Chapter 20

10 1 0
                                    

Chapter 20

Pucha sabi na nga ba eh. Sakit non par, para namang hindi magulang eh. Itulog na nga lang to. Hays, ilang taon pa ba ng ganito? Ilang taon pa ng comparison sa ibang mga tao? Sarap magbigti pero ayoko eh. I want to prove to them na kaya kong makapagtapos, palagi naman kaseng sinasabi na wala akong mararating kapag hindi ako makakuha ng mga title eh. 

I felt someone shake me. 

"Gising kana nandito na ang Tita at Tito mo." I heard my Father as I groaned and stood up from my bed. Hindi ako nag diretso sakanila nung Friday kase nga card day ngayon kaya naman ngayon palang ako pupunta sakanila. Buti nalang at hindi ako magkukulong lang sa kwarto ko magdamag ngayon. 

"Sige aalis na kami ihahatid nalang namin siya dito bukas." Sabi ni Tita Leyna kila Mama. 

"You look down, anak. May nangyari ba?" Tanong ni Tita Leyna as I shaked my head to immediately refuse. Tita Leyna and Tito Jarred both looked at each other then sighed afterwards. 

When we arrived at their house a smiling Mia welcomed me. 

"Hi ate." She brightly said as I smiled back. 

"Hello Mia." I said and ruffled her hair. 

"Nasa kwarto mo po si Kuya Jace, doon po siya natulog kagabi." Sabi niya na kinakunot ng noo ko. 

"Nandoon parin hanggang ngayon?" Tanong ko sakanya na kinatango naman niya. 

"Opo natutulog parin po siya hanggang ngayon hindi pa po siya kumakain ng breakfast niya eh halos magta tanghali na po." Sabi niya. 

"Pupuntahan ko siya. Gigisingin ko na." Sabi ko na kinatango naman niya. 

"Sige ate, tutulungan ko nalang si Mama maghanda ng lunch." Sabi niya tsaka nagtungo sa kitchen habang ako naman nagtungo sa kwarto ko dito. Kung bakit naman kase doon naisip ng lalaking to matulog eh may sarili naman siyang kwarto dito parang tanga lang eh. Mamaya magiging kaamoy na niya yung bed sheet ko. 

"Jace Arche." I said as I opened the door and the thing that welcomed me was again a shirtless Jace fucking Arche Rosini. Ano ba naman tong lalaking to?

"Magbihis ka nga. Shuta naman neto wala na namang pang itaas." Kinukusot pa niya yung mata niya. Nung naka bihis na siya nginisian niya ako. 

"Ganda ng gising ko ah ikaw agad bumungad. Isang umagang kay ganda nga naman." Luh, lakas talaga ng trip netong lalaking to kahit kailan. Ang sarap batukan beh like seriously. 

 "Corny mo gaga. Bilis na diyan maligo kana dika pa daw kumakain ng breakfast mo balak mo na atang mamatay eh." Sabi ko sakaniya na kinatawa niya. 

"Nalate lang ng tulog kagabi. Di ako makatulog eh." Sabi niya tsaka ko siya inirapan. 

"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Tanong ko as he smiled. This time I know that he slept really late. I mean palagi naman atang late natutulog to eh. 

"Mga 2:00 lang naman." He said as my jaw dropped. Put-, I mean may mas malala pang pagpupuyat ko pero naman beh ang late non kaya pala 11 na ng hapon nagising ang kuya niyo. 

"Aga non ah." Sabi ko na kinangiti naman niya. 

"Syempre naman." Put-, sineryoso amp. 

"Sarcasm yon teh. Maygad sakit ka sa ulo. Maligo kana nga, baba ka na pagtapos mo. Kakain na daw tayo ng lunch pagtapos para daw hindi ka mamatay." Sabi ko tsaka siya tumawa at pumasok na sa banyo habang ako naman bumaba na para tumulong na din sa paghahanda sa hapag. Maygad na Jace kase yan ang late late matulog. 

"Nagising mo na?" Tanong ni Tita Leyna sakin na kinatango ko naman. 

"Oh siya sige magsikain na tayo." Tita Leyna said as soon as Jace came down.  

"Nag aaya sina Mommy mo ng family dinner, Jace. Sinabi naba nila sayo?" Biglang sabi ni Tito Jarred habang kumakain kami. Jace shaked his head saying no.

"Tinawagan nila ako kagabi at sinabi ang tungkol doon. Nagpapa arrange daw sina Lolo mo ng family dinner kase matagal tagal na daw nung huli tayong nagkikita." Sabi ni Tito Jarred na tinanguan nalang ni Jace.

"Sama ka, ate." Mia said as I laughed and was about to refuse when Jace beside me held my arm.

"Sasama naman talaga ah." He said as I sighed and frowned at him.

"Bakit?" Shumay neto may lakas ng loob pa talagang tanungin kung bakit.

"Excuse me, but I'm not a part of your family." I said as Tita Leyna frowned.

"I already told them that you will come." Tita Leyna said as I sighed.

"Pero, Tita-" I was cut off.

"No more buts. Sasama ka because nakabilang kana sa restaurant. It would be a shame if you didn't come. Tsaka gusto ka ding makita ni Ariya since I told so many things about you." Sabi ni Tita Leyna na kinanguso ko. Maygad naman Tita bat niyo naman kase ako kinukwento.

"Yep, Mom is always asking me about you since pumumunta ako dito. Actually, siya pa nga nagpapunta sakin dito eh. Para daw may makwento ako sakanya tungkol sayo. She's very much interested in you." Jace said as I frowned. Shumay I literally forgot na nanay niya pala yung sinasabi nila.

As far as I know tatlo silang magkakapatid. He has an older sister and a younger brother meaning middle child siya so.... I don't know that's how it is I guess.

We were in the living room watching some Disney movies when Tita Leyna asked us to go upstairs and doon na ipagpatuloy yung panonood namin kase may bisita daw sila.

Kumuha na kami ng mga pagkain at iinumin tsaka kami pumunta sa taas. Nung nasa harap na kami ng TV bigla nilang naisip na ibahin yung movie. Put- kung kailan halos matapos na yung movie tsaka naisip na palitan lakas ng trip ng magpipinsan na to.

"Tara na ba? Wala na kayong kukunin pa?" Tanong ni Tita Leyna nung makabihis na kami.

"Tita naman kase, mas gugustuhin ko pa pong manatili sa bahay kesa po sa lumabas ng ganito." Sabi ko na kinatawa naman niya.

"Ayos ka naman nung lumabas kayo ni Jace ah." Sabi niya na kinanguso ko.

"Syempre po Tita si Jace lang yun eh. I feel more comfortable when he's around." I said as Tito Jarred laughed.

"Eh kasama mo naman ngayon si Jace kaya wag ka nang mangamba. The family is really nice lalo na sa nanay ni Jace." Pang aasar ni Tito Jarred. Now I know, yung pang aasar ni Jace nakuha niya sa blood line na ito kase mahilig din mang asar si Jarius eh minsan nga napupuno yung kapatid niya sinasapak din siya.

"Uy kasin angas mo naman mamee meet mo na mga future in law mo wala pa ngang kayo." Putragis na pinsan talaga to walang preno ang bibig sarap saksakan ng tinapay nung bunganga eh.

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon