Chapter 9

25.6K 1K 359
                                    


Sa weekend pa sana ang update, pero since nakapagsulat na ako ng draft the other day, I decided to just finish it today. Happy reading, and thank you so much for the 2.5k+ reads!(´∀`)♡

Ashari's

"Hindi pa po ba kayo uuwi, miss?" Napalingon lang ito saglit sa direksiyon ko, bago binalik ang tingin muli sa mga papeles na nasa harapan niya.

"You can leave first, miss Ceniza. I still have some works to do."

Nakonsensya naman tuloy ako kasi feeling ko nadedelay ang trabaho niya dahil sakin.

Ako kasi lagi pinapagamit niya ng laptop niya, minsan nga sabi ko na okay lang talaga ako sa computer sa library, pero ako lang din naman ang pinapagalitan o kaya ay hindi pinapansin kapag nagpupumilit ako.

Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako at lumapit ng bahagya rito, habang bitbit ang laptop niya.

"Gamitin niyo po muna ito, miss." Sabi ko na siyang ikinalingon niya sa direksiyon ko.

Kumunot ng bahagya ang noo niya, bago niya seryosong pinagtagpo ang aming tingin.

"Are you done?" Napailing ako.

"Tama na po ang nagawa ko, bukas na po ulit. Kailangan ulit kasi i-check ng leader para makapag-proceed na sa susunod na parts." Magsasalita na sana ito nang unahan ko ulit.

"Gamitin niyo na po, para mapadali po kayo," pagkukumbinsi ko rito.

Tinignan niya lang ako na para bang sinasabi na, 'sino ka para utusan ako ng gan'yan', kaya napakagat ako sa loob ng pisngi ko, at bahagya itong pinalobo pagkatapos.

Naiilang ako sa titig niya, kaya umiwas ako ng tingin.

"Uh," sinubukan kong tumawa na parang tanga sa harapan niya, baka sakaling mawala ang ilang na nararamdaman ko, habang patuloy itong nakatitig sakin.

"Kung mas komportable po kayo sa ginagawa niyo, 'wag nalang po pala." Tsaka ko maingat na nilapag ang laptop sa mesa niya.

"Aalis na po ako, five-thirty narin po kasi, eh." Dagdag ko.

Akala ko wala itong sasabihin, pero narinig ko lang itong huminga ng malalim bago tumayo at niligpit narin ang gamit, kaya nagulat ako.

"Tapos na po kayo?" Umiling ito.

"I'll finish this at home. We'll go out together, I'll drop you at your house," 'yung boses niya ay kahit hindi niya sinasabi, nagtutunog itong 'wag na akong kumontra kasi siya parin naman ang masusunod.

Hindi narin ako umangal, nasanay narin.

Madalas si miss na may inaasikasong papel lagi, at hinahayaan na akong gumamit sa laptop niya.

Nag-aalala na nga ako, pero sabi niya ay okay lang naman daw sa kan'ya.

Nung matapos itong magligit ay bumaling siya sakin nang may maliit na ngiti, dahilan ng pagkabog na naman ng puso ko.

"Let's go," hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at agad na itong tumalikod.

Paglabas namin ay tsaka niya sinarado ang office niya at siniguradong nakalock na ito.

Tahimik kami hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya.

Ewan ko ba kung saan ako nakakuha ng tapang, kasi nagawa kong titigan si miss habang seryoso itong nakatingin sa daan at nagmamaneho.

Ang ganda niya talaga, walang kupas. Her almond-shaped eyes and her dark-coloured orbs, that I always adore. Nakakalunod ito kapag tinitignan ka nito pabalik, nakakahina ng tuhod kapag tinitigan ka niya gamit ng kaniyang madilim na mata, at nagpapawala sa iyo sa katinuan kapag naman malambot itong nakatingin sa 'yo.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon