Chapter 33

17 1 0
                                    

Chapter 33

"Pagod nako, love." Pagrereklamo ko sakaniya as he stroked my hair.

"Magpahinga ka. Kung pagod ka magpahinga ka, then after that ituloy mo na naman." God, what did I do to deserve this kind of guy?

"Paano naman kung ayoko na ituloy? Paano kung masyado na akong pagod para ituloy yon?" Tanong ko naman na kinatawa niya. Luh, kuya anong nakakatawa?

"That's not in your vocabulary. Alam kong kapag may nasimulan kang bagay, gusto mo man o ayaw mo ipagpapatuloy mo hanggang sa matapos mo ito. That became a habit of yours, mon cherí." He said as I pouted because that is just so right.

"Kung kailan finals na tsaka ka susuko? Ano yon?" Pang aasar niya. Yan na nga yung sinasabi ko eh. Nang aasar na naman to imbes na mas lalo akong i encourage eh aasarin naman ako. I mean in encourage naman niya ako pero ang kaso naman inasar din ako pagtapos.

"Grade 12 palang tayo, love. Paano pa kaya kapag nag college na tayo? Tsaka malapit na din anniversary natin. Keep working hard, my future lovely doctor." He said as I frowned. Tama nga naman.

Sa sobrang pagka stress ko malapit ko ng nakalimutan na papalapit na pala yung anniversary namin. It's our 2nd anniversary sa July 15, 7 days from now.

"Tapos ka na ba?" Tanong ko na kinakunot ng noo niya.

"Sa alin? Na reglahin?" Pot-, kahit kailan talaga tong lalaking to hindi napalya na inisin ako.

"Gaga hindi. Sa mga tasks mo." Sabi ko naman. Reglahin ba naman daw kase bakit babae ba to?

"Oo, last week pa. Rest week namin ang completion week niyo." Pagmamayabang niya naman. Oh tologo bo? Happy kana niyan. Edi ikaw na.

"Edi wow. Alis ka na nga dito istorbo ka." Pagtataboy ko sakaniya na kinanguso niya. Mukhang bulldog, chos pogi pogi kaya netong bebe kong to.

Pumunta kase dito kase dalawang linggo na ang nakalipas nung huli kaming nagkita. Busy kase kami parehas sa finals namin but he never failed to update me this past weeks. Minsan nga lang natutulugan ko siya kapag nagcha chat sa gabi kase nga pagod ako. He's even complaining na hindi na daw kami makalabas labas kase nga dahil sa busy kaming pareho.

"Sa SLU ka talaga, love?" Tanong niya tsaka naman ako bumuntong hininga. We've already talked about this million times already.

"Yes, I told you naman na diba? Tsaka nakapasa ako sa scholar. Mama already allowed me to go there." Sagot ko na kinasimangot niya.

"Wag ka maghanap ng iba hmm?" He said as I laughed.

"I won't baka nga sa sobrang busy ko na sa time na yun hindi pa ako maka gala eh." Sabi ko naman na mas kinanguso niya.

"Happy anniversary, mon cherí." He said and handed me a box. Medyo malaki laki yon, ano na naman kaya pakulo netong lalaking ito?

"Happy anniversary to you too, my love." I said and gave him a box na mas maliit kesa sa binigay niya. Actually sobrang mas maliit kesa sa binigay niya. It was a bracelet that had a star design on the middle.

We both opened our gifts at the same time and a Pomeranian puppy welcomed me. Omaygadddd. It's so cute.

"Since pupunta ka sa SLU, well pwede mo siyang kunin and he will eventually remind you of me. If you will keep him by your side then it will be like keeping me by your side." He said as I smiled and hugged him.

"Name him." He demanded as I pouted.

"Is it a girl or a boy?" I asked as he shrugged.

"A girl." He plainly answered as I thought of a name that will suit this cutie.

Never Noticed You Were There (TRF #1)Where stories live. Discover now