Chapter 17

29.4K 975 259
                                    


Ashari's

"Pass all the answer sheets now, and class dismissed."

Napaangat ang tingin ko galing sa kung ano anong scribble ang ginagawa ko sa papel ko, nung biglang magsalita ang diyosa sa harap.

Nagtama ang aming tingin, at ako ang unang umiwas kasi ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso.

Grabe na talaga ang kaniyang epekto sa 'kin.

Nag-ayos muna ako ng gamit ko saglit, bago ako tumayo at naglakad patungo sa kanya, para ipasa ang aking papel.

Nung nakalapit ako at kami nalang ang natira, binigyan niya ako ng ngiti. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa simpleng ginawa niya.

Umiwas nalang ulit ako ng tingin, kaya narinig ko ang mabini niyang tawa.

"You're cute."

Napanguso nalang ako, tsaka ko inabot ang papel ko.

Inabot niya naman ito at inayos ang mga papel, kaya tahimik akong tumalikod para sana umalis.

Hindi pa man ako nakaabot sa pintuan ay narinig ko na ang boses niya.

"And where are you going, Ashari?"

Natuod ako sa kinatatayuan ko, hindi agad nakagalaw at nakasagot.

"Come here and carry these. You'll also eat your lunch in my office. I cooked for us."

Humarap ako sa kanya, bago tahimik na lumapit.

"Paano po si sir Freddie? Hindi po kayo sabay?" May pait sa boses na tanong ko.

She sigh, before smiling again.

"Hindi kami magsasabay," she assured.

"Paano po kapag inaya ka?"

"I'll decline right away. I'll avoid him from now on." Sagot niya.

Pero may bumabagabag parin sakin.

"Paano po ulit kapag pinilit ka? Malamang po na pipilitin ka nun, gusto ka niya, eh."

Napabuntong hininga na naman siya, sa pagkakataong ito ay parang hinahabaan ang pasensya.

"I don't care about him, Ash. I'll still decline and he can't force me if I really don't want to. Now, can we go already? I'm hungry," nakakunot ang noo niya pagkatapos sabihin ang huling sinabi.

Subalit umiling ako.

"Pero po kapag—," hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ay pinutol na niya ako.

"If you won't stop talking about him, baby, I'll kiss you right now to shut you up." Madiin niyang sabi, kaya bahagya akong kinabahan, at napaatras agad nung lumapit siya habang nakakunot parin ang noo.

"M-Miss!" Kinakabahang sabi ko, at napatingin pa sa may pintuan.

Bukas ito, at natatakot akong baka biglang may dumaan at makita kami ni miss.

"Titigil na ako. T-Tara na po.." Humina ang boses ko sa dulo dahil naramdaman ko nalang ang white board sa likod ko, wala nang maatrasan.

Nasa harap ko na siya, at ilang dangkal nalang ang pagitan ng aming mukha sa sobrang lapit niya.

Nakakunot parin ang noo niya, pero onti-onti itong nawala nung mahulog ang tingin niya sa labi ko.

"S-Sabirah.." Nanghihinang bulong ko.

I saw how she swallowed hard, and how her breathing hitch, clearly affected while staring at my lips that is slightly open, because I'm catching my own breath.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now