Umiling ako. "Wala pa po sya e."

Nagtinginan silang dalawa bago pumasok sa loob.

"I thought he went straight here? Maybe he got caught up with her?" Sabi ni Sir Grover.

Pumintig ang tenga ko sa sinabi nya. Sinong 'her'?

Umupo silang dalawa sa sofa. Kumuha ng telepono si Sir Hillton at nag dial doon. Tahimik lang akong nakikinig mula dito sa dining table habang naglalapag ng placemats.

"Let's call him."

Ilang minuto 'yon nag ring ngunit walang sumasagot. Makailang beses nyang inulit ulit ang pag dial no'n ngunit wala talagang sumasagot.

"He's probably busy right now." Saad ni Sir Hillton.

"I thought she's just gonna talk to Fran for a second. Siguro ay nag didinner na sila ngayon. Mauna nalang tayong kumain. Gutom na ako e." Saad ni Sir Grover.

Napapikit ako sa dahil sa pag-uusap nilang dalawa. Nananadya ba sila?

Hindi ko namalayan na nasagi ko pala ang babasaging baso at nahulog 'yon sa sahig at nabasag. Napasigaw ako sa gulat.

"What happened?" Tarantang saad nila Sir Grover.

"Don't pick that up." Ani ni Sir Hillton.

"Ayos lang po ako. Wawalisin ko nalang." Tipid akong ngumiti at pumunta sa kusina para kumuha ng walis at dustpan.

"Ikaw kasi." Sabi ni Sir Hillton kay Sir Grover nang makaalis ako.

I feel bad about lying to him. Ang sinabi kong hindi ko alam ang dahilan ay kasinungalingan lang dahil alam ko naman talaga. She's making me worried. Everything is making me worried.

Matapos kong walisin ang nabasag na baso ay inilabas ko 'yon para itapon sa basurahan sa labas ng bahay. Inilapag ko ang walis sa gilid ko at naupo ako sa gutter ng kalsada. Hihintayin ko nalang muna na tapos silang kumain dalawa.

Inilabas ko ang phone mula sa bulsa at tinignan ang message nya saakin kaninang tanghali. He told me to not skip my lunch at huwag masyadong lunurin ang sarili sa garden.

Tuluyan na nga akong nalunod sa mga iniisip ko at hindi ko na napigilang maluha. Masyado nga lang ba talaga akong nag ooverthink?

Humagulhol ako habang nakayuko. I covered my face with my arms. I just let the crickets and the cold night comfort me in this misery.

Maya maya ay may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Malakas ang ilaw ng headlight nito kaya hindi ko agad na recognize. Nang mamatay na ito ay atsaka ko pa na realize na si Sir Calren pala ito.

"Why are you out here?" Saad nya nang makababa mula sa sasakyan.

Agad na pinunasan ko ang mukha ko dahil basang-basa 'yon ng luha.

"Nagtapon lang ng basura." Pinilit kong ngumiti sakanya pero mukhang hindi nya pinatulan ang excuse na 'yon. Kunot noo syang naglakad sa direksyon ko.

"Why are you crying?" Saad nya.

"You're not a good liar. C'mon tell me."

Tumabi sya saakin. He looked at me in the eye. This time, nilabanan ko ang tingin nya. Hindi ko iniwas ang tingin sa kanya. Hinding hindi ako magsasawa sa tingin nya saakin.

"Nag overtime ka? Ang sabi kasi nila ay...baka kasama mo daw si Franchessa." Tanong ko.

Umiling sya saakin. "Pinauna ko sila dito but I told them I'd be late dahil may hinabol akong deadline. Fran did came to my office, naabutan pa nila sya. But, she left just minutes after they did."

Tumango tango ako. "Ganon pala."

"Were you worried that I might be with her? What did they tell you?"

"Wala naman. Narinig ko lang sila nag-uusap kanina na...baka kasama mo sya at nag dinner na kayong dalawa."

Hindi ko alam kung bakit pa sya natatawa sa lagay na 'to. Ngumuso ako dahil sa tawa nya. "Is that why you're out here crying?"

Mahinang sinapak ko ang braso nya. "Hindi ah."

"I get it. When girls say 'no' it probably a 'yes'. I've already cracked the code honey. No need to lie." Proud na saad nya saakin. Tumawa ako sa sinabi nya. "Wag kang makinig sakanila. They're just teasing you. Don't take them seriously."

"Fine, Oo na. Nag aalala ako." Saad ko at huminga. "Medyo nagseselos lang ako."

I fidgeted with my hands while saying that. Hindi sya umimik at tumayo. Nagtaka naman ako kaya't sinundan ko sya ng tingin. Pumunta sya sa kotse nya at mula doon may kinuha syang malaking bouquet ng bulaklak. Bumalik sya sa harapan ko.

"This is what made me more late. The flower shops closing but pero pinakiusapan ko silang gawan ako nito." He said at iniabot saakin ang bulaklak.

"Thank you. Napaka ganda nito."

"Congratulations for passing the exam." Ani nya.

Tumawa naman ako sa sinabi nya. "Akala mo naman pumasa ng LET."

"We should celebrate every achievement you make." Saad nya.

Tumayo ako bitbit ang bulaklak na ibinigay nya. Lumapit ako sakanya at sa hindi nya inaasahan ay binigyan ko sya ng yakap.

"Maraming salamat." Bulong ko.

He slowly enveloped me with his arms. Amoy na amoy ko ang napaka bangong katawan nya. Naramdaman ko ang labi nya sa noo ko. Medyo nakikiliti ako doon dahil humihinga sya at tumatama iyon sa noo ko.

"After a long exhausting day." Saad nya at mahigpit akong niyakap pabalik.

"We're so sorry." Saad ni Sir Grover saakin. Humihingi sila ng patawad saakin dahil sa maling impormasyon na sinabi nya. They said that they purposely said it for me to hear pero hindi nila inaasahan na sasama ang loob ko dahil 'don.

"We got too excited when we knew about the thing between you two. He's been linked with a lot of girls but this is the first time he actually told us that he's courting someone." Dagdag pa nya.

Kumunot ang noo ni Sir Calren sa gili. "Tama na yan."

"Sorry na bro." Sagot nito at kumapit sa braso ni Sir Calren.

"Regardless, we're so proud of you Vegas." Saad ni Sir Hillton at tinapik ang balikat ni Sir Calren. He doesn't seem happy. Parang nandidiri pa nga sa ka kornihan nilang dalawa.

"You both get your fucking hands on me." Inis na saad nya sa dalawa.

Matapos ng usapan nila ay nagdisesyon na ang dalawa na umalis. Inihatid namin silang dalawa sa may pintuan. When they left, he intertwined his hands with mine. Ngumiti sya saakin. I'm still not used to the feeling of what everything he does. Hinalikan nya ang kamay ko. Hindi ko maitago ang nararamdaman kaya't abot langit naman ang ngiti ko.

"Stop thinking about what other people think of us. Stop listening to them. Believe when it's me whose telling you. This is all about you and me. Just you and me." Mahinang bulong nya, sapat na para magwala ang buong sistema ko.

"I am faithful to only you." He added.

The Way I Loved You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now