Chapter 28

25.1K 664 163
                                    


May nanghingi ng update, pinagbigyan ko lang, kaya huwag kayo magalit :D

Ashari's

Hindi matanggal tanggal ang aking ngiti nang mailabas na ang mga napasok sa dean list, at isa ako sa mga 'yon.

Sa totoo nga, ako ang pangalawang nangunguna sa department namin. Next week pa ilalabas ang grades, inuna lang i-post ang mga nasali sa dean list.

Pagkatapos din ng sunod na linggo, bakasiyon na, kaya sobrang saya ko.

Nasasabik na akong ibahagi ito kay Sabirah. Isa siya sa naging inspirasiyon para mas lalong maging pursigido sa pag-aaral, bukod sa aking nanay.

Nung tanghalian, tinahak ko na ang daan patungo sa opisina ni Sabirah. Hindi pa man ako nakakarating, kumunot na ang noo ko nung nakita kong lumiko rin papunta sa direksiyon ko ang Freddie.

Buhay pa pala siya?

Hindi pa man siya nakakalingon sa direksiyon ko, nagtago na ako sa gilid at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang nakalagpas na siya sa akin.

Si miss ba ang pupuntahan niya? Hindi imposible.

Sa hindi malamang dahilan, binalot ako ng kakaibang kaba. Lalong bumilis ang puso ko, at bawat pintig ay masakit..

Parang pinipiga ang puso ko, at bigla akong naginig ng bahagya.

Sinubukan kong iwaglit ang mga iniisip at kinalma ang sarili. Nasobrahan lang ako sa pag-iisip. Magtitiwala lang ako kay Sabirah.

Sinundan ko siya, pero hindi ako nagpahalata. Lumiko ako sa cr kung saan ako lumiko nung parehas na araw na umamin din ako kay Sabirah, at hinintay kung kailan lalabas ang Freddie na 'yun.

Pumasok ako sa mismong cr, pero inawang ko ng kaunti ang pintuan, para makita kung kailan aalis ang unggoy.

Hindi naman nagtagal ay lumabas din ito at gaya nung huli, galit din ang kaniyang mukha.

Naramdaman kong hindi na ako nakahinga nung tumigil ito mismo sa may banda ko, at lumingon sa pintuan kung saan ako nakasilip bago ngumisi.

Nanginig ang kamay kong nakahawak sa door knob, at do'n ko lang namalayang hindi na pala ako humihinga nung nakaalis na ito.

Napapikit ako ng madiin. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko, at may namumuong bukol sa lalamunan ko.

Bakit ganito? Iba ang pakiramdam ko, at gusto ko itong tanggalin dahil hindi ko ito nagugustuhan.

Iwinaglit ko nalang ang iniisip, bago dahan dahang lumabas at tinahak ang opisina ni Sabirah.

Kinabahan nga ako, at baka nandiyan pa rin ang aswang at hinihintay lang akong lumabas. Buti nalang at umalis na talaga ito.

Hindi pa man ako nakapasok sa opisina ni Sabirah ay nakita ko na itong may kausap sa telepono. Mukha itong problemadong problemado, at may mababakas din sa mukha niya na... Galit?

Hindi ko alam, pero madilim din ang mukha niya, at ramdam ko ang pagdaloy ng kilabot sa katawan ko habang nakatingin dito. Parang ibang-iba sa alam kong Sabirah. Nakakatakot..

"I don't care about my name, dad! Fuck. I'll fix this tomorrow, I won't let him ruin her dream. Us."

Mayroon siyang sinabi sa kausap niya, pero hindi ko na ito narinig.

Nung naramdaman niyang may tao, lumingon siya sa direksiyon ko at nagulat, bago nagpaalam sa kausap at lumapit sa akin.

"Baby.." Malambot niyang sabi.

Malayong malayo ang itsura niya nung ako na ang tinawag at kaharap niya.

Kung kanina ay halos maglinya na sa madiin na pagkunot ang kaniyang kilay, at may madilim na mga mata na nakakakilabot salubungan. Ngayon, malambot na ang kaniyang mukha at boses, wala nang mababakas na kahit anong hindi magandang emosiyon.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now