CHAPTER 23

675 18 0
                                    

[CHAPTER 23]

NASISIRAAN na ba sya kailan pa nagkakaroon ng lagnat ang matinding selos.

Selos?

Sya nagseselos at bakit naman ako maniniwala sa kanya. Isa syang walanghiya mga pakulo lang nya ito para mahulog ako sa patibong nya.

Hindi mangyayari ang bagay nayon dahil sisiguraduhin ko na sya ang mahuhulog sa mga patibong ko at hindi ako. Pagkatapos nyang sabihin na nagseselos sya ay bigla nya nalang pinikit ang mata mata nya hanggang sa marinig ko ng mabibigat nitong hininga. Tinulugan nya ako dapat si Alice ang gumagawa nito at hindi ako pero sa bagay maganda narin ito dahil nai-imagine ko ang nagliliyab na mga mata ni Alice dahil sa sobrang selos.

Tsk!

Napatingin ako kay Hidalgo bigla akong kinabahan ng makita ang pagnginig ng katawan nya nalingat lang ako ng kunti ay ganyan na sya. Agad kung niyugyog si Hidalgo shit hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng takot ngayon dahil sa nangyayari sa kanya.

"Hidalgo!"singhal ko sa kanya bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinigit ako para yakapin. Sumubsob sya sa leeg ko sobrang init nya. Dahan-dahan nyang dinilat ang mga mata nya at hinaplos ang pisngi ko.

"I'm sorry Margaret dumagdag na naman ako sa problema mo"paos na saad nya at sumobsob ulit sa leeg ko. Hinawakan ko ang kumot para ibalot iyon sa katawan naming dalawa.

"Hidalgo!"mahina kung tawag ko sa kanya.

"Hmmm!"saad nya at kiniskis ang matangos nyang ilong sa leeg ko.

"Kailangan mo nang pumanta ng clinic!"seryosong sabi ko umiling sya.

"Dito lang ako sa tabi mo!"paos parin ang boses nya. Wala na akong choice kundi hayaan sya nayakapin ako ng sobrang higpit. Napabuntong nalang ako hindi pwedeng magpa apektado ako dahil sa nangyayari sa kaya dahil ang nangyayari sa kanya ngayon ay mas malala pa sakin. Ilang beses ako nagtakang magpakamatay dahil sa ginawa nyang pangloloko sakin at paglayo nya kay Phantom.

Speaking of Phantom hindi parin kami nakakausap ng maayos na dalawa gustong-gusto ko na syang kausapin at yakapin ng mahigpit. Na miss ko na ang maliit nyang daliri na humahaplos sa pisngi ko at ng ngiti nito. Ngayong binata na sya ay marami na ang nagbabago.

"Margaret I'm sorry!"bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya ilang beses nya iyon sinabi hanggang naramdaman kong namamasa ang leeg ko.

Umiiyak ba sya at nananaginip?

"I'm sorry!"paulit nya iyon binigkas hanggang tumahimik na naman sya ulit. Ilang oras lang akong gising nang maramdaman na tila huminahon na sya ay dahan-dahan kung kinalas ang braso nyang nasa bewang ko. Nagtagumpay naman akong makaalis sa mahigpit nyang yakap inayos ko ang kumot nya at kinuha ang towel na basa para ilagay sa noo nya. Umupo ako sa gilid ng kama at hindi ko na napigilan na haplusin ang makinis nyang mukha. Bigla akong natauhan dahil sa ginawa ko at bigla kung pagngiti kanina.

Ito na naman ako nagpapadala sa emosyon ko kailangan kung tandaan na ang mga plano ko. Bumangon ako at hinayaan sya sa kwarto na matulog.  Madilim na nang makalabas ako. No kaya ng ginagawa ng dalawang iyon buong maghapon kung hindi nakita si Olivia at si Emerald lang ang nakita ko baka umuwi sa Maynila para sa anak nya. Napatigil ako sa pababa sa hagdan kung sino ang nakita ko sa waiting area si Phantom nakasimangot ang mukha nito habang may kausap sa telepono mabilis akong naglakad patungo sa kanya.

"Mi Amor!"saad nya sa malambing na boses bigla akong napangiti dahil marunong na talaga syang ipakita ang emosyonal nya. Bigla syang napalingon sakin sa una ay kumunot ang noo nya hanggang sa nanlaki ang mga mata nya sa gulat.

"Atom!"saad ko sa kanya.

"Tatawag ako mamaya"malamig na ang boses nya binaba nya ang telepono at binulsa iyon. Naglakad sya at tinalikuran ako pero hinawakan ko ng braso nya. Malamig ang mga mata nyang tinignan ako.

"What?"kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at gusto kung umiyak sa harapan nya. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil niyakap ko sya ng mahigpit.

"Namis kita Atom!"saad ko.

"I'm not Atom!"diin nya sa bawat salita at tinutulak ako palayo sa kanya pero hinigpitan ko ang yakap ko.

"Alam kung galit ka sakin!"

"Pwede ba bitiwan mo na ako no ba!"sigaw nya at malakas nya akong tinulak dahilan para mapa upo ako sa sahig. Gulat ang mga mata ko dahil sa ginawa nya ganun din sya. Pinagtitinginan narin kami ng ibang guest.

"Damn"sabay hawak nya sa noo nya at tinulungan akong itayo. Napakapit ako sa braso nya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"malambing kung tanong sa kanya pero inismiran nya lang ako.

"Sige na Atom please!"pagmamakaawa ko.

"Kung tungkol sa nakaraan at pagpatay ng kuya mo sa magulang ko ay hindi na natin kailangan mag usap dahil sinabi na sakin ang lahat!"sumbat nya.

"Ano ba ang sinabi sayo ni Hidalgo?"hindi ko na napigilan ang galit ko dahil sa lalaking iyon kumunot ang noo nya.

"Walang kinalaman dito si Uncle Hidalgo sya pa nga itong nagsasabi sakin na may dahilan ka kung bakit mo ginawa iyon pero si Uncle Xavier sinabi nya ang lahat sakin kung paano mo sinira ang buhay ko at kung paano pinatay ng kapatid mo ang magulang ko!"nangingil na sabi nya.

"Kahit ilang beses sabihin sakin ni Uncle Hidalgo na binayaran mo na ang kasalan mo at nagawa mo lang yun dahil sa sakit mo ay hindi parin kita mapapatawad!"singhal nya at tinalikuran na ako wala na akong nagawa ng lumayo na sya akin. Gulat na gulat ako sa mga sinabi nya. Sinabi ni Hidalgo iyon hindi nya ako siniraan kay Atom kundi si Xavier mismo ang gumawa non. Pinagtatanggol ako ni Hidalgo para mawala ang galit na nararamdaman ni Atom sakin.

Bakit?

At alam nya ang tungkol sa sakit ko.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

SWEET INNOCENT [PLEASURE SERIES 2] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon