Chapter 14

18 1 0
                                    

Chapter 14

"Oh, bumisita din dito paminsan minsan ha?" Sabi ni Tita Leyna na kinatango ko naman. Sinundo na kase ako nila Mama nakabalik na sila galing LU.

"Ay may proposal ako sainyo." Sabi ni Tita Leyna kina Mama.

"Ano naman yan?" Tanong ni Mama.

"Baka naman pwedeng sa weekends eh kunin ko si Chrizzna?" Sabi ni Tita Leyna na pinag isipan muna ni Mama bago siya pumayag.

"Oh siya sige. Mukhang gusto niya din dito eh kaya sige sa Biyernes di diretso na siya dito galing sa school niya." Sabi ni Mama na kinasaya ko. Yeszszszs.

"Sige sige. Maraming salamat Carrie." Tita Leyna said as Mama nodded.

"Maraming salamat din sainyo ni Jarred sa pag aalaga ng ilang araw sa batang to." Sabi naman ni Mama bago kami umalis.

The week was fun. I think I have already fallen, kay Jace. I think I have shifted already completely. The week with him was fun, mas nakilala ko siya. We had late night talks, tsaka mga late night asaran na din kapag pumupunta siya sa kwarto ko para makipaglaro. Sa mga nilalaro namin talagang natatalo ako kabwisit niya.

I think all those made me fall for him. Hindi ko na ide deny the feelings I have for Jace now is more likely stronger than the feelings I had for Wallace. Yung one week oo natapatan yung three years. I know it's kinda unbelievable pero Jace treats me better than Wallace.

Hindi ko muna ipapaalam sa mga kaibigan kong chismosa yon. Siguro kay Jace ko muna sasabihin. I mean he's the one I have fallen for after all.

The week of the quarterly exam came and potragis stress na naman. I posted something sa IG pero ang bastos ng mga to nangme mention amp.

https://www.instagram.com/p/CuL1_k3JEzT/?igshid=MzRlODBiNWFlZA==

Yoko na sa life ginaganyan ako oh. Pati si Jio nakisabay sa trip eh. Mga bastos talaga mga to.

Pagtapos nung week ng exam syempre nandito ako kina Tita Leyna naglalaro kami ni Mia ng uno tapos si Jace tsaka si Jarius naman naglalaro na naman ata ng basketball. Yun yung sabi ni Mia nung maka dating ako eh.

Tamo kay Jace lang talaga ako natatalo sa uno. Nananalo naman ako pag iba kalaban ko eh.

"Mia tawagin mo na sila Kuya Jarius mo sa labas." Sabi ni Tita Leyna kay Mia.

"Wait lang sasama ako." Pigil ko kay Mia nung tatayo na siya.

When we went outside naglalaro pa sila Jace. Naka jersey pa nga silang dalawa eh.

"Pag na shoot mo yan, gugustuhin ka ni Chrizzna." Sabi ni Jarius kay Jace sabay bato nung bola.

"Tres?" Tanong naman nung isa. Hay buhay, naging trophy na naman ako. Kahit naman di niya na shoot yan eh gusto ko naman na talaga.

Nung nag shoot na siya boom! Oo beh pasok. Wews ang pogi naman ng bebe na yan.

"Pasok na daw kayo. Magmeryenda na sabi ni Mama." Sigaw sakanila ni Mia. Tumingin sila sa direksyon namin at ngumisi si Jarius.

"Nandyan naman pala si Chrizzna eh. Kita mo yon?" Tanong ni Jarius na kinatango ko.

"Malamang insan may mata ako eh." Irap ko naman sakaniya.

"Diko alam kung anong nagustuhan mo sa malditang babaeng yan." Sabi ni Jarius na mas lalo na namang nagpa irap sakin. Oo alam ko nang gusto niya ako sa kadulasan ng bibig ng pinsan naming yan.

"Wala kang pake." Sumbat naman ni Jace tsaka naglakad patungo sakin.

