Chapter 17

78 7 0
                                    

Dear Diary,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dear Diary,

         I can't believe what just happened. There's someone, a living person on the third floor. As in. Alam kaya ng mga tao dito? Alam kaya ni Auntie?

         After kong mabasa ang pangalawang letter ay umalis agad ako. Nawalan na ako ng pake kung mahuhulog ako sa hagdan o sa bubong basta maka alis lang ako don.

         But I have this eargerness na bumalik. Paano kung ikinukulong pala siya don ni Auntie Ravina? Anong ginagawa niya don? I can't, I don't know anymore. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

         "Be quiet," ayan ang nakasulat sa huling papel. Hindi ko na nga dinampot pa dahil kumaripas agad ako ng takbo paalis doon. I'm not expecting na may tao sa kuwartong iyon.

         Habang pababa ako sa hagdan ay sobrang lakas ng hangin. Hindi na ako nag abalang ibalik ang hagdan sa storage area dahil sinundo na ako ni Lola Abi na may dalang payong. May bagyo raw kasi.

         Naalala ko pa kung paanong magmura sa inis si Mang Martin habang pinagmamasdan ang mga bago niyang tanim na halaman. Ang taas pa ng araw kanina tapos biglang babagyo. 

         Sinalubong kami ni Auntie Ravina sa pinto. Tinanong niya ako kung saan ako galing. Siyempre nagsinungaling ako. Ang sabi ko ay nagikot-ikot lang ako sa paligid ng mansion. Mukha namang naniwala si Auntie sa sinabi ko dahil hindi na siya nagtanong pa. 

         Well, totoo naman na nagiko-ikot ako pero hindi sa paligid. So, kalahating katotohanan at kalahating kasinungalingan din iyon. 

         Hindi ako patutulugin ng isip ko. I want to go back. Tonight.

Letters Behind Closed Door: Epistolary (COMPLETED)Where stories live. Discover now