Chapter 11

25.7K 870 243
                                    


Ashari’s

Kasalukuyan kong tinutulungan ang nanay ko sa paglalagay ng cake sa kahon nito.

Marami ang nag order sa kanya ngayon, kaya tinulungan ko na ito. Tatlong order ang ide-deliver niya.

Simula nung magsimula ang pasukan at may mga estudyante at propesor na naging interisado sa cake namin, marami nang order na natatanggap si mama.

Lumalago na ang business niya, sa katunayan nga ay narinig ko na may plano na siyang magsimula sa pagtayo ng sarili niyang shop.

Wala naman akong tutol do’n, dahil kapag nakatapos ako ay pwede ko itong mas lalong palaguin, pero sabi nga niya ay mahaba pa ang daan na tatahakin niya sa pag-iipon.

Hindi naman nagmamadali ang aking nanay, kaya lalo akong naging pursigido na abutin ang pangarap ko kasama siya.

“Ako na maghahatid ng iba, ‘nay.” Sabi ko rito.

“Wala ka bang gagawin?” Umiling ako.

“Wala po, tsaka intrams po naming boung linggo simula lunes, kaya wala kaming masyadong gawain, pwera nalang sa pagbabantay ng booth ng class, at ‘yung ibang may sport na sinalihan.”

Wala rin kasi akong sinalihan ni isang sport. Wala naman kasi akong talento diyan, kung may laro sana para sa mga magaganda, baka pwede pa. Charot lang.

“Ikaw, wala ka man lang bang sinalihan na sport ni isa?” Napanguso ako sa harap ng aking ina.

“Alam niyo naman pong wala akong talento diyan.” Tinawanan ako nito.

“Hayaan mo, ‘nak, maganda ka naman,” pambobola nito, na sinabayan ko rin.

“Siyempre naman, ‘nay.” Tapos nagpogi pose pa ako sa harap niya.

“Maganda rin hanap,” pareho kaming natawa.

Sobrang bukas ko sa nanay ko tungkol sa kasarian ko, at sa iba ko pang sekreto, kaya masaya akong suportado ako nito.

“Wala ka bang napupusuan ngayon, Ash?” Maya-maya ay nagtanong ito bigla sa kalagitnaan ng paghahanda naming ng cake, ready nang i-deliver.

Natigilan ako sa tanong nito, at pagkarinig ko ng salitang ‘gusto’ ay may isang babaeng biglang sumagi sa isip ko, at nagpakabog sa puso ko.

Napa-iwas nalang ako ng tingin sa nanay kong ngayon ay mapang-usisa na nakatingin sakin.

“W-Wala pa po?” Hindi ko alam bakit naging patanong ang pagkasabi ko nun, hindi sigurado.

Hirap akong magsinungaling, lalo na pagdating sa nanay ko.

“Hindi ka sigurado?” Mas lalo kong iniwasang tignan ang nanay ko.

“Hindi ko po alam, 'ma. Hindi po ako sigurado..” Pag-aamin ko rito.

Hindi ba talaga sigurado, o ayaw ko lang tanggapin at aminin?

Hindi kami akma sa isa’t-isa, kaya natatakot ako. Natatakot akong husgahan, natatakot akong masaktan.

“Sino ba ang unang pumasok sa isipan mo kanina nung tinanong kita? Kasi, ‘yun ang kasabihan, eh, na kapag tinanong ka kung sino ang gusto mo, ang una raw papasok sa isip mo ay siyang gusto mo. Kaya, sino ba?” Napakagat ako sa dila ko, pinipigilan ang ano mang salitang posibleng lalabas.

Umiling nalang ako kay nanay, na mukhang naintindihan niya naman. Nginitian niya ako, kaya sinuklian ko ito ng tipid din na ngiti.

“Normal lang na maguluhan ka, Ash, lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na hindi mo itinanggi na may nagugustuhan ka.” Hindi ko kasi sinabi kay mama ang mga naging crush na babae ko noon, pero sinabi ko na sa babae lang ako nagkakainteres, at hindi sa mga salungat na kasarian.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now