36: Angels Brought Me Here

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumabas na si Dianne sa bathroom. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng tv.

Tumabi siya sakin sa kama, "Tulog na si Avie?" I asked her.

"Oo" she smiled at me. "Kaya yung isa ko namang baby yung ire-relax ko" she hugged me.

Hinayaan ko lang siya. Ayaw ko na siyang pagbigyan sa mga trip niya. Buti nalang nakahalata siya agad.

"Beh galit ka sakin?" she asked. I didn't answer, tinuloy ko lang ang panonood ng tv. "Beh" tinapik niya ako. Hindi ko parin siya pinansin. "Beh naman eh" tinapik niya yung pisngi ko. Inalis ko yung kamay niya. Sinampal naman niya ako bigla.

"Aray! $#%#$ naman Dianne!" Nagulat din ako sa nasabi ko. Napa-urong si Dianne, hindi niya rin siguro inasahan yun.

"Baby I'm sorry" hinawakan niya yung pisnging sinampal niya. Tears began falling from her eyes. Takte!

"Beh ako yung sinampal mo, bakit naman ikaw yung naunang umiyak." I wiped her tears. Nawala bigla yung galit ko. Kahit naman gaano ako kagalit powerless ako kapag umiyak na siya.

"Bakit kasi di mo ako pinapansin?! Dahil ba sa kanina?! Sabi ko lang naman magiisip muna ako diba?!" she began crying.

"Beh, wag ka nang umiyak please?" I hugged her.

"Kasi naman ikaw eh!! Kasal lang ba?!! Edi sige!! Magpakasal tayo!! Bukas na bukas din!!" ako naman ang nagulat sa sinabi ni Dianne. "Gusto mo ngayon na?! Halika tara magpakasal na tayo 24 hours naman ang pari sa simbahan ah?!!" she tried standing up bigla, I stopped her.

"Baby teka lang, dahan dahan, baka kung mapano ka niyan." Nagpapanic ako, baka kasi mahulog siya sa kama. I pulled her pagitna kaya she fell on top of me. Nauntog pa siya sa dibdib ko. "Beh? Beh are you ok?" di ako makabangon, nasa ibabaw ko pa kasi siya. Inilapag ko siya sa kama dahil hindi siya nagsasalita. "Beh" tahimik lang si Dianne, umiiyak lang siya.

"Beh sorry na" I hugged her. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Dianne. Para namang bagong gising si Dianne, ayaw ng binibigla. "Stop crying please? Eto nanaman tayo eh, baby wag na tayong mag-away, masama para sayo" sabi ko sa kanya

"Sino bang nagsimula ha?" galit na sabi niya.

"Sorry na baby, kasalanan ko na" I hugged her. "Sorry na, magpapakasal na tayo bukas, wag ka nang magalit please?" I fixed her hair na napakabango. "Grabe naman, wala pang 48 hours na tayo na ulit away kaagad." I kissed her hair. "Ang ganda-ganda mo parin baby kahit galit" I kissed her.

May tendency kasi si Dianne na magwala kapag galit siya, kaya talagang takot na ako. Pero this time her anger was at my advantage. Dahil sa wakas! Pumayag na!! Hahahaha

"Wag nang magalit baby, relax ka lang jan, how's Deedee? May masakit ba sayo?" I need to check baka may nangyari dahil kanina.

"Wala naman, ayaw ko nang magalit, bad para kay Deedee." sabi niya. Sa wakas kumalma narin si Dianne.

"Baby water o" inabot ko yung bottled water galing sa may gilid ng kama, may set ako palagi ng bottled water para sa kanya.

"Saan mo ba gustong magpakasal bukas?" she asked after closing the water bottle.

Wow!

"Baby ikaw, saan mo gusto?" I asked her.

"Let's go sa Tagaytay, may gusto akong church doon" sabi ni Dianne.

"Sige baby masusunod" I smiled at her.

"Grabe naman kasi yung proposal mo kanina, iba kasi yung dating sakin." Sabi niya.

"Sorry baby, ang hirap mo naman kasing tanchahin eh"

"Grabe! Kanina kaya akala ko gusto mo lang akong makuha, at talagang ginamit mo pa si Avie to box me out. Ang unfair ng approach mo, akala ko ba mahal moko? Don't you want to marry me dahil mahal moko hindi dahil gusto mo lang akong makulong sayo?" asar na sabi niya.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon