CHAPTER 6

1K 20 0
                                    

[CHAPTER 6]

NAPAYUKO ako at umiyak hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingala ako, pinikit ko ang mga mata ko pagod na pagod na ang katawan ko pero itong utak ko hindi napapagod dahil ayokong sumuko! ayoko kung iwan ang kapatid ko. Wala akong pakialam kung kanina pa ako dito sa loob ng banyo at hinayaan ang tubig galing sa shower na bumagsak sa hubad kung katawan.

"Hindi ka pwedeng sumuko Margaret para sa kapatid mo ang lahat ng ito kailangan ka nya"sabi ko napalingon ako sa pinto ng kumatok sya inayos ko ang sarili ko binalot ko ng tuwalya ang hubad kung katawan. Nasundan pa iyon pagkagising ko. Salubong ang dalawang kilay nyang tumingin sa akin.

"Pasensya na kung natagalan ako"sabi ko pero tinalikuran nya lang ako napatingin ako sa kanya. Kinuha nya ang cheke sa drawer at may sinulat sya at nilahad yun sa akin. Akmang kukunin ko na iyon nang hinulog nya sa sahig. Naikagat ko ang pang-ibabang labi ko yumuko ako at pinulot ang tseke sa sahig.

"Hindi naman pwede na umasa kalang sa pera ko!"tamad nyang sabi tumayo ako.

"Nangangailangan ng janitor ang kompanya I think nabibigay ka doon!"tumalikod sya sa akin, inayos nya ang nicktie nya sa harap ng salamin. Tumingin ako sa tseke 200 thousand iyon.

"Kung aasa ka lang sa katawan mo baka magsawa agad ako at hindi na kita kailanganin pa!"malamig nyang sabi mahigpit kung hinawakan ang tseke dahil sa natatanggap kung insulto sa kanya.

"What do you think?"nandoon parin ang tingin nya sa salamin. Tama naman sya hindi ako pwedeng umasa sa kanya.

"Kung saan ako kikita ng pera papayag ako!"sabi ko napalingon sya sa akin.

"Nakikita ko naman!"pang-iinsulto nya ulit sa akin. Hindi nya na ako hinatid pinasakay nya nalang ako ng taxi. Napatingin ako sa bintana kung noon sana ay pumayag na ako sa alok nya ay baka hindi ganito ang naging kapalaran ko.

Pero wala naman syang pinagkaiba sa ibang lalaki. Kailangan nya ako noon dahil virgin pa ako pero ngayon ng malaman nyang hindi na at naunahan sya ay sobrang galit nya sa akin.

Pareho-pareho lang sila wala syang pinagkaiba sa mga lalaking binaboy ako. Bumaba na ako sa kotse binigyan nya ako ng cellphone tatawagan nya nalang ako pag kailangan nya ang katawan ko. Pagkarating ko sa hospital ay agad akong pumunta sa reception at binayaran ang utang ko, kunti lang ang nabawas marami pa akong dapat bayaran. Mahigpit kung hinawakan ang kamay ni Atom. Napangiti ako ng makita ang pilit nyang pagngiti sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat Atom pinapangako ko"dahan-dahan syang tumango ayoko kung umiyak sa harapan nya dahil ayoko kung maramdaman nya na nanghihina ako baka sisihin nya ang sarili nya kung bakit ganito ang buhay ko ngayon.

"Mag pagaling ka Atom ikaw nalang ang meron ako hindi ko kakayanin na mawala ka! hindi ko kaya"mahigpit nyang hinawakan din ang kamay ko at ngumiti. Namumutla ang mga labi nya at pumayat sya.

Sana ako nalang!

Sana ako nalang yung nakaratay imbis sya. Nagpaalam ako ng magbabanyo ako kahit ang totoo at gusto kung umiyak. Kumulong ako sa banyo at doon binuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napasubsob ako sa palad ko ang sakit sobrang sakit ng makitang naghihirap si Atom ng ganun. Pinunasan ko ang mga luha ko ng tumunog ang cellphone na bigay ni Hidalgo. Sya ang tumatawaa.

"Bakit?"

"Pinasok na kita sa trabaho at ngayong umaga ka magsisimula"

"Sa-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng agad nyang pinatay ang linya. Kailangan ko ng masanay sa ganung trato nya sa akin. Lumabas na ako ng banyo at nagpaalam kay Atom na magtratrabaho na ako binabatayan naman sya ni Aling Loreta at binayaran ko rin ang matanda dahil sa pagaalaga nya kay Atom.

Nang marating ko na ang kompanyang na pag ma may-ari nya pala ay agad na binagay sa akin ang uniporme para sa janitor. Malapit na ako mag 18 at malapit narin ako mag birthday hindi parin nawawala ang pangarap ko na muling makapag aral kahit sobrang malabo na para sa sitwasyon kung ito.

Naka assign ako ngayon sa dalawang palapag, ang kompanya palang ito ay para sa mga trabahong kumukuha ng law. Napahinto ako sa pag mop ng dumaan ang grupo ng mga kababaihan. Napabuntong ako ng kakatapos ko lang linisan ay madumi na naman ulit. Hindi ka pwedeng sumuko Margaret hindi pa.

Inabala ko nalang ang paglilinis ko nang biglang kumulo ang tyan ko wala pa akong kain simula kagabi dahil nagtitipid ako ngayon. Napayakap ako sa tyan ng makita ang mga iba na kumakain na napatingin ako sa malaking orasan alas-dose na pala! oras na pananghalian pero wala naman akong pera dahil yung binagay ni Hidalgo ay agad kung binayad sa hospital. Niyaya ako ng iba kung kasamahan na kakain sa canteen tumanggi ako at nagpalusot na kumain na ako kahit hindi pa. Nagkulong ako sa storage room napatingin ako sa basurahan. Napalunok at naglakad papalapit doon humalungkat ako doon habang nanlalabo na ang mga mata ko.

Linunok ko na ang pride ko napatingin ako sa burger na nakabalot agad ko iyon kinuha sa basurahan malinis pa naman kahit papano. Umupo ako sa may pinto at umiyak habang kumakain. Kakayanin ko ang lahat para sa kapatid ko kahit mag tiis ako sa gutom  para sa kanya.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak habang kumakain. Dito lang ako hanggang matapos ang break namin. Tumayo na ako at inayos ang sarili magsisimula na naman ako ulit magtrabaho at sa pang-limang palapag ang sunod kung nasaan nandoon ang opisina nya. Kumatok ako pero walang sumagot dahan-dahan ko iyon binuksan ng makaranig ako ng ungol ng babae. Nabitiwan ko ang doorknob ng marinig ang na inugol ng babae ang pangalan ni Hidalgo.

Napapikit ako hanggang kailan ko kakayanin ang lahat hanggang kailan.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu