawak sa kanya ni Ate Marie. 

Inalalayan akong bumangon ni Tessa. "Kailangan nating magtago," aniya.

Habang hawak niya ako sa braso ay tumatakbo kaming nagtungo sa office ni Auntie Ravina. Binalot ako ng takot hindi dahil sa nagkalat na mga bubog, bukod pa sa mga nangyari kanina.

"The mirrors–" hindi ko natapos ang sinasabi ko ng hilahin ako ni Tessa papasok sa opisina. Ngayon ko lang din napansin na ito lang ang nagi-isang kuwarto dito na walang salamin.

"Oo, Viv. Sa likod ng salamin ay hindi pader. Pinapanood niya tayo. Pero dito– ligtas tayo dito," ani Tessa. Hinihingal siya at mukhang takot na takot habang ipinapatong ang kandila sa lamesa. Nanginginig pa siya kaya inagaw ko ang kandila sa kamay niya at ako na ang nag-lagay nito sa lamesa.

Nanlamig ang buo kong katawan ng may maaninag sa sulok nitong kuwarto. 

"Viv? B-Bakit ganyan ka makatingin?" Nau-utal na saad ni Tessa pero hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa sulok.

Medyo malayo sa akin si Tessa kaya malapit siya sa madilim na parte nitong kuwarto. 

Mariin akong napakapit sa lamesa ng makita ang isang pares ng kamay na lumabas mula sa kadiliman at hinila si Tessa.

Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang kandila na nasa lamesa at hinabol siya pero–what the fuck? Nasaan sila?!

Nabitawan ko ang kandilang hawak ko ng may humampas sa ulo ko kasunod ang pagbagsak ko sa sahig.

Nabitawan ko ang kandilang hawak ko ng may humampas sa ulo ko kasunod ang pagbagsak ko sa sahig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iminulat ko ang mga mata ko at ini-angat ang ulo ko. Madilim na kwarto agad ang bumungad sa akin dahil nagi-isang kandila lang ang nandito. 

In-adjust ko pa ang paningin ko para makita ng maayos ang buong paligid. Nasa isang kuwarto ako, mukha itong luma. And the smell, nakakasuka.

Napatingin ako sa kamay ko na nakapatong sa lamesa, nakagapos ito sa isa't isa. Susubukan ko sanang tumayo pero maging ang pares ng paa ko ay nakatali ng lubid.

Napako ang paningin ko sa isang sulok nitong kwarto. Napasinghap ako ng ma-realize kung ano ito. 

"A-Are those–"

"Dead bodies? Yes." Tinignan ko si Auntie at mariing napalunok. Nagsindi siya ng isang kandila malapit sa kanya kaya ngayon ay kita ko na siya. 

Naka upo siya sa isang sulok, sa isang sofa habang sa gilid niya ay may maliit na cabinet kung nasaan ang kandila. Habang ako ay nandito sa maliit na lamesa at upuan, nakagapos. May kandila pa sa harapan ko na kaunti na lang ay mau-ubos na.

Saglit ko pang tiningnan ang naaagnas na bangkay sa isang sulok nitong kuwarto. 

"Y-You did t-this?" Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil sa matinding takot. 

"I have to."

"But f-for what? You killed people just for your own selfish reason?" Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin na akala mo ay walang pakialam sa mga nangyayari ngayon.

Despite of the fear ay may galit ng namumuo sa sistema ko. Galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. "You're a monster!"

Namuo ang gulat sa mga mata ni Auntie. Tumayo siya mula sa prenteng pagkakaupo. "I am a mother!" Sigaw niya na nagpataas ng balahibo sa buo kong katawan. "You will never understand because you are not one. I did everything to have a daughter that your god refused to give me. So I made a deal with him." Nilapitan niya ako at marahang hinawakan sa pisngi pero ini-iwas ko ang ulo ko. "You are not here without me, darling."

Tinignan ko siya ng masama. "You think I wanna be here? You think I wanna be here?! Mom will never like this!" Sigaw ko na nagpa-atras kay Auntie palayo sa akin.

I still don't know what she wants from me. 

"She may not like it but she will understand," aniya bago bumalik sa kaninang inu-upuan niya at may kinuhang libro sa loob ng maliit na cabinet. It is the same book as before.

Bumalik siya sa kinaroroonan ko pero sa harapan ko siya pumwesto. Ipinatong niya ang libro sa lamesa, binuklat niya ito at may binasa. Bago siya magpatuloy ay tinignan niya muna ako.

 "Your mother will be proud of you, Vivianne."

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Where stories live. Discover now