Oh? A scammer is not afraid to be scammed huh? Tss. Isa pa 'yon, kahina-hinala na. Hindi basta-basta nagtitiwala ang mga totoong taong takot ma-scam.

I opened my ear piece and talk to lei through it.

“Success. I am already watching him doing his job.”

I heard him sighed on the other line. “This shit is really a shit.”

Napatawa ako sa reaction niya at napasubong muli ng donut. Kitang-kita ko roon ang itsura ng lalaking kung unang tingin ay pagkakamalang inosente. Sa half screen ng laptop ko kinukulikot nito ang kaniyang selpon, kachat si lei. Sa kabila naman ay kitang kita ang itsura niya habang nagtatype. Ang inosenteng mukha ay nakangisi na ngayon ng parang demonyo. Maya-maya'y sinabi na ni lei na may nagsend na ng email sa spam niya.

Inopen ko ang ss niya sa aking selpon. Napairap ako. Hindi parin niya pinalitan ang email, what a dumb. Napangisi ako ng may naisip.

“Where are you?”

He sighed from the other line. “Canteen. Watching this jerk.”

“I have another plan.”

Hindi ako nakakuha ng sagot sa kabilang linya kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

“I'll revert the twist.” i smirked.

I will scam the scammer.

Hinintay kong bumukas ang pinto ng secret room na ito.

“Done?”

Tumitig ito sa akin. “You did a great job.”

I smirked a little. Ang screen record na nirecord ko ay nasa kamay na ngayon ng pulisya. Marami nang mga ebidensya patungkol roon sa scammer na iyon. Habang hinihintay kanina si lei ay isinulat ko ang pangyayaring iyon sa aking personal blog.

“Now, deal?” nawala ang ngisi sa labi ko.

Bumalik ang sinabi niya kahapon sa akin. Hindi nito ako pinatulog dahil sa pagtataka. Talagang idinamay niya ang ama ko sa kalokohang ito. Alam niyang ama ko ang bise mayor na iyon, ngunit anong akala niya sa akin? May pakialam roon?

“I don't care if the vice mayor is involve to what you are talking about.” i seriously said.

“I guess i need to use this for the case and for you to help me.”

Lumapit siya sa isang bakal na drawer. Ngayon ko lang rin napansin ang paligid ng secret room na ito. Punong-puno ng mga libro ang tatlong bookshelf. May dart board na nakasabit sa pader. Sa isang banda naman ay bulliteen board na punong puno ng sticky notes na may mga nakasulat na hindi ko maintindihan, may mga pictures, maps, pins, articles at may red strings pang nakasabit sa mga pins. Typical na pang detective.

May kinuha siyang isang brown folder roon na ibinigay niya sa akin pagkatapos. Nagtataka man ay binuklat ko ito. It's a photo of my father and his. On the photo, nangangampanya sila pero ang hindi ko maintindihan ay ang red dots na nasa kaliwang dibdib niya. Para itong isang lacer pero pag tinitigang mabuti para itong isang marker pen na sadyang isunulat. This photo was taken on the day of their campaign. Nakangiti si papa roon kasama ang mayor. Tinitigan ko 'rin ang mayor. Gaya ng sa bise mayor, mayroon ring red dots dito pero hindi sa kaniyang puso nakatuldok, kundi sa kaniyang noo. My forehead creased. What is this for?

“And? I don't care about him.” matigas ko paring saad.

Seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Kasangkot ang ama niya rito, hindi na ako magtataka kung bakit gaanon niya nalang gustong resolbahan ang kasong ito. Tss.

“Look at the other pictures.” tinitigan ko siya bago walang ganang binuklat ang ibang litrato.

Kung akala niya'y mababago ang desisyon kong tulungan siya sa kung ano mang kasong ito ay nagkakamali siya. Wala akong pakialam kung damay—i stop flipping the photos and stared at the fourth one. My brows furrowed out of curiousity. Niloloko ba ako ng isang ito?

“Bakit may litrato ang mama ko rito?”

Nang nagfunction sa akin ang ibig-sabihin ng litratong iyon ay nanginginig ang mga kamay na nabitawan ko ito. On that picture, my mother was lying on a bed, unconscious. But what made me horrified is that, my mother is their subject for experiment. Madaming mga makina ang nakasaksak sa iba't-ibang katawan nito. Mababakas sa kaniyang mukha ang paghihirap kahit pa walang malay. May malaking aparatu sa kaniyang gilid. May isang flat screen sa kaniyang ulunan at may mga hindi ko maintindihang imahe o ano man ang napapanood roon. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Mukhang bata pa lamang siya sa imaheng iyon upang maging subject!

“Pinaglololoko mo ba ako?! Ginagawa mo ba ito para mapasama ako sa mga walang kwentang katarantaduhan mo?!” galit na sigaw ko rito. Nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

My mind was telling me, it was just a lie. He's using this nonsense for me to join force with him. If this is all a lie, i'll swear. I'm gonna make his life a living hell. Pero hindi man lang ito natinag sa galit ko. He's just standing right there, watching me seriously without any emotion and any glint of jokes in his mysterious purple eye. What the fuck is this for?!

“You're intelligent. You know the edited pictures and the real one. You're not called a hacker for nothing.” kumuyom ang dalawang kamao ko. Huminga ako ng malalim at iniwasang mahulog ang mga luhang nagbabadya na sa aking mga mata. Pumikit ako ng mariin at sa pagdilat ko'y tinitigan ko siya ng matalim.

“Give me more details...”

• • •

WARNING: THE HACKER SERIES (CIPHER CHRONICLES) I HAVE WRITTEN IS NOT INTENDED TO PROMOTE OR GLORIFY HACKING IN ANY WAY. INSTEAD, IT AIMS TO EXPLORE THE FASCINATING WORLD OF TECHNOLOGY, SOLVING MYSTERIES, AND SHARING KNOWLEDGE THROUGH A LENS THAT MAY INVOLVE HACKING ELEMENTS.

Beware to this email. It's a scam. Look at the picture above.

(Edited)

Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)Where stories live. Discover now