Chapter 26

12 1 0
                                    

Chapter 26

"Lakas ng trippings, Zaccheus ah." Sabi ko naman na kinatawa niya.

"Anong 'baby princess' ka diyan. Akin to." Sabi naman ni Ishna. Yung isa naman tumabi sakin at hiniga ang ulo sa balikat ko. Kala ko ba kakatulog lang neto? Bat parang balak na namang matulog?

"Mas close nga kami eh. Ako nga kuya niya." Sabi naman ni Kuya Zac. Ishna rolled her eyes.

"Ay so ano ako? Hindi mo kapatid?" Tanong niya na sinimangutan ni Kuya Zac.

"Kapatid syempre pero mas mahal ko si Izzna kesa sayo." Sagot naman ni Kuya Zac shuta heto na naman tayo eh. Pero, oo tawag din niya sakin Izzna hindi nag iisa si Jace.

"Mas mahal ko din si Chrizz kesa sayo. Kung pu pwede nga lang ipagpalit na kita kay Chrizz eh." Panunumbat naman ni Ishna. Shumay na magkapatid to balak ata akong pag agawan eh.

"Dami niyong alam kakain nalang ako." Sabi naman ni Zix tsaka umupo sa harapan namin tsaka kumuha ng plato at sinimulan na ang pagkain.

Tumangkad nga si Zix oo. His brown eyes na kapareho ng kuya niya and those brown hair also. Si Kuya Zac naman talaga namang mas tumangkad. Mas lalo na naman sigurong dumami ang fan girls neto. Brown eyes, black hair, matangos na ilong, kissable lips, veiny hands, basketball player, can play guitar and piano, matangkad, at green flag. Ano pang hahanapin mo sakanya eh kumpleto na ang quality. Academic achiever pa, consistent honor student since Kindergarten yan eh, magaling sa Math, Science at English.

"Ikaw magdra drive ah?" Sabi ni Ishna na kinairita na ata ni Kuya Zac.

"Malamang alangan namang ikaw? Edi namatay na tayo, tsaka ayoko mag commute no. Mahal ang pamasahe." Sabi naman ni Kuya Zac na kinanguso ni Ishna.

"Libre niyo ako." Biglang sabi ni Zix kaya naman napatingin yung dalawa sakaniya.

"Chix ka ba?"

"Ano ka gold?"

Sabay na sabi nung magkapatid kaya naman umirap yung bunso.

"Di wag may pera naman ako." Sabi niya tsaka ngumisi si Kuya Zac.

"May pera naman pala bakit ka pa magpapalibre?" Tanong niya.

"Para makatipid malamang. May bagong gaming PC na gusto kong bilhin kaya nag iipon ako." Sagot naman niya.

"Bakit hindi ka bumili ng casing ng phone mo? Lumang luma na yang casing mo. Makakabili ka ng PC na halos 45,000 tapos hindi ka makabili ng casing na singkwenta pesos lang?" Sabi ni Ishna na kinangiwi naman ni Zix.

"Dipa naman sira ah. It's still in good condition tapos papapalitan mo na?" Reklamo niya.

"I mean yeah, it's still in good condition pero it's so old fashioned na. Bumili ka naman ng casing na medyo trending." Sabi ni Ishna. Inirapan lang siya ni Zix at tinuloy na ang pagkain.

"May boyfriend kana ano?" Sabi ni Kuya Zac habang nakasandal parin sa balikat ko.

"Wala pa." Sagot ko naman tsaka siya tumango.

"Goods yan. Wag ka muna mag boyfriend." Sabi niya naman. Oops, kuya sorry pero may nanliligaw. Medj lumalandi na din ang baby mo hehe.

"Naglalaro ka parin ng ML?" Tanong niya sakin kase nakita niya siguro yung ML ko kanina sa home screen ko.

"Oo." Sagot ko naman as he shrugged.

"Boring ng ML turuan kita mag COD?" Tanong niya na kinangiwi ko.

"Wag na. Triny ko yan noon at hindi nakakaaya ang kinalabasan." Sabi ko tsaka naman siya tumawa.

"Sunod sunod na defeat lang siguro nakuha mo kaya ayaw mo doon." He said and pinched my cheeks as I frowned at him. Bwiset kase tama siya.

"Tara na?" Tanong ni Kuya Zac nung tapos nang kumain si Zix. Naka dalawang plato nga eh.

"Hanggang anong oras ang pinaalam mo kay Tita Carrie?" Tanong ni Kuya Zac kay Ishna habang naglalakad kami patungo sa sasakyan nila.

"Pwede daw kahit anong oras tayo umuwi basta daw kasama ka. Diko alam kung bakit pinagkakatiwalaan ka ni Tita Carrie pagdating kay Chrizz." Sagot ni Ishna na kinatawa ni Kuya Zac.

"Alam kase ni Tita na hindi ko papabayaan si Izzna." He said as Ishna just nodded.

"Sabagay may point ka." Uy for the first time narinig ko na sumang ayon si Ishna sa kapatid niya. Palagi kaseng hindi sumasang ayon sa kapatid minsan eh lalo na kay Kuya Zac.

"Saan tayo?" Tanong ni Kuya Zac sa amin ni Ishna. Tinignan ko naman si Ishna. Malamang siya yung magde desisyon alangan naman na ako diba?

"Sa night market tayo. Nandoon sina Faiye ininvite ko sila." Sagot naman ni Ishna na kinakunot ng noo ni Kuya Zac.

"Faiye? Hindi ba't hindi mo na kaibigan yan? Sabi mo binackstab ka tapos kaibigan mo na naman ulit?" Sabi ni Kuya Zac.

"Syempre hindi. Nakikipagkaibigan nga ulit sakin eh. Nalaman niya kasing kapatid kita kaya nakikipagkaibigan na naman. Ang plastic niya may pa sorry sorry pa halata namang hindi totoo." Irap ni Ishna.

"Lapitin ka pala ng mga plastic eh. Si Ate Izzna nalang ata ang totoong kaibigan mo, hindi mo pa nakakasama." Sabi naman ni Zix na kinanguso ni Ishna. Hay kawawang Ish to. Hindi sinasabi sakin lapitin pala ng plastic.

"Kuya dapat magpanggap kang jowa mo si Chrizz." Sabi ni Ishna na kinagulat ko naman.

"Haluh, bakit ako?" Reklamo ko naman tsaka niya ako tinignan.

"Beh, sayo lang naman umasta ng ganyan si Kuya eh. Para makaganti ako sakanila. Chenes nila palaging mine mention si Kuya sa harapan ko." Sabi niya ulit. Nagpapa awa na naman to eh. Alam ko na tricks neto.

"Kahit hindi na kayo magpanggap kase nagmu mukha talaga kayong mag jowa. Act naturally nalang pala." Sabi ni Ishna na kinatawa ni Kuya Zac.

"Wag ka tumawa Kuya. I still remember nung gumala ulit tayong apat may pinuntahan tayo sa night market yung gumagawa ng bracelet pinagkamalan kayong mag jowa." Sabi ni Ishna na kinatawa naming lahat. I still remember that and it was like two years ago.

Habang naglalakad kami sa night market nagce cellphone kase ako kaya may humila sakin.

He took my phone from me tsaka niya binulsa habang nakahawak sa kamay ko.

"Wag ka ngang mag cellphone habang naglalakad ka. Ang daming tao dito baka mamaya maligaw ka. Maliit ka pa naman mahirap kang hanapin." Sabi niya na kinanguso ko.

"Kuya naman eh. May ginagawa pa ako kanina eh." Pagrereklamo ko sakaniya.

"Wag na muna. Focus on where you're going. Pag hindi na siguro ako sumama sainyo baka nawala kana ngayon." Sabi niya tsaka ako ngumuso. Medyo may point naman siya slight.

"Hey, Kriszchna ikaw pala yan." Narinig namin sa harap kaya naman napatingin kaming dalawa doon.

"Sino yan?" Tanong ng babae na mukhang coloring book. I mean hindi naman sa nagiging mean ah pero mukha talaga siyang coloring book.

Ang judgemental nung tingin ni ate girl sakin parang may nagawa akong mali sakanya ah. Then her eyes dropped on our hands na hawak hawak ni Kuya Zac. Ayown pucha mas sumama na naman ang tingin sakin. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro namatay na ako kanina pa.

"Sino po siya Kuya?" She sweetly asked Kuya Zac. Iwww, ang arte non. What the hell? It's so obvious na nagpapa bebe siya omaygali.

"She's my girlfriend." He plainly said and yung tingin ni ate girl mas sumama pa. Kala ko masama na yung tingin kanina may mas isasama pa pala. Nagbabakasyon lang naman ako dito bat parang uuwi akong may kaaway ಥ‿ಥ

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon