Chapter 20

28.3K 864 366
                                    


Just a little information, I removed a detail on Chapter 18. Hindi kasi siya connected sa mga naunang chaps, pero isa lang naman, ang I apologize about it kasi nagkakagulo lang utak ko at nakakalimutan na ang nangyayari sa previous chaps AHAHAHAH.

Ashari's

Walang paglagyan ang saya ko.

Wala nang iba pang mas ikakasaya at ikinaganda sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng taong mahal mo.

Hindi ko talaga alam kung kailan ko siya sinimulang mahalin, pero alam ko lang ay ngayon ko lang totoong naamin sa sarili na totoong mahal ko nga talaga siya.

"Let me take you home," napalingon ako nung nagsalita ang taong nasa gilid ko ngayon at kasalukuyang nakayakap parin sakin.

Hindi ko na alam kung anong oras na, isa lang alam ko, pasado hating-gabi na.

Kanina pa kami tapos sa aming pag-uusap at hinayaan ko lang siyang yakapin ako, pagkatapos ng munting saluhan namin kanina ng halik. Sobrang gaan sa pakiramdam, para akong lumulutang.

Ang yakap niya ay nagbibigay ng init, nabibigyan ako ng seguridad sa mga bisig niya. Sapat na sapat na siya..

"Okay po," sagot ko nalang at hinihintay siyang bitawan ako.

Pagkatayo namin ay inakay na niya ako palabas. Tahimik kaming pareho sa daan, pero isang kompotableng katahimikan. Dinadama ang presensiya ng bawat isa.

Nakasiklop ang kamay namin sa isa't-isa, at nakangiti ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin ay lumingon ako sa kanya.

"Una na po ako, good night po." Sabi ko nang may ngiti sa labi. A genuine smile.

I saw her cheek reddened, and how she failed to suppress her smile, too.

Dumukwang siya palapit sakin at pinatakan ang noo ko ng magaang halik.

"Good night, baby. Sleep well, I love you."

Mas lumawak ang ngiti ko sa narinig, bago ko rin tinaas ang aking mukha upang maabot ang kaniyang noo.

"I love you too, Sabirah. Good night and have a good night sleep."

Bumaba na ako ng tuluyan pagkatapos at hinintay pa na makaalis ang kotse niya, bago ako pumasok sa bahay.

Sa sobrang saya ko ay nakatulog ako ng may ngiti.

Maaga akong nagising at may ngiti sa labing lumabas, pagkatapos kong mag-ayos at magpalit para sa school.

"Maganda umaga, 'nay!" Bati ko sa nanay ko pagpakita ko niya sa may lamesa, naghahanda sa umagahan namin.

Nakita kong bahagya siyang napatalon nung marinig ako.

"Jusko kang bata ka! Ginulat mo ako, ang lakas pa ng boses mo!"

Natawa nalang ako, tsaka ako lumapit upang tulungan siya sa ginagawa.

Pagkatapos ay nagsabay kami ni nanay kumain, tapos medyo nacree-creepyhan ako sa kanya kasi kita sa gilid ng mata ko bmna kunot ang noo niyang tumitingin sakin.

Titingin sa akin, babalik sa kinakain, at titingin ulit, tapos balik sa kinakain ulit.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili at kunot-noo ring tinignan siya pabalik.

"May dumi ba sa mukha ko, 'nay?" umiling siya.

"Wala, pero may iba sayo ngayon."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now