CHAPTER 25

634 18 0
                                    

[CHAPTER 25]

KAHIT anong pagpapaliwanag nya ang sabihin nya ay hindi na ako maniniwala sa kanya kahit umiyak pa sya ng dugo wala na akong pakialam. Tama lang ang desisyon ko na paalisin sya sa kwarto ko at sinabi na wala akong pakialam sa kanya. Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos! aaminin ko ay inisip ko ang mga sinabi nya sakin. Kaya naman ng magising ako ay tulala ako. Pagkalabas ko ng kwarto para kumain sa dining area ng hotel na ito kasama sina Olivia at Emerald ay tulala parin ako. Nawalan ako ng gana kaya naman nagpaalam na ako sa kanila na maglalakad-lakad lang ako sa tabing dagat at ganun nga ang ginawa ko pinagmasdan ko ang alon na hindi naman gaano malakas.

"Margaret!"napalingon ako kay Yohan na papalapit sakin. Tanging short lang ang suot nya lantad ang malapad nyang dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong nya ngumiti ako sa kanya dahilan para mas lalong mamula ang mukha nya.

"Nagpapahangin lang ikaw?"napakamot sya sa ulo nya at parang nahihiya.

"Jetski sana ako gusto mong sumama?"namumula na ang buong mukha nya may gusto ba sya sakin? o sadyang ganyan lang talaga sya.

"Oo naman!"napasuntok sya sa hangin at tuwang-tuwa agad nyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko at hinila ako papunta sa jetski. Napangiti nalang ako pero agad din iyon naglaho ng makita sina Hidalgo at Alice na mukhang ma je-jetski rin. Kahit si Yohan ay napahinto sa paglalakad. Matalim ang mga mata na tinignan ni Hidalgo ang kamay ni Yohan sa pala-pulsuhan ko.

"Lest go Margate!"hila sakin ni Yohan agad nya akong inalalayan para makaupo. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-alalay din ni Hidalgo kay Alice pero ang mga mata nito ay nakatingin sakin. Napatikhim nalamang ko nang sumampa na si Yohan sa likod ko.

"Bakit hindi tayo magkarera?"tanong ni Alice nasisiraan na ba sya.

"Salamat nalang pero baka may mangyari na masama!"saad ni Yohan pero napatingin ako sa nakangising labi ni Hidalgo at mukang aasarin nya si Yohan at hindi nga ko nagkamali.

"Bakit natatakot ka ba na matalo kita?"nakangising tanong ni Hidalgo nagsalubong ang dalawang kilay ni Yohan pilit syang tumawa.

"Hindi pare concern lang ako kay Margaret baka anong mangyari sa kanya!"nakangiting saad ni Yohan mukhang napahiya si Hidalgo sa mga sinabi nya dahil tinikom nya ang bibig nya at umigtig ang panga.

"Sige!"pagpapaalam ni Yohan at umalis na nga kami. Sumampal sa mukha ko ang hangin linilipad narin ang buhok ko.

"Ayos kalang ba Yohan?"tanong ko sa kanya rinig ko ang pagtawa nya.

"Oo naman ayos ako, bakit ko natanong?"napalingon ako sa likod namin hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang takot itsura ni Alice mukhang natatakot ito dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Hidalgo para na silang lilipad.

"Margaret!"agaw pansin sakin ni Yohan napatingin narin sya sa tinitignan ko.

"Naging ex mo ba ang lalaking yun?"dahil sa tanong nya ay napalingon ako sa kanya. Wala namang kami ni Hidalgo noon hindi ko alam kung anong status na meron kami baka f*ck buddies ganun. Umiwas na ako ng tingin kina Hidalgo at Alice na kahit hindi ko man sya nakikita ng malapitan ay alam kung namumutla sya sa takot dahil mabilis na pagpapatakbo ni Hidalgo.

"Hindi ko sya naging ex!"malamig kung saad.

"Ganun ba pasensya na ang dami kung tanong!"humakhak sya sa sabi nya pupunta daw kami sa kabilang isla hindi namn daw mahirap dumaan doon dahil hindi naman malakas ang alon. Nang makarating kami ay namangha ako sa ganda nito hindi man sya kalakihan nasa gitna sya ng dagat ay masasabi kung sobrang ganda nito. Inalalayan nya akong makababa sa jetski ramdam ko ang sa mga paa ko ang buhangin. Langhap ko rin ang sariwang hangin hindi naman pala kaming dalawa ni Yohan ang nandito may mga turista din na kumukuha ng larawan at pinagmamasdan ang mga pagong.

"Wow ang ganda dito Hidalgo!"dumating naman pala sila agad akong hinila ni Yohan para mapalayo doon. Dinala nya ako sa mga turista na kinukunan ng larawan ang pagong hindi ko narin mapigilan ang mapangiti dahil sa sobrang cute nila ang liliit mukhang mga baby pa.

"Ang cute Margaret no?"nakangiting tanong ni Yohan.

"Oo nga sobrang liit nila!"saad ko.

"Look Margaret meron din palang starfish dito"napalingon ako sa kanya at tinuro ang limang starfish lumapit ako, pinagmasdan ko din ang mga ito sobrang ganda talaga. Kung marunong magpahalaga ang mga tao sa kalikasan siguro maslalong gaganda pa ito. Pero hindi dahil sinisira nila ang mga ito tulad nalamang ng pagputol ng mga puno at paggamit ng dinamita sa dagat. Nakalimutan nila na umaasa lamang tayo sa binibigay ng kalikasan pero ginagawa nila ang sarili nila bilang isang diyos. Their manipulate the environment and the living things in this word. Creating a something that can ruin the nature. Hindi sila marunong makuntento kung anong meron sa kanila. Pati kalikasan ay pinapakialaman nila.

"Margaret ayos kalang ba?"kanina pa pala akong tulala dahil sa iniisip ko. Umayos ako ng tayo at ngiting napalingon sa kanya.

"Ayos lang ako Yohan tarana maligo tayo!"sabay hila ko sa kanya. Meron naman akong swimsuit sa ilalim ng dress ko. Nasalubong pa namin si Alice at Hidalgo na ang sama ng tingin kay Yohan pero hindi nalang namin sila pinansin. Agad kung hinawakan ang dulo ng dress ko at dahan-dahan iyon hinubad kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag iwas ng tingin ni Yohan ng naghubad ako. Mukha hindi sya sanay na merong babaeng humuhubad sa harapan nya baka naman ay naiilang sya sakin. Mabuti pa sya ay nakakaramdam ng hiya samantalang si Hidalgo ang kapal ng mukha umiling ako dahil inisip ko sya.

Linapag ko ang dress ko sa buhangin st agad na hinila si Yohan sa dagat tawang-tawa sya dahil sa sobrang pananabik ko. Minsan kailangan ko din maging masaya. Umabot ng bewang ko ang dagat samantalang kay Yohan ay hindi masyado dahil matangkad sya.

"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend Yohan?"tanong ko sa kanya bigla syang natahimik at malalim na nag isip kalaunan ay ngumiti sya.

"Wala akong naging girlfriend Margaret pero mga fling oo!"nakangiting saad nya.

"Ibig sabihin hindi ka nagkaroon ng serious relationship sa mga naka fling mo wala kamanlang natipuhan sa kanila?"tumawa sya dahil siguro sa daming tanong ko nagulat ako ng hinapit nya ang bewang ko dahilan para mapahawak ako sa dalawang dibdib nya.

"Wala Margaret at kung magkakaroon ako ng seryosong relasyon sayo lang yun?"nagulat ako sa sinabi nya at lalo na ng inabot nya ang mga labi ko para halikan. Gulat na gulat ang mga mata ko. Napalayo lamang ako sa kanya ng marinig namin ang sigaw ni Alice dahilan para mapatingin kami sa kanila. Mabilis na pinaandar ni Hidalgo ang jetski papalayo sa isla mukhang babalik na sya sa resort na mag isa na hindi kasama si Alice .

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon