CHAPTER 1

1.9K 40 0
                                    

[CHAPTER 1]

2 weeks ago~

GANUN parin ang trabaho ko ang magsuot ng maiksing palda, pumasok sa bar at mag-aalok ng sigarilyo, alak sa mga customer. Pilit ang mga ngiti ko habang nag-aalok ng sigarilyo sa mga lalaki kahit nababastos na ako at gusto ko silang sapakin ay nagtimpi ako para sa pera. Pagod na pagod ako ng umuwi sa bahay pero ng makita ko ang kapatid ko na si Atom anim na taong gulang kung kapatid na lalaki ay nawala ang lahat ng pagod ko.

"Kamusta ang baby boy ko!"saad ko at hinaplos ang matambok nyang mukha. Ngumiti sya at sumubsob sa dibdib ko. Lahat ay gagawin ko para sa kapatid ko kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Si Aling Loreta ang nagbabantay sa kapatid ko. Mabuti nalang ay napadpad ako sa paupahan ng bahay nya dahil kung hindi ay baka double ang bayad sa renta. Nagpapasalamat nga ako sa kanya kahit minsan ay hindi ako nakakabayad sa upa ay ngumingiti pa ang matanda at inaalagaan ang kapatid ko.

"Siguro pinanggigilan ka na naman nila no"sabay haplos ko sa mahabang buhok ni Atom. Paglaki nito tsak ay maraming babae ang iiyak at maghahabol sa kanya. Dahan-dahan akong napahiga sa kama napangiti ako ng makita ang mahimbing nyang tulog sa dibdib ko hanggang sa nilamon narin ako ng dilim at nakatulog.

Nagising ako na merong sumampal sa pisngi ko. Umiling ako ng makita na si Atom iyon mukhang nagugutom na sya. Bumangon ako at kinarga sya.

"Gutom na ang baby na pasaway, wag kang makulit kay Aling Loreta iiwan kita sa kanya"inosente lamang ang mga mata nitong tiningnan ako. Anim na taon na sya pero hindi parin sya nagsasalita pina check up ko na sya pero sabi ng doctor baka ay hindi pa nakaka-recover ang bata sa trauma. Napabuntong ako ng maalala ang nakaraan kahit ako at ay na trauma umiling ako at kinalimutan iyon.

Pagkatapos kung maluto ay pinakain ko na sya. Kailangan ko ng magmadali dahil meron pa akong trabaho nag de-deliver ako.

"Aling Loreta salamat talaga ito ang pera pag may gusto syang bilhin ay ibili mo nalang"humalik ako sa pisngi ni Atom at tumakbo hindi ko na pinansin ang mga tambay na binabastos ako wala akong panahon para patulan sila. Pagkarating ko sa tindahan ay agad akong nasermunan.

"Late ka nanaman"sigaw ni Madam Lorinda.

"Ito ang bag maraming tawas ang laman na yan idala mo sa addresses na ito"sabay bigay nito sa akin napayakap ako sa malaking bag"Ingatan mo yan kung hindi malalagot ka"at pinandilatan pa ako nito.

"Opo"umirap ako ng tumalikod na ito sa akin akala mo naman ng laki ng binabayad nya sa akin. Tirik ang araw mukhang masusunog na talaga ako nito ng tuluyan sayang yung kojic na ginagamit ko.

"Ano ba"sigaw ko dahil merong nakabunggo sa akin hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng sumbrero. Agad kung pinulot ang bag kahit nagtaka ako na parang bumigat ay binalewala ko nalamang iyon. Nang marating ko na ang address ng isang tindahan ay agad kung binagay ang bag at kinuha ang pera.

Napatingin ako sa ulap, pinunasan ko ang pawis ko na pumapatak sa mukha ko. Sobrang init kailangan ko munang magpalamig. Napatingin ako sa nagtitinda ng juice, lumapit ako at bumili, hindi pa nga ako gaano nakasipsip sa straw ng marinig ko ang tindira na pinagdalhan ko ng bag na sumigaw.

"Pulis"sigaw nya pinagmasdan ko lamang ito na sumisigaw, napapatingin narin ang mga taong dumadaan sa harap nya. Ano naman ng problema nito.

"Anong problema?"tanong ng pulis na lumapit bumulong ang babae at may pinakita na isang sachet.

"Sino ang nagbigay sayo nito?"tanong ng pulis hinanap naman ng babae ang bumigay sa kanya hanggang sa matagpuan nya ako. Gulat ako ng tinuro nya ako.

"Sya mamang pulis ang nagbigay sa akin ng droga"nabitiwan ko ang juice na iniinom ko ng lumapit na ang pulis papunta sa akin.

Anong droga? Tawas ang dinala ko!

Nataranta ako kaya tumakbo ako pero agad din akong nahawakan ng pulis sa braso. Umiyak ako habang pinapasok ako nito kotse hanggang sa marating namin ng presinto ay umiyak parin ako. Wala akong pakialam kahit naririndi na sila sa akin.

"Tumahimik ka nga"sigaw ng isang pulis sa akin pero mas lalo lamang lumakas ang iyak ko.

"I'm Attorney Hidalgo Kyle Fajardo ako ang attorney nya"saad ng kung sino, kinausap nya ang mga pulis. Ilang minuto pa ay binuksan ang kulungan.

"Dumating attorney mo gusto kang kausapin"sabi nito pumasok kami sa isang kwarto. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod sa akin.

"Wala akong pera paano ako magkakaroon ng attorney!"agad itong lumingon sa akin para akong tinakasan ng dugo ng makilala sya, nakangisi ang mga labi nyang tiningnan ako hinawakan nya ang salamin nyang nasa mata at tinanggal iyon.

"Anong ginagawa mo dito?"nanginginig ang mga labi ko na sinabi iyon pati daliri kung nakaturo sa kanya ay nanginginig.

"What I said hahanapin kita!"nakangising sabi nito at dahan-dahan na lumapit sa akin umatras ako, lumapit ako sa pinto at hinawakan ang doorknob pero tangina naka lock.

"Hindi mo yan mabubuksan"malamig nyang saad. Nagulat ako ng kunting distansya nalang ang nasa pagitan naming dalawa.

"I have a proposal to you-"kinalabutan ako ng inabot nya ang pisngi ko at hinaplos iyon tinampal ko iyon pero ngumisi lamang sya.

"Lumayo ka nga sa akin!"saad ko pero hindi sya sumunod maslalo pa syang lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang matangos nyang ilong nahumaplos sa ilong ko. Napalunok ako dahil sa ginawa nya.

"Layo sabi!"nanlamig ako ng hinawakan nya ang pisgi ko.

"Don't be scared sweetheart hindi kita sasaktan"tila nang aakit ang boses nya.

"Ano ba!"bulong nalamang iyon.

"Be my wife and I will help you para makalaya ka!"napanganga ako dahil sa sinabi nya lumapit sya sa tainga ko.

"My Sweet Innocent Wife"sabay dampi ng labi nya sa leeg ko natulala ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt