Chapter 32

17 1 0
                                    

Chapter 32 

"Ang dami namang gagawin at ang hirap naman netong activity na ito." Reklamo ni Jillian nung gumagawa kami ng performance task namin sa PE. 

"Nako beh, tiisin mo na huli na ngang performance task ito bago tayo mag graduate eh." Sabi naman ni Gina. 

"Parang kailan lang Grade 7 pa tayo eh. Shuta ngayon sasakit na ulo natin sa dami ng gagawin natin para sa finals natin. Buti nalang at maaga nating natapos yung research natin." Sabi naman ni Abi. Ayon nag throwback na sa mga grade 7 memories namin.

Pero paano ba naman kase eh akala namin mahirap yung mga gawain nung grade 7 tapos ngayon na grade 10 na kami pucha beh mali pala. Di hamak na mas madami pang school works pag tumataas na ang grade level mo. Megali diko take paano pa kaya kapag nag college na ako anti. Kahit ata di ako umiinom ng kape mapapainom ako ng kape dahil sa gusto kong kurso ah.

"Chrizz alam ba ng parents mo yung tungkol kay Jace?" Tanong ni Abi na kinatango ko naman.

"Ay sana all legal sa magulang. Ano naman sabi nila? I mean diba sabi mo noon strict parents ka?" Dagdag naman ni Leighn.

"They're chill about it." Sabi ko naman na kinatango nila.

"Anong feeling ng may manliligaw? I mean hindi ba't sabi nila na distraction lang yan kung magkaka love life ka habang nag aaral ka pa?" Sabi naman ni Gina. Study first girlie nga naman.

"Instead of distraction para sa akin he's a motivation. Jace is really supportive of the things I want in life, he's not the type to beg for more attention. Well yes, sabi nga nila distraction ang pagbo boyfriend but it depends on how you handle it. Kapag talagang tinuon mo ang buong atensyon mo sa boyfriend mo talagang magiging distraction pero if you know how to balance the two it's not a distraction instead magiging motivation. You will have an inspiration to do the things you want to do because alam mong after those achievements there's someone waiting to congratulate you." I explained as they nodded.

"I wonder if papayagan din ako ni Mama mag boyfriend. They look at having a boyfriend being a distraction to me." Sabi naman ni Leighn.

"I don't know din sa akin, they probably saw na hindi naman bumaba ang mga grades ko much more like tumaas pa kaya naman pinayagan nila si Jace na manligaw sakin. Also, probably one more is the fact that Jace is a Rosini." I laughed as they looked at me confused.

"Ay bakit? Anong meron sa mga Rosini?" Tanong naman ni Abi. Ay oo nga pala, hindi masyadong well-known ang mga Rosini dito sa amin kase nga more on outside our province ang mga business nila.

"They're big shot business tycoons here in the Philippines. Nasa top 25 richest ata sila dito sa Pilipinas. Not sure though kung ano yung specific basta nasa top 25 daw. They have many businesses like real estates, airlines, wineries, clothing and more." I said as their jaw dropped.

"Hindi nga lang sila sikat dito sa probinsya natin kase nga nasa labas ng probinsya natin yung mga business nila." I said as they nodded.

"Speaking of the devil, yan na oh. Bibigyan ka na naman ata ng meryenda mo. Ang layo layo ng classroom nila sa atin pero nama manage niya paring pumunta dito para sayo hay sana all nga naman." Turo ni Gina sa likod ko. I looked back and he came to me and gave me a paper bag tsaka fries and a C2.

"Binigay ni Mama yan. Nag bake siya yesterday and nagtabi siya para sayo." He said and sat down beside me.

"Ano to?" Tanong ko sabay silip sa paper bag na binigay niya.

"Crinkles, macaroons and chocolate chip cookies." He said as I nodded. If I would to rate Jace's love languages out of 10 it would be like this:

Gift Giving: 10/10 sobra sobra ang binibigay niya sa akin.

Physical Touch: 10/10 clingy, halos minsan gusto palagi nakahawak sa kamay ko.

Words of Affirmation: 7/10 lakas mang asar imbes na i comfort ako mas lalo pang pinapalala pero natatawa ka din minsan pero more often nakakainsulto eh.

Quality Time: 10/10 he always finds ways to come to me kahit medyo malayo yung room nila sa amin.

Acts of Service: 10/10 he's the best in doing those, picking up my bag, tying my shoelaces if they come undone and many more.

He's a total green flag. You wouldn't ask more from him. I don't know what I did to get that guy, sometimes I even think I don't deserve him.

"What's going on in that head?" He asked as he put his chin on my shoulder. I just laughed and ruffled his hair.

"Lord, ganito nalang ba ang state ng buhay namin?" Pagdra drama ni Leighn na kinatawa naming lahat.

"Bi, lahat naman kase ng may gusto sayo rine reject mo tapos magrereklamo ka." Gina said. We all agreed cause it's true.

"Di sila pasok sa standard ko." Leighn plainly answered na nagpangiwi sa aming lahat. Halos lahat naman ata ng lalaki hindi pasok sa standard netong babaeng to eh.

"Congratulations sayo anak. Ito nga pala para sayo." Tita Ariya greeted me and handed me a bouquet of flowers na mix ng white rose at pink roses.

"Nako Tita nag abala pa kayo." I said as she laughed.

"Ano ka ba naman , Izzna? Hindi nakaka abala pag para sayo. Mas nakaka abala pa nga si Jace kesa sayo eh." She joked as we both laughed. Asan na nga pala yung lalaking yon?

"I deeply appreciate it Tita." I heard him sa likod ko kaya naman liningon ko siya. Ayown, nagpalit na kami ng pamilya.

"Jace anak halika nga dito." Tita Ariya called Jace when he and my parents finished talking.

"Bakit?" Tanong niya naman.

"Picture'n mo nga kaming lima dito oh." Tita Ariya said as he looked at them in disbelief.

"Ako ba talaga anak niyo?" Pagtatanong niya na kinairap naman ni Tita Ariya.

"Ano ka ba? Ganito ka din naman sa pamilya ni Izzna eh kaya naman fair lang ito. Siya sige bilis na at kunan mo na kami diyan oh." Pangungulit ni Tita Ariya. Syempre walang nagawa ang isang Jace kundi sumunod nalang.

"Mag picture nga din kayong dalawa diyan." Turo ni Tita Ariya sa stage.

Yes, kakatapos lang ng moving up namin. Finally, makaka move na sa senior high. Parehas na naman kami ng pag-aaralan netong si Jace kaso nga lang hindi parehas yung kukunin naming strand maghu HUMSS daw siya samantalang ako naman mags STEM.

Later on, habang nagchi chikahan sina Mama at sina Tita Ariya, Jace interwined his hand with mine and rested his chin on my shoulder.

"Congratulations, love. I'm so proud of us." He said and handed me a bouquet of flowers it had my favorite flowers in it. Freesias and white tulips, it also had some dandelions and some more tulips but with different colors.

"Congratulations to you too, my love." I said as he looked at me in shock. That will be the first time kase na I called him with an endearment. I also mentioned to him na if I call him with an endearment that will mean na sinasagot ko na siya.

"Does that mean?" He asked as I nodded.

"You're officially mine." I smiled as he hugged me.

"I'm officially yours, yours only."

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon