"Sinungaling. Nandito lang siya dahil nagtatago siya sakin. Siguro galit dahil naglasing ako kagabi" sa sinabi kong iyon ay nakita ko ang lungkot rito... siguro selos dahil sa mga sinabi ko.

"A-Axel, umalis na sya." Umiiling siya at tatangkaing lumapit saakin pero umatras ako.

Bakit lumuluha ito? Na curious na talaga ako sa mga nangyayare kaya "Kung ganoon nga, mag bibilang ako ng sampu at pag di pa siya lumabas sa tawag ko, maniniwala ako sayo." Nasabi ko nalang kahit bakas sakin ang pagkabahala...

Umurong si Daisy at yumuko ulit..

"LOVEY?!!" sa sigaw kong ito ay sobrang lakas na kaya dumagungdong ang boses ko sa loob ng bahay.

Kahit namamawis ako'y itinuloy ko ang pag bilang.

"1" magpapakita yon.

"...2" kaya yan tiwalang lalabas din yon, nginisihan ko ang nakayukong si Daisy.

"...3" sobrang ganado ako nito pero sobrang tarantado talaga ni tadhana.

"...7" binabalot na ng pagaalala ang sistema ko. Hindi ako mapakali.

Si Daisy naman ay, may tumulo ng luha sa mata.

"A-Axel hindi ko rin alam kung nasaan siya—" sinigawan ko siya para patigilin

"Fùcking stop!...8!" Kahit alam kong nabadya naring mag labas ng luha ang mata ko'y tinatagaan ko parin.

Ayokong makarinig ng kung ano anong pinag sasabi niya.

"...9" pinigil niya rin ako sa pag bibilang.

"Di na siya babalik, Axel!" Sigaw nito at humagagulgol na.

"..10....." hindi pa rin ako tumigil at desididong sinasabi saking sariling andito lang siya, "Ayaw mo talagang lumabas?!"

Sa sigaw na ito ay kasabay ng paa kong tinungo ang palibot sa bahay.

Lumong lumo ako sa kakatawag sakanyang di parin sumasagot. Si Daisy naman ay nakasunod saakin.

"Lovey! Velvety!" Sigaw ko na nauwi sa piyok dahil sa luhang di ko namalayang kanina pa pala naka bagsak.

"Kagabi n-narinig ko yung boses niya, s-sigurado akong n-nandito lang siya!" Tinignan ko si Daisy ng masama na para bang siya ang may kasalanan kahit alam kong wala siyang ginawa.

"H-Hindi, mandito l-lang siya k-kanina..." para na kong baliw sa kakaisip na andito lang siya kanina pa kahit na alam ko rin na wala talaga dahil naikot nanamin ang buong mansyon.

"H-Hindi niya ako kayang iwan!" Sigaw ko dahil sa sikip na nangyayari sa puso ko.

"Wala na siya! Hindi na siya babalik, Axel! Please naman, Axel makinig ka sakin..!" sigaw ni Daisy o baka naman isang bulong dahil hindi ko na rin talaga malaman ang nangyayari sa paligid o kung gaano kalakas ang mga tunog na pumapalibot dito, ni-aircon nga di ko na rin alam kung naka bukas ba.

Hindi siya pwedeng umalis ng hindi ako kasama! P-Puntahan ko ang mga magulang niya!

Agad akong tumayo para lumabas, he naghilak ko ang sasakyan ko at pumasok hindi ko na rin pinansin si daisy na pumasok para.... Hindi ko alam.

Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa luhang tumatak ito ay nagawa ko pa rin makapunta sa bahay ng mga Gray.

Mabilis akong bumaba at pinindot ang doorbell nila, kahit ramdam ko ng nasa tabi ko si daisy ay hindi na rin ako nahiya dahil sa kabaliwan ko.

Wala na akong para sa aking paligid makita ko lang ang babaeng mahal ko. . . maging maayos din ang lahat.

Ilang segundo lang ay nakababa ang mag asawang Gray para harapin ako, kahit tumutulo pa rin ng luha ko ay hindi ko na ito pinansin at lumuhod sa harapan nila.

"S-Si Velvety po nasaan?! Tinatago niyo po ba siya dyan?!! Nag mamakaawa ako ilabas niyo na po ang anak ninyo!" Gulat na gulat ang mga mukha nang mag asawa dahil sa ginawa kong pagluhod.

Agad ako ng dinaluhan name is gray para patayuin pero hindi talaga ako nag patigil sa pag luhod.

"Anak, wala rito si Ivory" nabigo ako sa narinig, bumagsak ang balikat ko sa sobrang dismaya.

"Wala rito si Ivory. Nagiwan siya nang sulat at nakasulat sa sulat ay huwag na raw namin siya hanapin dahil nasa malayong lugar kung saan alam namin, wala siyang binigay na clue, wala kaming alam, alam ko lang ay kami kami na lang mag pa pamilya na magkakilala hindi ko alam kung saan siya pumunta... patawad, Anak" malakas na tumulo ang luha ko at nanginig ang buong pagkatao ko sa narinig sa tatay ni Velvety.

Dahan dahang nawawarak ang puso ko habang isinasaisip ang mga narinig.

"Galit ba siya sa'kin? May nagawa ba 'kong mali?! May kasalanan ba ko? May kulang ba sakin? Hindi pa ba 'ko sapat? Hindi na ba siya masaya?!" Sa bawat tanong ko ay puro iling lang ang nasasagot ng magasawa.

Para akong baliw, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nanghihina ako.

My rest is gone. My supporter is gone, and the most tragic is my home was gone.

Humahagulgol na ako sa harap ng gate nila ramdam ko ang pagyakap sa'kin ni Daisy sa likuran... umiiyak rin siya na para bang dinadamayan ako o nasasaktan.

"VELVETY!!!" Hagulgol nalang ang lumalabas sa bibig ko.

I can't accept it but I have to. Because Daisy said that there is no possibility that she will come back.

That was the last day that God let me see her. Ni-hindi niya ako binigyan ng maayos na kumpirmasyon kung bakit ako iniwan ni Velvety.

Sa gabing iyon ibinuhos ko ang lahat pero hindi pa rin pala dahil gabi-gabi ako umiiyak at nag papakasawa sa alak at gustong mag pakamatay pero laging nandiyan si Daisy para pigilan ang suicidal attempt ko.

Siya lagi yung nandiyan para tulungan !akong makabangong muli.

Sa limang taon ngayon... siguro natutunan ko na rin na kalimutan si Velvety. At sigurado na ako roon.

ARRANGED (Buencamino Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon