Chapter 13

22 1 0
                                    

Chapter 13

"Ayan na sila. Omaygad! Buhat buhat talaga ni Jace yung bag ni Chrizzna shemay kayo kinikilig ako maygadd." Tili ni Aliya ang bumungad sa amin nung maka dating kami sa classroom.

Sabi na nga ba at ang bilis kumalat ng chismis. Bat kase nauso pa ang issue no?

"Akin na." I attempted to take my bag pero linayo niya sakin tsaka pumunta siya sa upuan ko. Doon binaba yung bag ko.

"So beh, anyare? Bat ganoon nga ang nangyari kagabi. I want the full detail now na." Aydien snapped her fingers in front of me.

"Umagang umaga naman Ayi, chismis na agad hanap mo. Wait lang naman maya maya na." Kako naman na kina simangot niya.

"Wag niyo simulan mga par, umagang umaga. Gusto niyo ata ulit maglinis ng buong classroom ng kayo lang ah." Narinig namin si Seth kaya naman syempre as a certified chismosas tumingin kami sa direksyon nila.

"Okay lang naman samin kase mababawasan mga gagawin naming cleaners since kayo na ang maglilinis." Sabay naman ni Felix na kinatango ni Andrey.

"Tama, tama. Sige mga par mag away lang kayo para wala na kaming gagawin." Sabi ni Andrey na nagpa busangot sakin. Kaibigan ba talaga nila ang mga 'to? Parang hindi eh. Imbed na awatin ang away eh mas kinumbinsi pa silang mag away.

"Sana maalala niyo sinabi ni ma'am kahapon." Sabat ko naman tsaka nila ako tinignan pareho.

"Kung maga away ulit kayo bagsak niyo suspend ng isang linggo. Iniinform ko lang naman kayo. Pero sa isang linggo na yon walang magse send sainyo ng notes, walang magsasabi sainyo kung anong gagawin niyo. Yun lang naman sinabi ni ma'am diba?" Sabi ko habang nakangisi. Wallace scoffed and Jace turned his back on Wallace.

Umagang umaga kase balak na naman ata magrambulan. Hay nako nga naman, curious ako sa pinag aawayan nila at the moment. Like palagi nalang silang nagkakainitan sa di malamang dahilan. Mga lalaki na kasama nila ata lang ang nakakaalam. Pati na rin si ma'am kase nga kinausap sila kahapon.

"Alam mo bang nag chat sakin si Wallace sa IG kagabi?" Sabi ko kay Aydien na tinignan naman niya ako with judging eyes.

"Weh? Nag first move siya?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi din naman ako makapaniwala pero nangyari nga talaga yon.

Pinakita ko sakaniya yung convo namin kagabi at nung natapos na niyang tignan ngumisi siya.

"Manhid mo beh." Haluh isa pa to. Bat ba ginagawa akong manhid ng mga tao sa paligid ko. Pati pinsan ko sinasabing manhid ako eh. Ano bang kinamanhid ko?

"Paano ba ako nagiging manhid?" Tanong ko sakaniya na kinatawa naman niya.

"Wala wala. Wag nalang. Hintay nalang tayo kung sino unang magiging matapang sa kanilang dalawa." Sabi niya na kinakunot ng noo ko.

Hanggang sa nagsimula ang klase nag iisip parin ako tungkol doon. Like ano ba? Pinagtri tripan ba nila ako? Hanggang sa mag recess na ay nasa ulap parin utak ko. Nalulutang na ako sa kakaisip sa mga yan. Yaan na muna mag focus muna sa klase baka mamaya ma compare na naman.

Narinig ko kina Tita Leyna na sila daw ang tinatawagan nina Mama. Alam daw kase nila na naka airplane mode ako kahit wala ako sa airplane kaya naman hindi na nila ako triny pa na tawagan which is good.

"Yung project natin sa Science saan natin gagawin?" Tanong ni Aydien habang nagliligpit na kami ng mga gamit namin. Naga ayos na para umuwi.

"Kayo bahala." Sagot naman ni Jio. Yes magka kagroup kami sa Science kase pick your groupmates yon eh.

So bale ako, si Aydien, Desiree, Callie, Jio, Seth, Wallace, Andrey, Eiji, Jace tsaka si Felix. 11 kami kase as many as you want sabi ni ma'am eh. Last output kase namin ito para sa 3rd quarter.

"Punta tayong inyo Jace." Sabi ni Andrey tsaka naman ako tinignan ni Jace.

"Paalam ko nalang kay Tita Leyna." Sabi ko naman na kintango niya.

"Yes? Bakit ka napatawag, anak?" Tanong ni Tita Leyna nung sumagot na siya.

"Tita pwede po ba daw kami gumawa nung project namin doon sa bahay?" Tanong ko.

"Ay sige lang. Mas mabuti na yon kesa sa pumunta kayo sa kung saan saan. Siguraduhin mong magpapaalam yang mga kasama mo ha?" She said as I smiled.

"Sige tita. Thank you."

"Oh siya sige. Susunduin nalang namin kayo. Nakauwi na daw si Mia tsaka si Jarius."

"Sige po." I faced them and smiled.

"Pumayag na si Tita Leyna. Dapat daw nakapaalam na kayo." I said and they all nodded. 

"Susunduin daw nila tayo." I said as Jace came to me.

"Akin na." He suddenly said as I frowned.

"Bag?" Tanong ko tsaka niya ako tinignan at ngumiti ng nakaka asar. He leaned to me and whispered something.

"Hindi ikaw, akin ka na." He whispered to me and chuckled as I rolled my eyes and smacked his chest tsaka ko binigay yung bag ko sakaniya.

"Dami mong ebas par." Sabi ko na kinatawa niya.

"Ay, naglandian pa talaga sa harap namin." Sabi ni Aydien na kinatango naman ni Callie.

"Mga walang manners, ang ba bastos." Pagsa sabay naman ni Seth sa trip ni Aydien.

"Agreed." They all said except Wallace na ang sama nung tingin kay Jace. Diko alam kung ano problema nito. Ang init ng dugo kay Jace. Hay nako nga naman, sabi nila mahirap intindihin mga babae eh sa tingin ko mas mahirap pa intindihin si Wallace.

We heard a beep and there we saw Tito Jarred's car.

"Kumusta ang school?" Tanong ni Tita Leyna samin tsaka naman ako ngumuso.

"May quiz po kami kanina. Tapos yang tao sa gilid gilid diyan nakilandi sa Grade 7 like eww." I said and they all laughed. Ansama nung tingin sakin ni Jace pero I have no pake. Totoo naman kase.

"Binigyan lang kase ng cookies kanina beh. Grabe ka naman sa nakilandi." Sabi naman ni Aydien na kinanguso ko.

"Sino ba talaga kaibigan mo?" Tanong ko sakaniya tsaka niya ako nginitian. Itong babaeng to talaga kung maka asta parang hindi kaibigan.

"Normal lang naman na may magka gusto kay Jace pero pag sinabi mong makilandi ay sa hindi naman ata mangyayari yon anak. Tutal loyal siya sa isa diyan sa gilid gilid din." Tawa ni Tito Jarred. Ngumuso naman si Jace tsaka yinakap yung bag ko. Pag yung bag ko magiging kaamoy niya papalabhan ko yan sakaniya.

"Asan ang kuya mo, Mia?" Tanong ni Tita Leyna nung makarating kami sa bahay. Nanonood ng TV si Mia.

"Lumabas kasama girlfriend niya. Nag arcade daw sila." Sagot naman ni Mia na kinakunot ng noo ni Tita Leyna.

"Akala ko ba sabay kayong umuwi?" Pagtatanong ni Tita Leyna. 

"Oo nga pero umalis ulit siya. Umuwi lang siya para magbihis tapos sinundo na niya yung girlfriend niya." Sagot naman ni Mia. Ay nakilandi ang bwesit na pinsan namin.

"Ay, sige. Sa taas na kayo gumawa ng mga kailangan niyong gawin at magluluto na muna ako ng meryenda." Tita Leyna said as we all nodded and started to go upstairs.

Medyo lumalim na ang gabi and later on may nag notif sa phone ko galing IG. Nag post si Jarius. Potragis naman oh. Di naman na kailangang ishare yun eh. Bastos naman ng pinsan kong to.

Never Noticed You Were There (TRF #1)Where stories live. Discover now