"Ewww, pinagpapawisan ka na naman." Sabi ko sakanya na nagpanguso din sakaniya. Totoo naman kase. Pero ang bango parin niya kahit pinagpapawisan na siya.

Nung makapasok kami sa loob nag aya na si Tita Leyna na magmeryenda.

"Pagtapos niyo magmeryenda kayong dalawa pumunta na kayo sa taas at maligo. Pawis na pawis na kayo. Kulang nalang maligo na kayo sa pawis niyo." Panenermon ni Tita sa dalawa tsaka naman sila tumango. Syempre no choice eh.

Pagtapos naming magmeryenda pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto at tatawagin nalang daw kami ni Tita Leyna pag tapos na yung dinner.

Habang nagbabasa sa Wattpad may kumatok sa pinto.

"Pasok."

Nung hindi magsalita yung tao kahit nakabukas na yung pinto tinignan ko and a Jace leaning on the doorframe topless and drying his hair with a towel welcomed my eyes. Shemay gago ang pogi.

"Bat ba wala ka na namang pang taas?" Iritadong tanong ko. Nakaka distract nga kase.

"Mainit nga." Sabi niya tsaka pumasok at sinara yung pinto.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya nung umupo siya sa baba ko.

He pointed at his hair and I smiled and ran to the bathroom to get the blower.

I started blow drying his hair and when I made sure it's surely dry kinuha ko yung hair brush and yung mga pantali ko ng buhok.

Brinaid ko siya. I mean ginagawa naman namin to noong last week.

"Wag muna tanggalin hmm?" I said and he nodded like an obedient child. Ang cute niya tignan with the braids.

Habang nilalaro ko yung buhok ni Jace nag chat si Des. Nag aaya lumabas daw kami. Mag stroll stroll daw kami dito sa barangay nila. Nag reply ako ng sige tsaka ko tinignan si Jace. Sabihin ko na ngayon wala namang mawawala sakin pag sinabi ko ngayon na eh. Pero para kaseng kinakabahan ako bebs.

Sinandal niya yung ulo niya sa paa ko habang naglalaro siya sa cellphone niya. Ang cute niya tignan para siyang bata na naglalaro.

"Jace." Tawag ko sakaniya tsaka naman niya ako tinignan tsaka in off yung phone niya. Nasense niya siguro na medyo seryoso yung boses ko kaya niya ako hinarap.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya. Shuta beh paano ba nagiging pogi at cute yung tao at the same time.

"Gusto kita." I plainly said and hindi na ata nag process yung utak kase hindi na siya gumagalaw.

"Ha?" Tanong niya na kinanguso ko. Ano ba naman to? Hatdog par. Ayoko na ulitin kaso hindi nag loading utak netong gago eh. Parang tanga lang.

"Gusto nga kita paulit ulit naman to parang tanga lang." He looked shocked pero potangina para namang hindi obvious eh.

"Weh gago?" Ay ang bastos neto minumura pa ako. Kala ko ba gusto ako neto tapos minumura naman ako. Binabastos ba to?

"Bastos neto umaamin na nga yung tao tapos minumura mo. How dare you?" Nakabusangot na sabi ko.

"Hindi, nagulat lang kase ako. Ano ba naman yan? Parang hindi kapani paniwala eh." Sagot naman niya na kinatawa ko.

"Maniwala ka na. Ayaw mo ba?" Tanong ko na ang bilis naman niyang tinanggi.

"Anong ayaw gustong gusto ko nga eh. Happy'ng happy nga ako baka gusto mo pa magpa party ako sa sobrang saya ko eh." Sabi naman niya. Tangina magpapa party daw kuya niyo sa sobrang saya.

"Grabe naman yan." Sabi ko na kinatawa niya. He came next to me and sat beside me. Hay nako naman yan.

"Mas gusto kita." He said as I frowned.

"I like you so much na." Panunumbat ko naman.

"And I love you so much too." Pucha beh kilig malala.

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon