Chapter 2

32.1K 1K 595
                                    

Ashari's

Kasalukuyan akong naghahanda para sa unang araw ko sa kolehiyo.

Kaka-eighteen ko palang noong huli at medyo nae-excite na ako sa unang araw ko, bilang isang ganap na kolehiyo.

Business Administration and napili kong program dahil inspirasiyon ko si nanay. Tutuparin ko kasi talaga ang pangarap ko para sa kan'ya at naging pangarap ko narin, at 'yun ay ang makapagpatayo ng sariling pastry para sa aking nanay.

Siya ang magiging baker, habang ako naman ang magmamanage para mapalago ang aking itatayong pastry para sa kaniya.

Susuklian ko ang lahat ng mga sakripisiyo na kan'yang ginawa, hindi dahil feeling ko ay obligado ako para gawin ito, ngunit sa kadahilanang mahal ko ng sobra sobra si mama. I will give her the things she deserve, when I'll soon have the money to purchase those things.

"'Ma, una na po ako." Sabi ko kay mama at lumapit dito para magmano.

Binigyan niya ako ng ngiti bago tumango, pagkatapos kong magmano.

"Ingat ka, Ash, ha? Ito, oh, pamasahe at baon mo. Naglagay narin ako ng banana cake sa bag mo, meryenda mo mamaya." Napangiti ako sa sinabi ni mama.

Favorite ko talaga ang banana cake niya eh.

"Thank you po, 'ma." Tumango lang ulit ito, at umalis narin ako.

Kinuha ko ang bag kong hindi pa masiyadong mabigat dahil dalawang refillable binder lang naman ang laman, A5 and B5 size binder, a sketch pad, pencil case, t'saka 'yung container na may lamang banana cake at lunch ko.

Nagpabaon narin ako ng lunch kasi baka ginto ang tinda sa canteen doon. Para maka-save narin ako ng pera, lagi nalang akong gipit eh. Bibili nalang ako ng sabaw, kung sakali mang may natipuhan ako doon.

Good person kasi ako, hindi magastos. Hindi gaya ng mga ibang tao na kahit wala nang pera, todo bili parin.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid patungo sa terminal ng jeep. Bale, dalawang byahe patungo sa school, at pauwi ng bahay. Mas nakakatipid ako, kaysa mag-angkas. Mahal kasi kapag angkas, parang nilanay na gold 'yung gasolina eh.

College of the North, ito ang nabasa ko sa itaas ng gate. North kasi 'tong lugar namin, kaya siguro napagtripan ng may-ari na 'yan nalang ang ipangalan kasi tinatamad din siya mag-isip ng iba pa.

Mahirap naman kasi kapag College of the West ipapangalan niya, tapos nasa North kami diba?

This school is not that big, understandable since our place is province. That's why, there are only limited course that you can choose, although private school ito kahit hindi gaanong kalakihan.

Sa totoo lang, kumuha ako ng exams online sa gusto kong paaralan na wala rito sa probinsiya. Nag-apply ako bilang scholar, mataas ang kompiyansa ko dahil malaki naman ang grades ko, pero siguro ito ang nakatakda sakin.

Hanggang ngayon kasi ay wala paring balita. Inanay na ata 'yung letter at 'yung exams na tinake ko eh.

Nagkibit-balikat nalang ako, okay narin 'to. Importante ay makakapag-aral ako.

Kaso, wala ngang uniform sa school na ito ay may dress codes naman para sa mga babae at lalaki. Pati haircut ng lalaki, make-ups, even earings! Nagpapahalata na homophobic eh.

Kesyo dapat daw na hanggang tuhod 'yung skirt, at babae lang nakakapagsuot no'n. 'Yung buhok ng lalaki ay naka clean cut, at dapat ganito gan'yan.

Imbes na problemahin ulit ito ay nagpatuloy nalang ako sa pagpasok. Ipinakita ko lang sa guard ang enrollee sheet ko, at pinapasok na nila ako.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now