"If you don't want this circulating on the internet, umalis ka na sa bahay ng boyfriend mo at magpakalayo layo ka na."

"I have eyes everywhere, Taffy. I think a week would be enough."

"Let me know if you already did the deed." Dagdag nya pa at tumatawang tinalikuran ako.

Kilala ko kung sino ang kasabwat nya. At dahil wala naman talagang may intensyon na sumira saamin kung hindi si Franchessa lang. Hindi din nalalayo ang ugali nilang dalawa at hindi malabong may kinalaman sila dito. Gulong-gulo na ang utak ko sa nangyayari ngayon. Umuwi akong luhaan at lugmok sa problemang kinahaharap ko.

All I did was cry and stop to think for a while. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko kayang mamili. Hindi ko kaya.

"Hey, what's wrong? Bakit namumula ang mata mo? Were you crying?" Nag aalalang tanong nya saakin.

He'll be home by the end of this week. May aasikasuhin lamang daw sya bago sya umalis pauwi dito sa Pilipinas. I don't know what to say anymore. I'm stuck with this kind of shit.

"Wala, sinisipon lang talaga ako. Medyo runny ang ilong ko." Pagtatakip ko.

"You're not a good liar." Agap nya. Umiwas ako ng tingin at unialis ang mukha ko mula sa kamera.

"I'm going home in a week. We'll see each other again." Dagdag nya.

Ngumiti ako at tumango sakanya. I'm giving him false hopes, that I will be okay after he comes back.

"I will be taking over the company. I will train for a few months and I'll be a bit busy, but I'll make sure to always spend time with you kahit busy ako." Paninigurado nya.

Four days felt like four years. Napapansin na rin ni Ate Delya at Kuya Romeo na palagi akong nag-iisip ng malalim. I've been thinking of a lot of things. Sinabayan pa ng dami ng mga school works at projects.

Isa pa roon ay ang problemang kinakaharap ko involving Wendy. Yoon ang iniiyakan ko gabi gabi pagkatapos ng mga tawag naming dalawa. Either way, I'm still the one who's going to break him apart. Kahit na ikalat ni Wendy ang video na 'yon, ako parin ang sisira sakanya.

"Tappy, may pinoproblema ka ba?" Tanong ni Ate Delya nang ma tyempohan nya akong may ginagawa sa kusina.

Ngumiti ako sakanya. "Wala naman po. Ayos lang ako."

"Alam kong may pinagdadaanan ka. Hindi pa natatapos sa isipan mo ang mga bagay na nangyari sayo nitong mga nakaraang araw. Kung pinag-iisipan mo lamang ito ng maigi, sana namay huwag mong pabayaan ang sarili mo. Ano pa't naging mag nobyo kayo, kung ang pinoproblema mo ay hindi nya alam. Pag-isipan mo, anak. Hindi ka nag-iisa. Nandidito lang kami nila Ser Calren."

"Ate Delya, paano kung ako mismo ang ikakasira nya? Buong buhay ko ay naging malas ako sa mga taong nalalapit saakin. Ayokong saktan si Calren pero, mas matinding sakit ang mararamdaman nya dahil sa muntikan nang mangyari saakin. Maraming tao ang humahanga sakanya at ayokong mawala sakanyan ang lahat ng pinaghirapan nya lalo na't sya ang papalit sa posisyon ni Sir Hillton. Ate, mas masasaktan ako do'n." Hindi ko na napigilan ang umiyak sa harapan nya. Hinaplos nya ang balikat ko.

"Hindi nyo deserve ang ganito, at hindi nya rin deserve na hindi malaman ang lahat ng ito kung kasali naman sya. Tappy, hindi ka pababayaan ni Calren. Ipaglalaban ka nya. Kilala ko ang batang 'yon. Mahal ka nya." Saad nya. Huminga ako malalim at sinimulang ikwento sakanya ang buong nangyari.

Kinabukasan habang nasa klase ako ay biglang may inabot saakin ang kaklase ko na isang sulat. Nang buksan ko ito ay kilala ko agad kung kaninong sulat kamay ang nagsulat nito.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now