Chapter 19

9 1 0
                                    

Chapter 19

"Courting?!?!" Ayon lumabas na violent reaction nilang lahat. Sabi na nga ba eh ganyan magiging reaction nila pag sinabi kaya ayaw ko pa sabihin.

"Oo, bingi lang?" Sabi ko naman na hinampas ni Aydien yung braso ko.

"Etong babaeng to talaga. May suitor na pala ang anti hindi pa sinasabi sakin ha." She said as I held my arm. Shuta beh ansakit non. Kung makahampas tung Aydien na to wagas talaga.

"As in liniligawan mo na?" Tanong ni Andrey kay Jace.

"Paulit ulit ka ba Jino?" Sabi naman ni Jace na kinatawa ni Felix.

"May angking katapangan ka pala par. Goods yan para hindi ka naman puro 'admiring from afar'." Tawa ni Felix and yung mukha ni Jace mukhang gusto nang batukan si Felix.

"Si par ay tumatapang na hindi pa kami ininform." Komento naman ni Jio.

"Courting is not all about spoiling me, Jace. Ang daming pwedeng ibang gawin bukod sa puro gift giving." Sabi ko na kinanguso niya.

"This is my way of courting, this is the way you can see that I'm very serious with you." He said as I sighed. Pagbigyan na ang bebe yun ang gusto eh wala na tayong magagawa doon.

"Dami mong ebas. Yaan na nga kita. Pero know the limits of the things you give ah." Sabi ko na kinatango naman niya.

"No worries, I can handle naman." He said as I laughed.

"Sana all nalang sainyo. Kakain nalang ako ng cornetto." Sabi ni Aydien na kinatawa ng lahat.

"Kelan din ba kase magiging matapang yung isa sa gedli gedli?" Pagpaparinig ni Jio. Alam ng lahat kung sino yon, sadyang manhid lang din si Aydien at hindi niya nafee feel kung sino yon.

"Study first daw siya par." Sabi naman ni Felix na nagpa ubo sakin. Shuta study first?

"Maka study first eh hindi naman academic achiever. Baka naman kase ML first?" Sabi ko na kinatawa ni Andrey.

"True ka jan." Sabi niya tsaka kami nag high five.

Close talaga kaming apat dito sa friend group namin, Si Callie, ako, Jino tsaka si Seth. Pero madalas na nag aasaran ay kaming tatlo nina Seth at Jino. Classmates kase kami since elementary tapos si Seth naman classmate ko since nursery magka barangay na din kase kami.

"Dami niyong alam." Sabi ni Seth na kinatawa naming lahat. Alam naman ng lahat dito na ML talaga to. Magaling nga sa Math pero minsan pinaglauruan lang yung acads eh. Hindi ata sineseryoso. Pero nama manage niya namang makapunta sa honor list hindi nga lang ganoon ka competitive compared sa amin.

Dito sa friend group namin kung ira rate mo ang kagalingan ng mga lalaki ang mauuna siguro ay si Jio, sobrang seryoso yan sa pag aaral na pre pressure din ng magulang eh. Sunod si Felix, di man halata pero magaling yan medyo na impluwensiyahan lang ng mga kasama niyang luko luko. Ikatlo naman si Seth, magaling nga sa Math yan mas magaling pa sa akin pero sa mental equations lang, mas magaling parin ako sa mga word problems par. Susunod sakaniya si Andrey, magaling yan kung ita try niya. Then si Wallace, okay naman yan pero kailangan ng mga tatlong araw para mag review hindi siya built for surprise quizzes. Si Jace yung sunod, okay din naman kapag triny. Tas si Eiji, I don't know basta nasa last ko siya sa scale.

Pero when it comes to personality tiyak na mag iiba yang scale na yan. Magaling man yung iba diyan pero shuta yung ugali mukhang ano eh basta hindi masyadong maganda ganern. Si Felix shuta niyan nangungurot yan nangangagat pa parang aso lang kung maka asta minsan eh.

"In announce ng teacher niyo next week Saturday na pala ang card day niyo. How did you do this quarter?" Tanong ni Mama nung kumakain kami. Heto na naman tayo eh. 

"I wouldn't be surprised kung bumaba yung grades ko sa Math. There were times I got late and didn't catch up to any quizzes. Hindi nako pinag retake ni ma'am ng quiz noon." I replied as she looked very not satisfied with my answer. 

"That's not a reason at all. Ano naman ngayon kung late ka? You should've just asked your teacher to let you take the quiz." She said as I frowned. Tngna naman. I just kept my mouth shut even though I badly wanted to tell her how the teacher wouldn't give it a chance anymore. I just kept my mouth shut para wala na silang masasabi kung magsasalita na naman ako. I'm being kinda tired of this lifestyle, being not able to defend yourself, staying quiet because you don't have the rights. Nakakapagod na talaga eh. 

After I washed the dishes umakyat na ako sa kwarto ko. It's the only place in this house that i find comfort aside from the kitchen. Minsan kapag may nasasabi sila Mama na masasakit na salita itinutulog ko nalang, i don't expect them to say sorry kase hindi naman talaga sila nagso sorry even if they already obviously crossed the line. Dededmahin lang nila at kinabukasan akala mo walang nangyari eh, ngingitian ka pa nila. 

Aydien: Nakita mo na grades mo? 

Chat ni Aydien agad bumungad sakin nung inopen ko yung messenger ko. 

Chrizzna: Hindi pa naka uwi si Mama. Baka ise send palang mamaya. Maa analogy na naman ako dito mamaya pag dating niya HAHAHAHAHA 

Reply ko sakaniya na rineact naman niya yung message ko. 

Aydien: Same gagi. Mamaya sasabihin na namang mas magaling daw yung sobrang layo ng gap ng ability namin. Like ico compare nalang ako sa tao pang mas mababa pa kesa sakin ano yon HAHAHAHA 

Yes ganito po kami tinatawanan nalang namin ang mga kahirapan namin. Wala eh wala naman kaming magagawa. This is also why sobrang magka vibes kami, pareho lang kami ng pinagdadaanan. Naco compare everyday, sanay na din kami. 

Chrizzna: Prediction ko, bumaba yung grade ko sa Math tapos sasabihin nila "selpon kase ng selpon ayan bumaba na tuloyang grade mo" HAHAHAHA 

Aydien: True gagi, madadamay na naman yung cellphone na walang kamalay malay HAHAHAHA

Lakas ng trip namin  ano? Alam kase namin na pagdating ng mga grades namin magd DND nako at maga airplane mode. Ganon po ako, baka mamaya kunin din cellphone ko eh kase yun lang daw inaatupag ko. 

I heard my Mother's footsteps coming closer to my room. When she opened the door pinakita niya sa akin yung cellphone niya. 

"Tignan mo yang grade mo." She said coldly. Nga naman sabi na nga ba at bumaba ang grade ko sa Math, yun lang naman ang mababa pero alam kong hindi niya palalampasin iyon. 

"Kinda knew na bababa ang grade kong yan sa Math." Sabi ko, 96 ba naman kase naging 94 pocha sakit non par. 

"Yan lang ang nakuha mo? Paano ba naman kase eh selpon ka ng selpon wala ka ng ginawa sa buong araw kundi magselpon. You couldn't do any better? Yan na ang best mo? Pwes your best isn't enough. Baka nga mas mataas na ngayon ang grade ni Seth kesa sayo. Baka nga ikaw na din ang pinakamababa sa mababa sainyong magka kaklase eh." 

Never Noticed You Were There (TRF #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora