Chapter 23

23.9K 823 611
                                    


Ashari's

Hindi na ako nakabalik agad sa may booth namin o maglibot sa school, dahil mas pinili kong samahan si miss sa room niya.

Nagkuwentuhan lang kami, at madalas pa'y ninanakawan niya ako ng halik.

Nung nag-alas singko ay nagpasiya na akong umuwi, baka naghihintay na si mama.

May battle of the bands, pero hindi ako interesado. Naglakad na rin kami patungo ni miss sa parking lot.

Pinapauna ko siyang maglakad, para walang makahalata sa amin, subalit nung nakita kong malapit na siya sa sasakyan niya, biglang nagpakita ang taong pangit na ayokong makita pa.

It was Freddie, at ang laki ng ngiti na sinalubong si miss. Hindi ko nakita ang reaksiyon ni miss, dahil nakatalikod ito sakin.

Dahil sa kuryosidad, hindi ako nagpahalata, pero lumapit ako at nagtago sa hindi masyadong kalayuan sa kanila, para lang marinig ang pag-uusapan nila.

Alam kong masama ang makinig sa upasan ng iba, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili.

"Happy valentine's day, Sabirah," it was Freddie.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ni miss.

"Well, I just came by because the dean and I have something to discuss to, and to also greet you."

Hindi ko nakikita ang mukha niya, pero basi palang sa boses niya, ay nai-imagine kong nakangisi siya sa harap ni miss.

"I don't have time for you. If you'll excuse me—," she was cut off by none other than the jerk Freddie.

"You're giving me cold shoulder now, huh? We're just so close just last last month, Sab. I wonder what happened.."

Hindi ko alam, pero parang gusto ko nalang lumayo dahil ayoko nang marinig pa ang sasabihin pa ng Freddie na ito. Para kasing hindi ko magugustuhan.

"How many times do I have to tell you that I don't like you, Fred? We changed, because you confessed you like me, and you can't even accept that."

Gusto ko na umalis, pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Natahimik 'yung pangit, akala ko nga ay nawala na siya, pero pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay narinig ko na ulit ang boses niyang kamukha niya, pangit pareho.

"You'll regret what you did, Sabirah. Enjoy your time with someone who'll leave you soonerI'll make sure you'll beg me, one of these days," goosebumps spread all over me, like a wildfire.

Malalim at madilim na ang boses ni Freddie, at kumabog ang puso ko ng sobrang lakas sa kaba.

Nawalan ng lakas ng buo kong katawan, pero pinilit kong tumayo.

Narinig ko na ang hakbang nito papalayo, at pares ng takong naman ang papalapit sa direksiyon ko.

It was Sabirah.

When I look at her, there's not even a single or drop of fear you can find in her face. There's only worry, worry for me.

Alam kong alam na niyang narinig ko. Siguro, naramdaman niya ang presensiya ko. Grabeng babae na 'to.

"You're not fine. Let me help you towards my car. Alalayan na kita," akma niya akong hahawakan para alalayan, pero tumanggi ako.

"Huwag na, miss. Kaya ko pa."

Pero, parehong matigas ulo namin, eh.

"Let me, Ashari."

Hindi na ako nakaangal, kasi nung sinubukan kong humakbang, halos matumba ako sa panghihina.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now