Chapter 19

23.7K 884 245
                                    

This chapter contains and shows the honor of having this wonderful day, the day of freedom, Independence day. We all have the freedom to love, despite what gender. Happy Independence Day again, everyone!🇵🇭

Ashari's

Nanlaki ang mata ko nung mapagtanto nga siya nga iyon, kaya hindi na ako nag-abalang magreply at dali daling lumabas ng bahay.

Nakita ko siyang nakasandal na naman sa sasakyan niya, nag-aabang, at sa kabila ng kadiliman dahil lumalalim na ang gabi, nakita ko kung paano nabuhayan ang pagod niyang mata nung makita ako sa kabilang dako ng kalsada.

Wala nang masyadong sasakyan, kaya tumawid na ako at lumapit sa kanya.

Pagkalapit ko palang ay hinigit na niya ako palapit at niyakap ng mahigpit.

Nagulat ako, pero kalaunan ay yumakap ako pabalik, habang lumalakas ang kabog sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko mawari kung dahil ba sa normal na epekto kapag malapit si miss, o dahil sa kakaiba kong nararamdaman.

Kaba, pag-aalala, pangamba, at takot.

Mas humigpit ang yakap niya, kasabay nun ang paglala ng kaba ko na parang mayroong nakamasid sa amin..

"Miss?"

"Hmm?" She huskily hummed as an answer.

"P-Pwede po ba tayong pumasok sa loob?" Tukoy ko sa sasakyan niya.

Napakalas siya ng yakap sakin at tinignan ako na nakakunot ang noo.

"Why? Are you feeling cold?"

Kahit ayokong magsinungaling, tumango ako.

"Okay," sagot niya.

Sabay kaming umikot sa kabilang pintuan ng sasakyan niya, nakasunod siya sakin para pagbuksan ako.

Bago niya buksan ay dumukwang siya para sana magnakaw ng halik, subalit mabilis ako at iniwas ko agad ang  aking mukha.

I saw how her jaw clenched, and how her knotted forehead got more prominent. Pinapahiwatig na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Pero, sinadya ko 'yun. I suddenly don't feel safe, at all...

Yumuko nalang ako, at ako na ang kusang bumukas ng pinto para pumasok sa loob.

Nakita ko siya sa bintana na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko, bago siya padabog na umikot ulit at napapikit ako nung padabog niyang isara ang pintuan nung nakapasok siya.

Bubuksan niya sana ang ilaw ng sasakyan niya, ngunit pinigilan ko siya.

"What the hell—" I cut her off using my lips.

She was taken aback. Mas lalo kong linapit ang mukha at katawan ko sa kanya, hanggang sa hindi ko na napigilan ang sariling umupo sa kandungan niya.

"Ash—" mas linaliman ko ang halik, hanggang sa naramdaman kong onti-onti siyang nanghina.

Dumapo ang kamay niya sa magkabila kong bewang, at humalik pabalik na mas agresibo.

Nung naubos ang hininga ay bumitaw kami sa labi ng isa't-isa, tsaka ko siya niyakap at isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"Sorry," mahina kong bulong sa kanya.

"Are you drunk?"

Kaagad akong napalayo sa kanya at nanlalaki ang mata na tinignan siya.

Nakikita naman namin ang isa't-isa kahit madilim.

"Po?! Hindi," kaagad kong sabi.

Dumilim ang mukha niya.

Unceasingly, Promise (GxG)Where stories live. Discover now